Kakadating lang namin sa bahay, bumungad agad samin si kuya na nakaupo sa labas, mukhang hinihintay kami.
"Grabe kayo inabot na kayo ng gabi" Salubong samin ni Kuya.
"Napasarap tol" Sagot naman ni Kuya Dick. "Sa sobrang pasarap e may nasapian sa gitna ng mall" Lokong sabi ni Kuya Dick na dahilan naman nang pagtawa namin.
"Sige lang tawa well ha! Baka later kayo naman mapagdiskitahan ko! Alagad to ng karma kaya wag kayo" Saad nito.
"Alagad ng karma! Sa kakaasar mo karma na ang lumalapiy sa'yo" Asar ni Leila kay Kuya Johan.
Tumingin ng nakakalokl si kuya Johan kay Leila. "Ikaw kanina kapa ha! Gusto mo ba ng kiss ng isang Johan ha!" Sabi nito.
Nag smirk si Leila kay Kuya Johan. "Yuccckk! Ewwwww!kadiri ka!" Pangdidiri ni Leila kay Kuya Johan. "Ikiskis ko payang labi mo sa sahig! Doon yun nababagay" Dagdag ni Leila.
Napatawa kaming bigla sa sinabi ni Leila. "Whahahahahaha" Tawa namin na mukhang inis na inis na ito.
"Sige lang! Pagtulungan niyo lang ako, may araw din kayo sakin" Banta nito.
"Sige langs" Sabi naman ni Kuya Jun. "Saan na pala bebe mo?" Tanong ni Kuya Jun kay Kuya.
"Umuwi na, hinatid kuna sa bahay nila! Tagal niyo e, hihintayin pa sana kayo kaso anong oras na din" Sabi ni Kuya.
"Pahinga na'ko sa taas" Singit ko sa kanila. "Aakyat nako kuya" Paalam ko.
"Sige-sige, wag mong kalimutang mag hilamos" Bilin nito sa'kin.
"Opo" Magalang kong sagot.
Umakyat nako sa taas, pag-akyat ko ay chinarge ko muna cellphone ko bago ako mag dimpo. Saglit lang naman ako kaya natapos ako kaagad, kumuha lang ako ng terno pajama sa kabinet ko.
Naisipan kong mag gatas nong pagkabihis ko kaya naman bumaba ako para kumuha ng gatas sa ref. Kaso saktong sakto wala ng gatas doon, wala pa ding katao-tao sa baba, baka nag si dimpo din itong mga to.
Naisipan kong magpabili ng gatas kay Gio sa 7-eleven kaya pumunta ako sa kwarto nito para magpabili. Agad naman akong tumaas para pumunta sa kwarto nito, di nako kumatok dumiretso nako sa loob.
Naabutan kong nakahiga ito kaya sinarado at ni lock kuna yung pintuan saka tumabi sa'kanya.
Nagulat ito nong pagtabi ko. "Hoy! Kakagulat ka naman!" Saad nito. Pagkayakap ko sa likuran niya ay humarap naman ito sakin para parehas kaming magkayakap. "Problema?" Tanong nito na ikinailing ko naman.
"Gusto ko lang ng gatas kaso wala na sa ref" Panimuka ko. "Bilhan mo'ko" Pagpapa cute kong sabi na ikinatawa nito. "Bat ka tumatawa?" Kunot-noo ko syang tinignan.
"Wala, para kang buntis na naglilihi sa gatas" Lokong sabi nito naikinahampas ko. "Buntisin na kaya kita!" Lokong dagdag nito.
"Bastos mo talaga!" Sabi ko, tsaka siya napatawa nang mahina.
"Bibilhan na kita sumama kana lang saking bumili" Sabi nito saka tumayo para kumuha ng jacket sa drawer nito. "Tara na tumayo kana jan" Sabi nito habang kinukuha yung wallet nito sa bag.
Sumunod naman ako saka na kami lumabas. Nag kotse nalang kami para mabilis. Mabilis din naman kami agad nakadating sa 7-eleven.
Tinititigan ko muna si Gio bago bumaba. "Bakit?" Tanong nito.
"Nothing" Sabi ko saka ngumiti sa kanya na agad naman ako nito pinaltik sa noo ko. "Aray ko ha!" Inis kong sabi.
"Inlove na inlove ka nanaman ba sa ka gwapuhan ko!" Lokong sabi nito.
YOU ARE READING
HE IS ALWAYS IN YOUR SIDE [ COMPLETED ]
Romans[ Completed ] There are people who are really not for us. And for us, the person who is always by our side to accompany you in your feelings.