PART 5

111 55 3
                                    

~Kinakabukasan~

Nagising ako sa malakas na pagkatok sa aking pintuan.

"A-A-A-A-A-A PROBLEMA NIYO!, ANG AGA NIYONG MANGATOK" Inis kong binuksan yung pintuan ko. "Ano bayan kuya aga mong mangatok ah!" Inis na sabi ko dito. "Tsaka ano ba yang amoy mo amoy alak! Ang baho-baho!" Pag rereklamo ko dito. "Anong oras na ba kayo nakauwi, mukhang may tama ka pa jan" Pag sesermon ko sa kanya.

"Mga alas kwatro na siguro, napa sarap e" Masayang sagot nito. Mukhang nag saya nga sila, samantalang si Gio umuwi ng maaga. "Lintek na Gio na yun maagang umuwi kagabi, kung alam ko lang na di iinom yung lokong yun sana si miguel nalang sumama kahapon!" Saad nito.

"Bahala kayo sa buhay niyo, gawin niyo gusto niyong gawin, basta wag niyo lang ako idadamay sa pinag-gagawa ninyo!" Reklamo ko dito. Papasok na sana ako ng biglang pinigalan ako nito.

"Ano nanaman kuya!" Iritang tanong ko dito.

"Ano kasi puro kami may hang-over" Panimula nito.

"Oh, ano naman ngayon!?" Tanong ko.

"Ano, walang kasing magluluto e kailangan namin ng sabaw, eh kayong dalawa lang ni Gio na matino baka pwedeng pumunta kayo ng market at bumili ng manok at ibang gagamitin sa tinolang manok at mag grocery na din kayo" Explain nito.

"Ako!? E di nga ako marunong mag luto e! Tas ipagluluto pa namin kayo!" Pag rereklamo ko sa kanya

"Wag kang mag alala marunong naman si Gio magluto, samahan mo lang siya sa market at tulungan mo sa pag luluto" Saad nito.

"Okay fine" Pilit kung payag.

"Puntahan muna lang si Gio sa kwarto niya pag tapos mong magbihis" Sabi ni kuya.

Umalis naman na si kuya kaya pumasok nako sa kwarto para mag hilamos, nakapantulog lang ako na pupunta sa market, tinatamad na din kasi ako mag bihis.

Dumiretso na ako sa kwarto ni Gio at kinatok kuna siya. Maya-maya naman pinapasok niya na ako.

"Pasok" Saad nito. "Oh yana, bakit?" Takang tanong nito. Nagtaka din ako, akala ko alam niya na aalis kami.

"Wala bang sinabi si kuya sayo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. "Sabi kasi ni kuya na pumunta daw tayo ng market at bumili ng manok tsaka mga rekado non at mag grocery na rin daw tayo" Hiyang sabi ko sa kanya.

"Yun lang naman pala e, tara na samahan na kita" Patawang sabi nito.

"Ang problema di ako marunong mag luto nang tinulang manok e" Pakamot na sabi ko.

"Alam kung magluto, turuan kita mamaya" Ngiting sabi nito at agad naman akong hinila pa punta sa baba.

"AY ANAK KA NG KABYO G*GO!" Sigaw ko, at dahil sa gulat ko agad ko namang nasipa ang mukha ni kuya jun.

"Argh, ang sakit yannnaaaaaaa t*ngina! aaahh"

"Sorry naman malay ko bang dito kayo natulog sa sala, may sari-sarili nga kayong kwarto para doon matulog e, di pa kayo makapunta sa sarili niyong kwarto!" Pagsesermon ko sa kanya. Imbes na magpakumbaba ako, ako pa yung nagalit talaga.

hahahahahhaha.

"Eh, sa hindi na naming kayang tumaas eh, anong magagawa namin? Gusto mong pilitin naming tumaas tas sabay gulong sa baba kapag nagkamali kami nang hakbang?" Tanong nang mautak na magdahilan. "Anak ng ano naman oh, ako na nasaktan ako pa nasermonan, nang buhay to! Huhuhu, Umalis na nga kayo baka madagdagan pa ito nimal!" Inis na dagdag nito.

"Galing mo talagang mag dahilan, ano? siguro sa sobrang proud sa iyo yung nanay mo, namumuti na siguro mga buhok ni tita sa iyo!" Asar ko dito.

"HAHAHAHA" Tawa ni Gio

"Isa kapa, nang iwan ka kagabi" Turo ni'to kay Gio. "Kakatampo kana, ngayon na lang tayo magsasaya e nang-iwan kapa" May pagkatampong sabi nito.

"Wala ako sa mood na magsaya kagabi kaya sorry, bawi nalang sa ibang araw" Sabi nito at tinapik sa balikat si kuya jun.

"Tara na?" Yaya nito sa akin na agad ko namang tinanguan.

"Bro alis na kami, baka mamaya asa hagdanan kana naman!" Biro nito kay jun.

Palabas na sana kami ng mahagip ng mga mata ko si Miguel na mahimbing natutulog sa may upuan, agad ko din namang inalis ang tingin ko sa kanya at baka lalong madagdagan ang nararamdaman ko sa kanya, imbes na makalimutan ang inaasahan ko ay lalo itong madagdagan.

"Siya nanaman ba?" Tanong nito nang pagkalabas namin ng pintuan.

"Dina kakalimutan ko na siya, may gf na kaya ayaw kona ng makiagaw" Sagot ko sa kanya at nginitaan ko siya.

    
       @saimanunulat / miss_saiwp

HE IS ALWAYS IN YOUR SIDE [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now