Chapter II : Memories

136 5 0
                                    

[ GENESIS RESTAURANT ]

Dito kami nagpunta pagkalabas na pagkalabas namin sa Airport,
Alam nyo kung bakit? Kasi tomguts na tomguts na ko kaya inaya ko na syang kumain at dito ko sya dinala sa pinaka-favorite kong restaurant dito sa Manila.

Dae ko kayang gutom! Duh! :p
Sino di gugutumin dun sa eksena namin kanina sa airport na halos nakalaglag na ang panga ko dahil hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago nya.
As in di ko sya nakilala, kung di nya sinabi yung susuotin nya in details pati kulay ng suot nya..
Ay! Naku talagang di ko sya makikilala! Ganun yon.

At ngayon, halos di ako makatingin ng maayos sa face-luck nitong nilalang na ito. Haha Edi wow.
Dahil na rin sa panay titig neto sakin kaya di ako makakain ng maayos dito sa kinauupuan ko.

Anyways, back to this restaurant
lagi ako dito kasi bukod sa napakasarap ng mga foods dito eh ang gwapo pa ng owner ng restaurant na to.

Pano ko nalaman???!
Aba syempre, isa din akong dakilang chismosa
HAHAHAHAHA!!!

****JOKE lang poh! :)

Actually, ang totoo nian anak anakan ko si Genesis during our college days na ngayon ay may-ari nitong napaka-sucessful na restaurant.

Well, galing sya sa mayamang family thats why he had this place. And dahil nga sa mayaman sila he asked this to his parents as a gift for his graduation. At di naman nasayang ang binigay ng kanyang magulang dahil ito ay naging successful hanggang ngayon and hopefully it will last forever hanggang sa dalin ng kanyang mga apo at ka-apu apuhan pa ang pagiging successful nitong Restaurant.

Eto na nga.. kumakain na kmi,

"Oh ano? Masarap dito kumain nuh?" Sabi ko.

"Yeah... It taste good, mukhang mapaparami tayo ng kain ah..."

"Hahaha oo naman nuh, tikman mo yang black forest pie mamaya, malinamnam makakalimutan mo kung sino ka haha"
Pagmamayabang ko.

"Oh sure i will taste it.. haha mukhang tag-gutom ka shorter! Dae mo inorder eh!"

"Bakulaw! Che. Antagal ko kayang naghintay sayo dun ( kahit hindi naman hehe ) kaya dapat ito libre mo lahat! Kaya dapat ganito karame !"
kakameet lang namin ulit simula nung highschool e ang harsh ko na. Haha.

"Di ka talaga nagbabago... nakakatawa ka pa din"

"So u mean? Clown ako?"

"Ehem! Di ako nagsabi nyan.. sayo nanggaling yan! Hahahaha"

Tong mokong nato! Ang sarap kutusan bumalik ng pilipinas para asarin lang ako ng harapan. Shemmayy! Pero infairness, namiss ko lahat ng pang-aasar nya at pagbibiro.
Halos matatapos na kaming kumain ni Chael ng mapadpad sa table namin si Genesis.

"Hi mhie!"

"Oh hi Gen..."

"Bat ngayon ka lang ulit napunta dito? Namiss ka ng mga pagkain ko dito mhie.."

Adik to! Mukha ba talaga akong tag-gutom kaya niya nasabi yon! Kakahiya much.
Naaninag ng mata ko kahit nakatingin ako sa anak-anakan ko eh natatawa si Chael sa sinabi ni Gen. MyGaddsss!

"ganun ba? Oo nga eh! Sareee--- naging busy lang ako"

"Weh? San? E-ehemm .. Sa lovelife mhie?"
Sabay tingin sya kay Chael.

Nakatingin din samin ni Gen si Chael. Nakangiti.
Napagkamalan pang boyfriend ko si Chael. Aysus ginuo!

"..... ay oo nga pala! Gen.. this is Chael, Friend ko and Chael.. this is Genesis, the owner of this Restaurant and sometimes Chef na rin nitong Restaurant" mabilis na sabi ko sabay ngiti.

DEAR DIARY : Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon