YANA POV
"Kuya naman e!" Pag rereklamo ko sa kuya ko.
"Minsan lang naman mag babaksyon mga tropa ko dito e, bakasyon naman tsaka nag paalam nako kila mommy, bago ako umuwi ng pinas and pumayag naman sila!" Sabi ni kuya.
Siya nga pala si kuya Joshua, 21 Years old na. May pitong barkada si kuya, Sa State siya nag-aaral kasama niya sila mommy and daddy don. Ako naman andito sa pilipinas kasama sila tita and tito.
May sarili kaming bahay sa Cavite pero kila Tito and Tita ako tumitira, doon din ako pumapasok sa ka nila. Umuuwi lang ako ng Cavite pag tuwing bakasyon at tuwing uuwi sila kuya dito.
"Sige na eneng, sumama kana sa kuya mo magbakasyon sainyo." Pag pupumilit sa'kin ni tita Carmen.
"Tita naman e, sasama naman po ako e, ayaw ko lang talaga sa mga tropa ni kuya" Pagmamakaawa ko.
"Aba ba't ayaw mo naman sa mga tropa ko?! E andon sila Miguel." Sabi nito.
"Pakielam ko sa Miguel na'yun!"
" Jusko po parang di mo gusto dati si miguel ah!" Pang-aasar nito sakin.
"Kuya 3 years ago na yun! Past is Past na kuya!" Sabi ko sa kanya.
"Kung Past is Past, bakit ayaw mo!?" Tanong nito.
"Malamang kakawawain niyo nanaman ako don, Tulad nong unang uwi niyo noon" Sagot ko.
"Mga batang to, ang lalaki niyo na para kayong aso't pusa't jan na nag babangayan" Singit ni tito Bal.
"Paano gawain mo din naman yan, kaya ginaya ka ng dalawa mong pamangkin!" Sabi ni Tita Carmen kay Tito Bal. "Sige na eneng alis na kayo baka maabutan pa kayo ng traffic at gabihin pa kayo." Saad ni Tita.
"Opo, sige po alis na kami, wag kayong mag aaway habang wala ako ah, lagi kayong mag-iingat." Bilin ko kila Tita at Tito bago ako umalis.
"Oo naman, ikaw din mag iingat ka, wag kang papatalo sa mga kuya mo!"
"Opo Tita, ba bye." Paalam ko at niyakap ko sila ng mahigpit.
..............................................................................................................
~Cavite~
Ilang oras lang ay nakadating na kami sa bahay namin sa Cavite. Pagdating naman agad naman kaming nag pahinga ni kuya, dahil kailangan naman mag linis ng bahay bukas.
Pag-gising ko agad naman akong bumaba para hanapin si kuya, nagugutom na din kasi ako at di pala ako nakakain kagabi.
"KUYYYYYYAAAAA JOSSSSHHUAAAAAA" Sigaw ko habang bumababa ako.
"Ang aga aga mong sumigaw babae ka, Siguro gawain mo yan don kila Tita at Tito" Sermon nito sakin
"Hindi ah! Akala ko kasi umalis ka, kaya sumigaw ako" Sabi ko,tas naalala ko na gutom na pala ako.
"Sus kunwari kapa e lagi ngang kinukuwento ni Tita yan saakin"
"So tumatawag ka pala kay Tita at Tito?"
"Oo, kinakamusta kita, Baka kasi sobrang puti na ng mga buhok nila tita sa kapasawayan mo" Sagot ni'to.
"Ako? Pasaway? Di ah na paka bait at sweet ko kaya sa kanila" Sagot ko kay kuya. "Nga pala kuya may pagkain naba? Nagugutom na kasi ako, di pala tayo kumain kagabi"
"Meron na, lumabas ako kanina para bumili ng makakain na'tin" Sabi nito at inilabas na yung mga pagkain at inihanda na.
"Kuya kelan pala dadating mga tropa mo?" Bilang tanong ko.
"Bukas, kaya tulungan mo akong mag linis ng bahay, pag tapos na'tin grocery tayo mamaya." Saad nito.
"Okay" tanging sagot ko.
~Minutes later~
Gaya ng sinabi ni kuya, naglinis kami ng buong bahay, Pagka tapos non nagpahinga lang kami ng kunti at pumunta ng grocery para bumili ng stock namin for 1 month.
Ilang buwan din kasing mag stay sila kuya dito, Pagtapos babalik na sila ng State para mag-aral.
..............................................................................................................
~kinabukasan~
Ito na yung araw na dadating yung mga tropa ni kuya. Kasama nga pala ako sa pagsundo sa kanila sa airport. Kaya naman maaga kami nagising ni kuya dahil maaga din dating nila dito.
Asa airport na kami at hinihintay nalang namin makalabas yung mga tropa ni kuya. Ilang oras din namin silang hinintay at maya-maya nga ay isa isa na silang nag sisilabasan sa airport.
Una nga palang lumabas si kuya Jun ilang taon din kaming di nagkita nito dahil busy sila sa pagaaral nila sa States at ngayon na nga lang sila magbabaksyon dito.
Pagkalabas ni Kuya Jun sumunod si Kuya Johan, sumunod si Kuya Shan, sumunod si Kuya Lex, sumunod si Kuya Dick, at ang sumunod si Miguel at ang pang huli ay si Gio.
Saglit nga lang kami nag katinginan ni Gio, Ganon parin siya tahimik halos walang nag bago sa kanya, ganon at ganon parin siya, gaya ng pagkilala ko sa kanya.
"Laki mo na Yana ah, Dina ikaw yung inaasar-asar namin dati, mukhang nag improve na yung kasungitan mo HAHA" Pang-aasar sa'kin ni kuya Shan
"Syempre, Tsaka di niyo na ako maaasar ngayon, kaya ko na kayong patulan no!" Pag mamayabang ko sa kanila.
"Aba mukhang matapang na ang manok ko" Pabirong sabi ni kuya Dick.
"Ulol" Sabi ko.
"Mag si tigil na nga kayo, kakararing niyo lang inaasar niyo na agad yung princesa ko" Pagtatanggol sa'kin ng beloved kuya ko.
"Nga pala Yana kay Miguel kana lang sumabay pauwi at mukhang walang balak sumama yan sa'min sa gala mukhang mag bebetime ata" Sabi ni Kuya Josh.
Mukhang may jowa na talaga si miguel. Mukhang wala ng chance para ibalik yung dating sweet namin.
"E kuya sama nalang ako sa gala ninyo PLEASE, PLEASE" Pagpupumilit ko kay kuya.
"Wag ka ng sumama, bonding ng mga tropa to, kaya wag ka ng gumulo at di ka tropa, Bonding ng mga lalaki to! Walang babae" Sabi ni kuya Johan.
"Di wag, masira sana yang bonding ninyo, at sana makauwi kayo agad!" Inis na sabi ko. Ano bang naisipan ng mga to bat ngayon pa talaga sila gagala. Di man lang ba sila mag papahinga.
"Sana haha, pagdasal mo " Pang-aasar ni Lex.
"Talaga bwesit ka! Madapa ka sa nang pa'to ka!" Sabi ko habang pinan didilatan ko siya ng mata.
"Ay nadapa" Pangaasar nito na akala moy nadapa talaga.
"Tama na yan, tara na uwi na tayo, Mukhang di ka talaga nila papasamahin" Pang-aaya sakin ni Miguel.
"Mukha nga" Matamlay na sagot ko.
Wala akong magagawa kundi sumabay nalang kay Miguel. Sa isang van kami sumakay at yung isang van gamit nila kuya. Di naman nag tagal umalis na kami ng airport at tahimik lang kami sa van, walang imikan hanggang sa makarating kami sa bahay.
to be continued.....
@sai manunulat/ miss_saiwp
YOU ARE READING
HE IS ALWAYS IN YOUR SIDE [ COMPLETED ]
Romance[ Completed ] There are people who are really not for us. And for us, the person who is always by our side to accompany you in your feelings.