Chapter One

6 1 0
                                    

"Ma'am Yanna, anong oras po magsisimula ang party?" Mula sa pagtitig sa beach ay nilingon ni Yanna si Aya pagkarinig sa tanong nito. Isa ito sa mga staff ng Moonrise Beach and Resort sa Quezon. Anim na taon na siyang nagtatrabaho dito bilang manager. "Ha?" sagot nya. Malalim kasi ang iniisip niya kaya hindi niya narinig ang tanong nito. " Anong oras daw po magsisimula ang party?" tanong ulit nito. "Mga 8 siguro. Depende kung anong oras darating si Sir Clyde. I talked to him this morning and he told me he'd be here by eight or eight thirty". "Ah ganun po ba? Anong oras po namin ide-decorate ang clubhouse?"
"Pagtapos  na siguro ng seminar". Matatapos yun ng mga five. Puwede na tayong maglinis pagkatapos nila." "Okay po." Sagot ni Aya at umalis. Ibinalik niya ang tingin sa malawak na beach resort, sa puting buhangin nito, sa malinis at malakristal na tubig, at sa kamangha-manghanga kabuuan ng beach resort. Moonrise beach resort was known for its peaceful ambiance. The place was not just ideal for a simple family getaway but also for hosting a large group. It could accommodate any function from corporate events, company outings, parties, gatherings, seminars, and workshops. In addition to that, Moonrise was also a perfect destination for lovers who were looking  for a relaxing and romantic retreat. Once the sun had set, ornamental lights were lit making the place look like a wonderland. Air-conditioned cabins--- furnished with beds, cable TV, Wi-Fi access, household furnishings like a stove, refrigerators, and washing machine--- were available for guests who wanted to stay for the night. She loved the place. Doon umikot ang buhay niya sa nakalipas na anim na taon. Nakita niya ang ang hirap ni Clyde-- ang may-ari at manager ng resort-- para mapaganda nang husto ang moonrise. Kaya nga ang laking gulat niya nang ianunsiyo na ibebenta na nito ang Moonrise sa isang kaibigan dahil pupunta diumano ito sa America upang sundan ang amerikanang girlfriend nito. Sa America na rin ito maninirahan.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kadali para dito na i-give up ang isang napakahalagang bagay para lamang sa isang babae. She had been a firsthand witness to her boss's whirlwind love affair.  Naging customer ito ng Moonrise, si Olivia. Pagkalipas lang ng sampung buwan na magkarelasyon, nagpasya ang boss niya na ibenta ang Moonrise para sumama kay Olivia. Ang ikinalulungkot niya-- bukod sa mami-miss niya ang kanyang boss--kailangan din niyang oag-aralang pakisamahan ang bagong may-ari ng resort. Paano kung hindi ito kasing bait ni Clyde? Paano kung hindi sila magkasundo? Paano kung hindi nito mapamahalaan nang maayos ang Moonrise? What if he or she didn't possess the same level of passion Clyde held for the resort? Maraming "paano." Nakakalungkot talaga.

Pagkatapos humugot ng malalim na hininga ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa office. Marami pa pala siyang dapat tawagan at kailangan din niyang masigurong handa na ang lahat para sa surprise despedida party nila para sa amo niya mamayang gabi.

"Wow! Guys! This is really touching!"
Napatingin si Yanna kay Clyde pagkarinig sa sinabi nito. Nabungaran kasi nito ang hinanda nilang party para dito. " Naghanda pa talaga kayo ng despidida party para sakin, ha! You're making me cry. I'm starting to get sentimental I could give you all a big hug." Nagtawanan ang mga staff ng beach resort. " Now, tell me who's the mastermind so that I could give him a spank in the butt," ani nito at muling nagtawanan ang lahat. Noon nabaling ang direksyon niya at atensiyon nito. "I guess it's 'her' not 'him'. Come here. Yanna, alam kong ikaw ang may pakana lahat nito. Natatawang lumapit siya rito. "Oh, I'm gonna miss you," sabi nito at niyakap siya. "I'm gonna miss you, too, Sir Clyde. Sana kasing bait mo ang magiging bagong amo namin." sagot niya at niyakap din ito ng mahigpit. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at saka bumaling sa lahat. " Don't you worry guys, walang kasing bait ang magiging bagong amo niyo, You'll be meeting him in a few hours. He will spend the night here. Bukas ng umaga ko pa sana siya ipapakilala sa inyong lahat, but since you are all gathered here tonight, I guess this would be a perfect chance for you to meet him."
"Kasing guwapo nyo rin po ba siya, Sir Clyde? tanong ni Pamela, ang pinakabibong waitress ng beach resort. "I hate to say this, guys, pero lamang siya sakin ng isang paligo." Everybody laughed. "Okay, so much for these. Alam kong gutom na kayo at ako rin. Whoa! ang dami niyong hinanda. Dapat siguro kay Albert ako magpasalamat. At dahil technically ay siya na ang may-ari ng Moonrise, sakanya ko na ibabawas ang mga nagastos niyo." sabi nito at nagtawanan ang lahat.

EchantedWhere stories live. Discover now