Four: Campus Tour Part 2

4 0 0
                                    


"Okay!" Rina clapped both of her hands. Napakurap-kurap ako. "Let's continue our tour."

We went to the building beside Gate 3. Apparently, there are 5 buildings intended for classes but not all of it.

"We're now in one of the five class building here in MCU. Dalawa sa entrance, dalawa malapit sa Gate 2, and isa dito. There are different courses offered by the university and speaking of that, ano palang course ang kukunin mo Kay?" Tanong ni Rina.

"Oh, I'm gonna take up business." Sabi ko.

"Really, Si Rina din. She's taking over their business once she graduates." Magsasalita na sana si Rina nang si Alice na ang nagtuloy.

"Yeah, pero hindi na ikaw ang kailangang magsabi no'n." Mataray na banggit ni Rina, nagpeace sign lang si Alice.

"Eh ikaw Alice? Anong course mo?" Tanong ko, kasi mukhang hindi naming siya magiging classmate.

"Tourism, 'cause I wanna travel around the world!" May pa hand gesture pa siyang effect haha. Sabagay matangkad nga si Alice, I'm pretty sure nasa 5'6 or 5'7 siya. Si Rina same height lang ata kami.

"Edi paano 'yon hindi ka namin makakasama sa classroom, magiging magka-iba ang schedule natin." Sabi ko.

"Don't worry Bes, wala pa namang schedule na binibigay eh, kaya pwede pang mag-align kahit papaano yung schedules natin." Pag-assure ni Alice. Teka anong Bes?

"Anong tawag mo sa akin?" I asked. Medyo confused.

"Bes, short for best friend." Sabay tawa niya. "Best friends naman na tayong tatlo diba? Gano'n din tawag ko minsan kay Rina." Dagdag pa niya. Ohh I see.

"Sure! I never had more than one bff before." Excited kong sabi.

"Let's check our schedules once they post it." Rina said. "Do you see that tower between dorm 4 and the class building? That's Gate 2. Beyond that, isang malawak na ilog na pero hindi na sakop ng bayan na 'to."

"Saang bayan ba nakatayo itong MCU?" Tanong ko. Kasi kahapon pa ako curious as to where we are. Sobrang lawak naman kasi ng university na'to at may mga gubat pa daw.

"Teh, pumasok ka dito na hindi mo alam? Ano 'yon? Nagteleport ka nalang bigla at 'di na dinaanan yung small town ng Aqua Vista?" Sarcastic na mga tanong ni Alice. Malay ko ba, I'm probably sleeping during that time. But Aqua Vista? Parang familiar, saan ko nga ba narinig 'yon?

"Nasa Aqua Vista tayo. Mayroong maliit na bayan na madadaanan bago makapunta dito sa university. And usually, doon pumupunta ang mga students kapag weekend para mamasyal." Buti pa 'tong si Rina, matinong kausap. Ay minsan hindi pala. Minsan lang. "I just don't know the reason why the founder chose this place though, pwede namang city gaya ng dati naming school." Oo nga naman. It does ring a bell too, pero sa susunod ko nalang isipin.

"Pero sariwa ang hangin dito, which is what I like." Sabi ko. They both agreed. Pag labas ko palang kaninang umaga para magjogging langhap ko na agad ang sariwang hangin. Hindi na ako magrereklamo kung bakit malayo ang pinagtayuan ng university na 'to.

*****

Pumasok kami sa tower ng Gate 3, nadaan namin yung guard na naka station doon. Sila Alice tinanguan lang yung guard. Wow, close sila? Binuksan na niya ang gate para makalabas kami. Ah, gets ko na. Mukhang kailangan malakas ka sa mga guard dito para pwede ka makalabas. Wais din 'tong sila Alice ah, Sino kaya sa kanilang dalawa ang kasundo ni manong guard?

Miss LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon