BECAUSE I LOVE YOU SO
CHAPTER 04.
"It's finally dismissal time!" Nakangiti na naglakad si Leila palabas ng kaniyang classroom. "Nandiyan na kaya si Jayson sa school gate?"
Sandali siyang natigilan at huminto sa paglalakad. Tumawa na lamang siya.
'Wow, excited ka yata Leila? Mukhang iba na 'yan, ah? Ay, hala! Hindi!'
Nakaramdam aiya ng pamumula at umiling-iling kalaunan. Patakbo niyang nilapitan ang kaniyang bisikleta na nasa tabi ng guardhouse.
"Miss Leila!"
Awtomatiko siyang ngumiti nang marinig ang tinig ni Jayson. Kumaway ito sa kaniya habang nakasakay sa dalang bisikleta. Pinaandar niya ang sariling bisikleta at tuluyang lumapit sa binata.
"Hi, Jayson."
"How's your day, Miss Leila?"
"Good. E ikaw, how's staying in the house?"
"Okay naman. Magaan kasama ang mga katulong saka 'yung mga bodyguard."
"Great!" Tuluyan siyang sumakay sa kaniyang bisikleta. "How'd you find my school?"
"I asked Manang Felly about that. Naaalala kong I said na susunduin kita pero 'di ko naman alam kung sa'n ang school mo." Tumawa siya dahil sa sinabing iyon ng binata. "Tara na. Hinihintay tayo ni Ace."
"Oh, he's already there?"
"Yeah. Tara na."
Naunang pinaandar ni Jayson ang bisikleta at sumunod na lamang siya. Bahagyang makulimlim ang kalangitan at malakas ang ihip ng hangin sa sandaling iyon. Ilang minuto ang lumipas ay narating nila ang sementeryo. Ilang dipa ang layo ay nakita niya si Ace.
Magkatabing pumarada ang mga bisikleta at magkasabay sila ni Jayson na naglakad palapit kay Ace. Lumingon ito sa kanila na naging mababaw ang pagngiti. Bumuntong-hininga na lamang siya at humarap sa lapidang nasa kanilang harapan.
"Hi, Miss Liezel. Gusto kong personal na makiramay kaya nandito ako. I hope you're doing great there. As far as I could see, Ace and Miss Leila are doing fine despite the sadness they felt. I hope you're happy seeing them today." Dahil sa sinabing iyon ni Jayson ay nagkatinginan sila ni Ace na umiwas kalaunan. "Please keep guiding them."
Ilang minuto ang lumipas ay kasalukuyan siyang naglalakad sa damuhan. Nakasunod sa kaniya si Ace na nakakrus ang mga braso. Tuluyan siyang lumingon at nagkatinginan sila.
"How's ate? Did she call already?"
"Yes, Leila. She called an hour ago. She knew already about Jayson's living in your house. It's fine with her basta kasama mo ako. You know her, masyado siyang nag-aalala para sa'yo."
Ngumiti na lamang siya. "I could imagine she's thinking that I'm having a new suitor. I hope she couldn't."
"I think she would. Kilala na niya si Jayson kaya I think it's fine if he'll court you."
"Kuya Ace?"
"If he'll court you, would it be fine with you?"
"I don't actually know, kuya. Kahapon ko lang siya nakita and gusto ko muna siyang kilalanin."
"Okay, then. Your sister said that you must stick with my plan. I think nagsisimula ka nang alamin kung sino ang kumidnap sa kaniya."
"Tama ka. Gusto ko talagang alamin kung sino ang lalaking 'yon."
YOU ARE READING
Because I Love You So (1st One Alpha & Jayson FF)
Fanfiction[on-going, slowwwww updates] Because I Love You So 1st One Alpha and Jayson FanFiction 🎶 "Tila ba'y hindi kayang itago pa. Sa bawat pagbuhos ng ulan ay para bang..." 🎶 para bang, ano? Halina't alamin mula sa istoryang ito. (◔‿◔) ©2024, sophiaa...