BILYS - 03.

20 2 0
                                    

BECAUSE I LOVE YOU SO

CHAPTER 03.

"Ang ganda ng bahay nila." Hindi naiwasan ni Jayson ang mamangha. "Kayo lang ni Miss Leila ang nakatira dito? Nasa'n ang mga magulang ng magkapatid?"

"Their parents already passed away before ko makilala si Liezel." Tiningnan niya si Ace na abala sa kusina. "There are maids and bodyguards here with us."

"Ah.." Tumangu-tango siya. "Sa'n nga pala ang kwarto ko?"

"Beside Leila's room. Dalawang kwarto lang ang nandiyan pag-akyat mo sa gawing kanan. Enter the second room."

"Okay. E saan ka natutulog?"

"In Liezel's room. Nasa gawing kaliwa naman ang kwarto na 'yon." Pagkatapos magtimpla ng kape ay lumapit ito sa kaniya. "You should be resting now, Jayson."

"Anong oras nga pala tayo bibisita bukas?"

"After Leila's class. 05:00 in the afternoon."

"Okay."

Umakyat siya sa hagdanan at nang marating ang second floor ay huminto siya sa unang kwarto na naroon. Bahagyang nakabukas ang pinto niyon. Hindi na lamang niya iyon pinansin at dumiretso sa katabing kwarto. Tuluyan niyang binuksan ang pinto niyon at natulala nang makita ang isang babaeng nakahiga sa kama. Bahagya siyang umatras at napasandal sa pinto.

"Miss Leila?" aniya at itinuro ang dalaga. "Bakit ka nandito? Ang sabi ni Ace, dito daw ang k-kwarto ko."

"A-Ah, ano.." Nakita niyang mabilis na tumayo si Leila at lumapit sa kaniya. "Muntik na akong makatulog dito, hehe. Sige na, pupunta na ako sa kwarto ko."

Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis itong naglakad palabas ng kwartong iyon. Umiling-iling na lamang siya at tuluyang isinara ang pinto. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto at tuluyang pumasok sa banyo. Limang minuto ang lumipas ay abala siya sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang maliit na tuwalya. Umupo siya sa kama at natuon ang paningin sa isang litrato na nasa paanan.

"Naiwan niya siguro dahil sa pagmamadali." Tuluyan niyang tiningnan ang litrato at napangiti. "Siguro ang cute ng bonding nilang tatlo. Siguro madalas na maging third wheel si Miss Leila aa kanila." Tumawa siya pagkasabi niyon.

Sa litratong iyon ay naroon sina Ace at Liezel kasama si Leila na nasa kanilang likuran. Nakasuot ang tatlo ng party hats at may hawak na balloons.

"Kaninong birthday celebration 'to?" Muli niyang tiningnan ang litrato at natuon ang kaniyang paningin sa likuran niyon. "Happy birthday to my future wife. I love you. From your dearest future husband, Ace." Tumangu-tango siya. "Ah, si Miss Liezel pala ang may birthday. Siguro nangungulila si Miss Leila sa kapatid niya."

Marahan niyang inilagay sa lampshade table ang litratong iyon at tuluyang humiga sa kama.

"Bukas na lang ako mag-aayos ng mga gamit ko. I should sleep na."

Tumingala siya sa kisame at tuluyang ipinikit ang mga mata.

Nagising siya kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana. Mabilis siyang tumayo at inayos ang mga kurtina. Bahagyang dumilim sa kabuuan ng kwarto.

Nag-unat siya ng mga braso at pumasok sa banyo upang maligo. Isinuot niya ang kaniyang paboritong black hoodie na nababagayan ng black pants. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula siyang mag-ayos ng mga gamit. Isinara niya ang closet na mayroong salamin sa gilid. Humarap siya sa salamin at inayos ang kaniyang buhok. Maraming hibla ng kaniyang buhok ang nanatili sa noo. Ngumiti siya kalaunan at tuluyang tumalikod.

Because I Love You So (1st One Alpha & Jayson FF)Where stories live. Discover now