Chapter Seven

0 0 0
                                    

"kumusta na ang pinakamagandang babae sa
Moonrise?" Napangiti si Aisha. Kausap niya sa cell phone si Albert. Umalis ito papuntang Bohol para tingnan ang isang beach property roon. Isang linggo ito roon. Mukhang nawili ito masyado sa dagat at gusto na naman nitong bumili ng isa pang beach property. Well, she was proud of his decision. Ibig sabihin kasi niyon ay seryoso itong mapatunayan sa pamilya na nagbago na ito nang tuluyan.
"Sa Moonrise lang? Bakit, nahanap mo na ba
ang pinakamagandang babae sa balat ng Bohol?" ganting biro niya rito, Isang linggo pa lang itong nawawala ay missed na missed na niya ito. "Okay, I stand corrected, ang pinakamagandang babae sa buong mundo,"
Natawa siya nang malakas. "Bolero ka na ngã.
corny pa," sabi niya rito. Nakita niya ang effort nitong ipaalala sa kanya araw-araw kung gaano siya kaganda sa paningin nito at na-appreciate naman niya iyon.  Malapit na nga siyang maniwala na siya pinakamaganda sa lahat ng babae sa buong solar system. She smiled at
lahat ng the thought.
"Have you opened your drawer yet!
"Ha? Bakit?" aniya bago curious na binuksan ang drawer ng kanyang rable. "Wow! What's this ?" tanong niya habang kinukuha ang isang
read the note on the neon green Post-it note
attached to the box.
Just a little something for the most important
woman in my life.
"Bolero," sabi niya ngunit ang totoo ay kinilig
siya sa nabasang mensahe. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya nai-immune sa mga hirit nito. Daig pa rin niya ang teenager kung kiligin sa mga simpleng sweet nothings nito. "Wow! Beautiful!" bulalas niya nang makita ang laman ng box. It was a pair of white gold heart-shaped earrings studded with diamonds
at its center. "Happy 9th monthsary, baby. Sorry, I cant be there today. "
"Oh, my God," aniya nang ma-realize na
nakalimutan niyang monthsary nga pala nila ni Albert ng araw na iyon.

"I'm really so sorry, l forgot," hinging paumanhin niya dahil nakalimutan nga niya naturang okasyon. Noong una ay tila natatawa siya kapag isine-celebrate nila ang kanilang monthsary. She felt silly. Feeling kasi niya dati ay para lang sa mga high school students ang monthsary. But later she got used to it, like how she got used to receiving 'little somethings'as he called it from him every time they celebrate their monthsary.
"Nah, it's okay. Lagi naman, eh. I somehow got
uséd to it"
"Hmm, sorry," paglalambing niya rito. Nahiling
niya na sana ay nasa tabi niya ito nang mga sandaling iyon para mayakap niya ito."Sorry
talaga. Ang dami ko kasing inaasikaso. Kaliwa't kanan kasi ang mga bookings natin lately. I'm really so sorry, baby."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya
makapaniwalang nakatagal sila sa relasyon nila.
Mag-iisang taon na pala sila, Parang kahapon lang ay takot na takot pa siyang pumasok sa isang relasyon. Pero ang lahat ng takot at agam-agam niya ay binura nito. Pinatunayan nito na tapat ito sa kanya. Mali siya ng husga rito, Mabuti na lang at binigyan niya ito ng pagkakataon na patunayan ang sarili nito.

Kung nagpadala siya sa takot, baka hindi niya
naranasang lumigaya sa piling nito. Ganoon pala ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal, ang saya! Parang lagi siyang nasa alapaap. "By the way, did you like the earrings?" tanong nito sa kanya.
"Yes. Ang ganda. Mahal siguro ang bili mo nito,
ano? Sige ka, baka mamulubi ka sa akin." Inaamin niyang nasanay na siyang binibigyan nito ng kung anu-ano, lalo na kapag may mahalagang okasyon, ngunit iyon na yata ang pinakamahal na bagay na natanggap niya mula rito mula nang maging sila. "Nah. Utang naman yan, eh."
"What? Inutang mo?" Humagalpak ito ng tawa. "Just kidding. Kung mayaman lang ako, higit pa diyan ang ibibigay ko sayo."
"Sus! Okay nga ito, 'no. Ni wala pa nga akong
naibigay sa iyong kahit ano, eh."
"No, baby, you've given me more than what
money can buy, You made me realize I'm capable of running a resort. You gave me the confidence I need."
"Nah. Nasa dugo mo na talaga ang pagiging
negosyante. Besides, alam ko na magaling ka talaga. Utang ko pa rin sayo ang lahat ng iyon"
"Excuse me po, Ma'am Yanna. "

Nag-angat siya ng tingin. Nakita niya si Justin na nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto ng kanyang opisina. "Yes?" aniya sa lalaki. Hindi na niya pinindot ang Mute button ng kanyang cell phone. "May naghahanap po sa inyo. Nandoon po siya sa reception area," anang baklang staff. "Okay, I'll be there in a short while," sabi niya rito. Hinintay muna niya itong makaalis bago niya muling ibinalik ang atensiyon sa pakikipag-usap sa nobyo.
"Who was that?"
"Si Justin. May naghahanap daw sa akin sa
reception area. Got to go, baby. I'll call you back
later:"
"Okay. I missed you."
"I missed you, too. Ingat ka diyan, okay? I love
you."
"I love you, too." She put the note inside the chocolate box. Malapit nang mapuno iyon. Pagkatapos ay maayos na ibinalik niya ang pares ng hikaw sa lalagyan niyon. Bago lumabas ng kanyang opisina para alamin kung sino ang naghahanap sa kanya. ay sandaling
pinasadahan niya ang kanyang mukha sa salamin. Must be some client, she thought.

Pero pagbungad niya sa reception area ay nagulat siya sa nakitang naghihintay sa kanya. Ito ang kahuli-huling tao na inaasahan niyang makita. Si Tanya. She was looking every bit a woman every man would wish for a girlfriend -pretty, sexy, and everything she was not.
Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito pagkakita sa kanya. Natasha dropped her handbag on the couch before throwing herself into her arms. "Oh. Yanna, I missed you so much!" anito habang yakap siya nang mahigpit.
Para siyang naging tuod sa labis na pagkabigla.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya rito nang makabawi. She hadn't seen Natasha for maybe two years now. Isa kasi itong flight attendant at sa Singapore ito nakabase.
Sinasadya rin naman niyang hindi umuwi sa
kanila tuwing umuuwi ito sa Maynila para hindi sila magpang-abot. Kapag naroon kasi ito ay ito lang ang nakikita ng mga magulang nila. Kaya bakit pa siya uuwi?
"My friend's wedding would be held here the
day after tomorrow. Sinadya kong huwag sabihin sayo para masorpresa ka. So here I am." She grinned, flashing a a pair of cute dimples.
Hindi ang alam kung ano ang sasabihin.

"Look at you," anito nang hindi pa rin siya makapagsalita. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "You've changed a lot. You're looking great!" anito.
"No, you're looking great," sabi niya rito. She
would never forget how great-looking Tanya was. But looking at her now made her realize how close her sister was to perfection--mula sa buhok nito. sa malaporselanang kutis, sa pananamit, sa tindig at galaw, hanggang sa pagdadala nito ng sarili. Lahat dito ay perpekto. She couldn't spot a single flaw in her, lalo na ngayon na parang nahiyang pa ito sa buhay nito sa labas ng bansa. Mapagkakamalan talaga itong foreigner. At kahit anong pilit niyang patayin ang nagsisimula na namang umuusbong na paninibugho sa kanyang dibdib ay pilit pa rin iyong bumabangon.

Natawa ito nang malakas. Kakatwang pati ang
tawa nito ay perpekto. "Sinong friend mo ang ikakasal?" tanong niya rito sa kawalan ng masabi. Kasamahan ko sa airline. Filipina rin siya. Her fiancé, who is also a Filipino, happens to be a friend of the owner of this resort," anito.
"Talaga?" aniya. Hindi niya alam kung sinong owner tinutukoy nito-kung si Clyde o si Albert.
She didn 'task though.

"Yup" sagot nito. "Let's go to my room. I've got pasalubong for you," Hindi na siya nakatanggi nang hilahin siýa nito patungo sa silid nito,
"I've missed you so much," anito, saka siya
inakbayan. Kahit noon pa ay sweet na ito, hindi
lamang sa kanya kundi sa lahat ng tao, which made her closer to perfection; which made her all the more envious of her. Shut up! saway niya sa kanyang sarili.

"Where's Yanna?"" tanong ni Andro sa isa sa mga staff ng resort.
"Nasa café po, Sir Albert," sagot ng tinanong
niyang staff."Okay, thanks," aniya at dali-dali nang tinungo ang café ng resort. She must be having breakfast. Hindi nito alam na nakauwi na siya. Gusto kasi niya itong sorpresahin. Sa susunod na araw pa sana ang uwi niya ngunit tinawagan siya nang nagdaang gabi si Jeff-isa sa mga kabarkada nila ni Clyde dati upang ipaalam sa kanyang sa Moonrise gaganapin ang kasal nito. Napauwi tuloy siya nang wala sa oras. Nakita agad niya si Yanna kahit nakatalikod ito sa direksiyon niya. May kasama ito sa mesa,
nakatagilid kaya hindi niya makita nang mabuti
ang mukha nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito, Mula sa likuran nito ay mabilis na hinalikan niya ito sa mga labi.
"Hi, baby," nakangiting sabi niya rito pagkatapos
niya itong dampian ng halik. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkabigla. "What
are you doing here? I thought you wouldn't be back this soon?" anito.
"Oh, my God! Albert?"
Sabay sila ng kanyang girlfriend na napatingin
sa babaeng kasama nito. Kung makatili ito ay tila
excited na excited.

"Tanya?" aniya nang makilala ito. Itatanong sana niya kung ano ang ginagawa nito roon nang bigla niyang maalala na kasamahan pala nito sa trabaho si Rachelle, ang fiancée ni Jeff. She must be there for the wedding.
"Yup, it's me! Sino ba sa akala mo? My God!
Bakit hindi mo sinabi sa akin na boyfriend mo pala si Albert?" baling nito kay Yanna. "What a small world! Nagulat ako nang malamang kayo pala," tila kilig na kilig na wika nito.
"Magkakilala pala kayo?" aniya sa dalawa.
"Oh, hell, yes! We' re twins!" tila proud na sabi
ni Tanya

So ito pala ang twin sister ng girlfriend niya.
Yanna was right, magkaibang-magkaiba ito at si
Yanna, hindi lamang sa hitsura kundi pati sa pag- uugali. Naging close sila dati ni Tanya. "Close' dahil hindi niya maituturing na affair ang namagitan sa kanila. Bukod doon ay sandali lang din silang nagkasama, long enough for him to know she wasn't a girlfriend material for him.

EchantedWhere stories live. Discover now