Two: The Roommates

8 0 0
                                    


When the door opened, two faces of young women screamed in front of my face. Not literally on my face, but you get it. Ang sakit sa tenga ng sigaw nila jusko.

"Aaaahhhh!"

"Kyaaaahhh!"

OH.MY.GOD. Para silang 2.0 version ni Emma.

"Uhmm, hi?" I tried to voice out pero masyadong makabasag pinggan yung boses nila kapag pinagsama.

"Hi!" Sabi nung naka blonde na buhok.

"Hello!" Sabi naman nung naka bob cut ang buhok.

"Sorry, my bad, I'm Alice Manabat. And this is Marina Gustavo. We're your new roommates." Si Alice yung naka blonde.

"Hii! It's Rina for short." Sabi ulit ni Marina, yung naka bob cut.

"Uhmm, pwede bang pumasok muna tayo?" Nahihiyang tanong ko. Like seriously, baka masita kami rito sa labas dahil sa ingay nila. 

"Oh shoot! Tara tara, where are our manners, Rina?"

"Nandun sa toilet, fli-nush mo na kanina." Sabay tawa ni Marina pero si Alice umirap lang at ginaya na ako papasok sa loob.

"By the way, what's your name?" Tanong ni Alice.

"I'm Kaylee. Kaylee Perez. Kay for short." Maikling pakilala ko.

"We've been told na magkakaroon kami ng new roommate, pero hindi naman nila sinabing sobrang ganda pala." Bola ni Marina.

"Oo nga, kaya pasenya na kung napasigaw kami kaagad nung nakita ka namin." Explain naman ni Alice.

"Wala yon, sanay na ako hindi lang halata." Sabay tawa ko. Nakitawa na din sila. At sabay-sabay na nga kaming tumawa.

After ng pleasantries namin, nilibot ko na ang buong dorm room namin. Sobrang ganda dito sa room namin at ang lawak. Pagpasok mo palang may foyer na agd, sosyal.

Syempre ang living area, hindi room dahil open space yung buong unit. Mayroong flat screen TV and a long sofa bed. Mahilig pala silang mag movie marathon pag may free time. And after the living area, ay ang dining table na 6 seaters and there's the kitchen na medyo spacious din. Nabanggit pala ni Alice na mahilig magluto si Marina kaya pina-renovate nila ang kitchen.

At the left side down the mini hallway sa kitchen, nandoon yung common powder room namin. Hinanap ko nga yung bathroom, pero sabi tig-iisa daw kami sa bedroom namin. Wow. Sosyal ulit. Sa right side naman nandoon nakahilera ang mga kwarto namin. Nasa pinaka dulo pala ang room ko.

The overall design, is like outside. Same theme, old castle with a touch of modern. Hinayaan muna ako nila Alice na maglibot-libot dito at aayusin din daw nila ang mga gamit nila.

Pag pasok ko sa kwarto, first thing that I saw was the queen-size bed. Like wow, ganoon ba kayaman ang university na 'to para isa-isa ang mga students ng queen-size bed? The motif of my room is nature and I like it. Nasa city kasi kami sa Australia and I would always go out of town with Emma or just me to exhale all the toxicity and inhale the fresh air. And just like they said, may sarili nga kaming bathroom dito sa kwarto. Not a bathtub but a shower, and it's a nice shower.

Nandito na din pala ang mga gamit ko, I started to unpack my things. But wait, mamaya nalang pala, iidlip muna ako. Grabe nakakapagod ang byahe.

*****

I didn't notice the time, when I woke up it's already 5:30 PM. Napahaba yata ang sabi kong idlip lang. I checked my phone to see if may texts or missed calls si Auntie or Emma, pero wala. Aba't!? Hindi man lang nila ako kamustahin kung nakarating ba ako ng maayos?

Miss LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon