Chapter 4

24 2 1
                                    

I'm lying on my bed and staring in the ceiling of my room when my phone suddenly rang. I picked it up and answered.

"Hello Rayle."

"Hoy babae magkita tayo sa Coffee shop yung madalas nating pinuntahan."

"Oh sige."

Lumabas ako ng bahay. Walking distance lang ang coffe shop mula sa bahay. Pumasok ako sa coffe shop at nilibot ang paningin ko sa shop. Nang may nakita akong babaeng nakaupo ng mag-isa at umiinom ng kape ay kinurot ko ang gilid nito. Si

Mahinang napaigik si Rayle.
"Aray beh....." Pabebeng sabi nito.

Nilingon niya ako at ngumuso. Inirapan ko ito at umupo sa upuan na nasa harap niya.

Rayle Rain Santos ang matalik kong kaibigan na nasasandalan ko sa lahat ng problema. Mataray ang babaeng ito at straightforward. Maganda siya at kutis mayaman. Madami ngang nagka-gusto sa kanya noong College days pa namin. Talented din ang babaeng ito, magaling kumanta, sumayaw, mag piano at lalo na ang gitara. Sobrang hilig din niyang magbasa ng libro especially mga fanfiction stories ang madalas niyang binabasa.

"Losyang ka ngayon girl ha. Palagi pala." She sarcastic said.

Inaamin ko na parang lantang gulay ako palagi dahil sa stress at kasali na ang pananakit ni Dwight sakin. Looking back in my life in almost five years, palagi akong flawless at fresh noon at marami din namang nagka-gusto sa akin pero ngayon hindi ko na kilala ang itsura ko.

"Pinapunta mo lang ba ako para laitin ha?" Umakto akong nasasaktan.

"Hindi no? Naiinis lang talaga ako sayo. Kasi kahit ngayon nagpakamartir ka parin sa asawa mong bulok." Mahinahon nitong sabi.
Malalim akong napabuntong hininga sa sinabi niya.

"Rayle..." I protested.

"Bakit? Totoo naman talagang bulok ang asawa mo. Hindi kita maintindihan kung bakit ka pa nagtatagal sa puder ng asawa mo. Kung ako sayo, iiwan ko ang asawa kong bulok at isasama ko ang anak kong umalis. I will help you if you will do it." Sermon ni Rayle sa akin.

"Alam mo naman na mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya kayang iwan." Mahinang sabi ko.
Isipin ko palang na iwan si Dwight ay
ang pinaka mahirap na gagawin sa buhay ko. Hindi ko siya kayang iwan dahil mahal na mahal ko siya.

"Putang-inang pagmamahal Calista. Yang pagmamahal mo sa maling tao ang makakasira ng buhay mo. Tandaan mo yan." Mahinahomg sabi nito." Mahinahon nitong sabi sa akin.

"Rayle naman eh..."

"Bahala ka at tawagin mo nga si Sky, miss ko na inaanak ko." Utos nito sa akin.

Maka-utos itong babaeng to kala mo katulong ako eh kaibigan ako. Inirapan ko siya.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at hinanap ang number ni Tita Cristy at tinawagan. Nagri-ring ang cellphone sa kabilang linya at sinagot na ito ni Tita Cristy. Ni-loud speaker ko ang phone call para marinig ni Rayle.

"Hello iha." Tita Cristy said in the line.

"Hello Tita... Si Sky nga po pala?" Mahinahon kong tanong.

"She's in our house iha. Nakauwi na kami galing sa pamamasyal. She's sleeping." Sagot nito.

Gusto kasi ni Tita Cristy na makasama si Sky at mamasyal. Pumayag naman ako, sino ba naman ako para hindi pumayag sa kagustuhang makasama ang apo niya. Kaya kinuha ito ni Tita sa bahay kaninang umaga. Tanghali na kasi ngayon. Nakatulog si Sky dahil narin sa pagod.

"Ahh...Gusto ko po sanang kausapin si Sky pero wag na po. Sige po Tita. Salamat po."

"Pasensya kana iha dahil hindi mo makakausap si Sky dahil tulog." She said with the hint of apologized.

Unveil The PainWhere stories live. Discover now