Chapter IV : A BROKENHEART

80 5 0
                                    


Tinanghali ako ng gising... Sabado ngayon..
Kasalukuyang nasa higaan pa ko at nakahilata... magulo ang buhok ... nag-iinat..

Nag-umpisa akong magmuni-muni.

Apat na araw na pala ang nakalipas buhat ng sunduin ko si Chael sa airport. Pagkababa namin sa unit nya at nag-abang ng taxi sa labas sinabihan nya ko na me aasikasuhin muna sya at me pupuntahan. Tatawagan na lang daw nya ko pag me time sya, hiningi nya kasi yung number ko pagkatapos kinuha nya yung phone ko at sya mismo ang
nag-lagay ng number nya sa cellphone ko.

Pero... sa apat na araw na nagdaan wala akong natatanggap na call nya even txt messages. Ayoko naman sya itext kasi baka isipin nya talagang naghihintay ako ng call niya ( bakit? Totoo naman hinihintay mo ha... che! ). Maybe he was just really busy to forget what he have said..

I always glared at my cellphone and i bring it everywhere i go.. when i say everywhere? Mean it, Yes! I carried my phone even in the bathroom. Call me stupid but i just didn't want to miss his call. You know---
Who knows when he would call? That's why.
My stupid mind was trying to make a dumb assumptions as to why a certain HOT someone hadn't called me.

SH*T! ---- ano ba naman kasi yung konting minuto o segundo para tawagan ako at kamustahin? Hmmp!
I sounds like a frustated girlfriend.

Nyeek! Dumukdok ako sa napakalambot na unan sa tabi ko at mahina kong sinasapo ang ulo ko.
Damn! Ano ba yung iniisip ko?
Ano naman kung nakalimutan nyang tawagan ako? Hindi naman kami. Tama! Hindi nya responsibilidad na tawagan ako o itext man lang kung asan sya o ano ginagawa nya.
Mag-kaibigan lang kami. Hindi nya ko girlfriend at lalong hindi ko sya boyfriend!

Mag-kaibigan lang kayo FAITH!
So ano minamaktol-maktol mo dyan?
Wag ka ngang Feelingera!
Nako pati sarili ko kinakausap ko na.
Ano ba naman kasi nangyayari sakin. Tatlong taon lang kaming magka-chat at nung nakaraang araw lang ulit kami nagkita so bakit babalik agad yung feelings ko?
No. Wala lang to. Wala lang talaga to.

Patayo na ko sa higaan ko ng biglang....

"Faith! Faith! ..... Faaaaaaiiiiitttttthhhhh!!"

At isa pang..

"Faith! Bumaba ka nga dito...... D-dalian mo me bisita ka....!!!"

Sigaw yun ng Mama ko..

"Teka lang po ma! Pababa na...!"
Pagkasabi ko nun ay tumingin agad ako sa salamin, inayos ko yung buhok ko at inayos ko ang sarili ko..

Naka-Short Short ako na floral at White
t-shirt na me malaking puso na naka-print sa harap.
Dali dali akong bumaba ng hagdanan, tatlong hakbang na lang pababa ng makita ko ang aking ina na nakangiti sa akin at katabi ang isang pamilyar na lalaki na nakangiti rin sakin
pero tipid lang ang ngiting yun.

Isang gwapong nilalang ang nagpa-aktibo ng boltahe na dumaloy sa mga nerves ko.
Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko.
Nakakaramdam ako ng sobra sobrang kasiyahan sa mga nerves ko at pagtataka at inis dahil ngayon ko lang sya ulit nakita.
Nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino ang katabi ng aking ina.

"P-Paul....."

Tama. Si Paul ang boyfriend kong bigla na lang nawala na parang bula after ng graduation namen. Si Paul na mahal na mahal ko noon, Si Paul na nagpaligaya sakin, Si Paul na todo suporta sa mga activities at career ko, Si Paul na savior ko, at si Paul na ng iwan sa akin sa ere...
Mali.. matagal pala syang nawala mga five years walang communication ni ha-ni ho wala! kaya malamang sa malamang EX-BOYFRIEND ko na sya!

"Hi F-faith..."
Utal niyang sabi na para bang kinakabahan sya.

"W-what are you doing here? Mukhang mali ata ang napasukan mong bahay.. naliligaw ka......"
Aba sabi ko na eh, iba ang lalabas sa bibig ko.. galit. Tsk.

DEAR DIARY : Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon