Seven: Ian James Castillo

9 0 0
                                    


Did I say that I like math? Yes? Well, you're very much wrong. I hate it. I really really hate it.

Lalo na ngayon, first day na first day, problem solving na agad. Para daw ma-exercise ang mga utak namin at baka may hung over pa kami sa bakasyon namin. Urgh! That's what you get for taking business course Kay, madami pa 'yan.

It's already in the afternoon at parang pagod na pagod na ako, jusko. We're inside the classroom at nagbibigay ng equation sa board ang prof namin. Grabe ang energy niya 'di ko keri. He's Bi, pero ang lakas ng datingan kaya yung iba kong classmate ginaganahan sa pagtuturo niya. But not me. Iba nalang ituro niya 'wag lang math

Katabi ko ngayon si Rina na medyo attentive, medyo inaantok. Pili nalang kayo haha. Yung tatlong ugok naman nasa likod namin. There's no seating arrangement for now, yun ang sabi. Pero titignan pa raw if okay na na ganito ang arrangements namin.

I preferred it this way, kasi katabi ko si Rina. Malalayo ako sa kanya kung sakaling alphabetical ang seating arrangement.

"Mr. Santiago. Find the ex of this equation." Biglang pagtawag ni Prof. Makamkam sabay turo doon sa blackboard. Grabe ang kaba ko 'don ah, akala ko sa'kin siya nakatingin.

X + 9 = 18 – 2x

"Prof, bakit ko pa hahanapin ang ex, eh ex na nga?" Biglang nagtawanan ang mga kaklase namin. Si prof naman biglang sumama ang tingin, nako po. Yuko nalang ako.

"Are you going to answer me correctly or you're going to stand outside the classroom during the entire period?" May pagkamalakas na sabi ni Prof. Makamkam. Tumahimik naman ang lahat. Ito kasing si Joe akala mo biro lahat eh. Mandadamay pa, jusko po.

"The x is 4 Sir." Sagot ni Joe na parang sa mga sundalo, kulang nalang sumaludo siya. Loko talaga. Pumunta naman siya sa harap para ilagay ang step by step kung paano niya nakuha ang sagot.

"Very good. Kaya naman pala, pinapataas pa ang blood pressure ko." Napakamot nalang ng ulo si Joe after niya masagutan ang equation. Nagtawanan ulit ang buong klase.

"Loko ka talaga." Sabi ni Brent at napailing iling nang makaupo na si Joe.

Ang galing pala niya sa math eh, akala mo kung sino maloko may ibubuga pala. Ugok talaga.

Puro equations ang binibigay ni prof at buti hindi ako natawag dahil mostly boys ang tinatawag niya sa harap. Pati sila Brent and Ian natawag. Bet niya kaya silang lahat?

*****

After our math class, we have one hour and half break. Rina and I decided to take a stroll in the field. Doon kami sa open field tatambay. While sila Brent uuwi daw muna sa dorm nila. We already texted Alice, but she can't make it dahil may screening na agad para sa mga tatakbong candidate for SC.

This is what I'm talking about, mawawalan siya ng oras sa'min but it's her passion kaya support kami sa kanya. Hindi naman lagi ito, we can adjust our schedules just to make time for everyone.

We sat on one of the stone benches. Rina was still a bit not in the present but I think I can talk to her.

"Uhm, Rina, about kanina sa cafeteria." Panimula ko at lumingon naman siya sa akin.

"Sorry about that."

"No, it's okay. I mean it's awkward pero hindi naman natin maiiwasan 'yon minsan eh." Pag-amin ko.

"Alam kong curious ka as to why I acted that way. We're just protective of Ian." Ayan nanaman yung pag tingin niya sa malayo.

"Ako ang unang naging kababata ni Ian before sila Brent. Ako din ang nakasaksi ng first heartbreak niya when his mother died. Nakwento naman namin sa'yo na his mother died while giving birth to his younger brother, right?" Napatango nalang ako. "'Yon ang sabi sa amin. But Ian insisted it's not. Iyak siya ng iyak noon while saying that it's not the reason why she died. He later told me that it's his intuition telling him. Na may ibang rason pero hindi lang sinasabi sa kanya. Tita also went abroad for two months that time while pregnant to their second son. During that two months, walang naging communication si Ian sa mom niya. Nabalitaan nalang niyang patay na si Tita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 14 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon