One: Going Back Home

16 0 0
                                    


Life is so much easier when I was younger, back when both my parents were still alive. Don't get me wrong, I love my Auntie Selena, but sometimes I wish my parents were still here. Iba parin kasi yung aruga ng isang magulang. They thought me how to be kind, to forgive, how to stand up for myself, and everything they know on how to survive in this cruel world.

They would always spoil me with things I like. At such a young age, I already knew that we're rich because they would always give me everything. And when we go to my parent's foundation, they would always give foods, clothes, and toys. Things like this are what I miss the most, that's why when I got the chance to host my own foundation, the "It's a long road, but we'll get there" foundation, I gave it my all.

It's for all ages who struggled to find their own path or their own purpose and find it hard to stay on track. Gusto ko nga sana na puro mga bata ang tulungan ko kaso it was already on my parent's foundation.

But all of this wouldn't happen if it wasn't for Auntie Lena. Speaking of her. Kanina pa niya ata ako tinatawag.

"Kaaaaayyyyy!" Sigaw ni Auntie. "Mahuhuli ka na sa flight mong bata ka!"

"Yes Auntie! Just a sec!" Napahaba na ata ang pagmuni-muni ko.

I quickly packed my things, baka mabatukan pa ako ni Auntie pag nagkataon. Masakit kaya.

I'm going back home to my mother land, as in my mother's land. Kung saan siya pinanganak. Sa Philippines. I just graduated from Senior High and I decided to go to university somewhere far. Madaming magagandang kalidad ng education dito sa Australia, pero alam mo yon? Sawa na akong makita lagi ang pagmumukha ng mga tao dito. Charot lang.

But the real reason is, gusto kong makita kung saan lumaki si Mom. And new school, new environment, new life na din. Hindi ko naman sila kakalimutan dito, I'll still visit from time to time.

Itong si Auntie lang talaga panira, ang drama masyado akala mo hindi na babalik yung tao. Ayaw pa nga niya nung una, kesyo bakit pa ako lalayo kung nandito naman na daw silang lahat. Hayst, Auntie kung alam mo lang, sawa na ako sa mukha mo. Oops. Hehe. Charot lang syempre, lab-lab kita Auntie.

"KAAAAYYYY!!" Nako po, rinig na ata sa kabit-bahay yung boses ni Auntie.

"Nandiyan na poooo!" tumakbo na ko palabas ng room ko bitbit ang dalawang mabigat na duffle bag. Bakit kasi ito ang hinanda ni Auntie, pwede namang maleta. Tsk.

"Ang tagal mong bata ka, kanina pa nag-hihintay sayo si Mang Jerick. Akin na nga yang isa mong bag."

"Ang hirap kayang bitbitin nitong bag Auntie, bakit kasi ito pa yung hinanda niyo hindi yung maleta." Reklamo ko.

"Okay na iyan, iyan kaya ang una kong nadampot haha." Sabi niya. Hays. "Basta, bumisita ka parin dito kahit paminsan-minsan. Mag-iingat ka rin doon, at baka may makakilala sayo roon. Lalo na't wala nang magtatanggol sayo." Paalala pa niya.

"Yes Auntie. And besides I can take care of myself, nag-aral yata 'to ng martial arts." Pagyayabang ko.

"Wala yang magagawa kung baril na ang gamit nila." Grabe naman 'tong si Auntie, walang tiwala?

"Auntie don't ya worry, be happy." Sabi ko sabay hawak sa magkabilang gilid ng labi niya at inangat.

"Nakong bata ka talaga." Hahaha ang cute ni Auntie. "Paalala ko lang ulit sayo, huwag na huwag mong gagamitin ang surname mong Williams ah. Perez. Perez ang lagi mong gagamitin sa Pilipinas."

Miss LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon