Chapter 12

19 1 0
                                    

Tatlong araw na din ang lumipas at nandito kami ni Rayle sa coffee shop. Tinawagan ko siya kanina para magkita kami.

Dumating ang waiter at inilapag ang inorder namin na kape.

"Salamat." Saad ko sa waiter at bahagya naman itong nag bow at umalis na.

"Natawagan mo ba siya?" Sabi nito at uminom sa kanyang kape.

"Oo at kasama niya si Dwight noong tinawagan ko siya." Saad ko at nagulat naman siya sinabi ko.

"Anong nangyari? Kinausap ka ba niya?" Tanong nito.

"I tried. I begged him to comeback but nothing happened, he just ignored it."

"Iba talaga yang asawa mo kahit kausapin ka lang hindi niya nagawa. Kahit sa anak niyo lang." Naiinis na sabi nito.

"Nakita ko si Valna. Bumalik na siya." Sabi ko.

"Actually, nakita ko din si Valna. Kasama niya ang mommy mo that time." Lumaki ang mata nito na parang may napag-tanto. "Hindi kaya may kinalaman ang pinsan mo kung bakit hindi parin umuwi ang asawa mo."

Sandali akong napatahimik dahil sa sinabi niya. Natatakot ako sa posibleng mangyari. I felt a pang on my chest. I don't know what to do. Nararamdaman ko na mahal pa din ni Dwight si Valna. Ang sakit. Sobrang sakit. 

Mahal ko siya. Pero hindi sapat ang pagmamahal ko. Pero ilalaban ko siya dahil ako ang asawa niya. Kasal kami at yun ang ipaglalaban ko at isa pa may anak kami.

Naramdaman ko ang butil ng luha na umagos sa aking pisngi. Dali dali ko itong pinunasan gamit ang aking palad.

"Pasensya ka na." Sabi ko at matamlay na ngumiti.

"Bes, sorry. Hindi ko dapat sinabi yun. Buntis ka pa naman." Sabi nito.

"Okay lang."

"Ahm...gusto mo bang mag shopping tayo?" Saad nito.

"Sa susunod nalang Rayle. Susunduin ko pa si Sky sa school. Oras na ng uwian nila."

"Sige."

Pagdating ko sa school ay nilapitan ko ang aking anak.

"Mommy! Pumunta si Daddy dito." Masayang bungad nito sa akin. Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

Dinalaw niya si Sky. Mabuti naman at naisipan niyang dalawin ang anak niya. Akala ko nakalimotan na niya ang anak niya.

"Asan siya anak?" Tanong ko.

"He already left mommy." Sabi nito na ikinalungkot ko.

Hindi man lang siya nagpakita sa akin.

"Tara na anak." Sabi ko at sumakay na kami sa kotse at pinaandar ko na ito.

Nakadating kami sa bahay at nagbihis muna ako ng damit. Tumungo ako sa kusina. Napatigil ako sa paghihiwa ng gulay ng tinawag ako nito.

"Calista." Tawag nito sa akin. Napatingin naman ako kay Manang.

"Manang, ano po yun?"

"Pumunta dito sa bahay si Dwight." Sabi nito na ikinagulat ko.

"Talaga po?"

"Oo, kaso umalis na siya." Sabi nito.

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman hindi niya ako gustong makita. Ganoon siya kagalit sa akin. Anak lang namin at bahay ang dinalaw niya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unveil The PainWhere stories live. Discover now