CHAPTER V : Its really a BAD DAY

113 4 0
                                    

Hindi ko napansin ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko habang nakikinig ako sa mga sinasabi ni Paul.

Ang sakit..

kumirot puso ko...

Akala ko okay ako sa mga magulang ni Paul dahil sa tuwing mami-meet ko sila,
naka-smile, nkikipagbiruan, at parang pamilya na kami kung titignan.

Yun pala hindi totoo ang lahat.
Hindi ako mkapaniwala sa mga nasabi ni Paul..

Napansin ko lang ang luha ko ng punasan yon mismo ng daliri ni Paul.

"That's the truth Faith... and sorry kung umabot ng 5 years bago ako magpakita sayo..." Dagdag niya.

Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Eh yan naman gusto mo diba?
Ang malaman ang katotohanan kung bakit biglang nawala si Paul.

Shut up! Masakit na nga eh. T_T

Bumuhos lang ng bumuhos ang mga luha ko,
naramdaman ko na lang ang mainit na yakap ni Paul. Damang dama ko sya, I feel secured again pero hindi na tulad ng dati.

Ilang minuto din kami sa ganung sitwasyon
pero ako na mismo ang umalis sa pagkakayakap ni Paul sakin.

"Faith.. i know masakit na pinaniwala lang tayo ng mga magulang ko, na okay ang relasyon natin sa kanila...

Pero ngayon handa na ko, nagdesisyon na kong ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sayo.." sabi ni Paul.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Maunlad na ung business nila because of me, wala na silang masasabi pa dun.. if they will do something to make your life miserable, dadaan muna sila sakin...
Di ako mkakapayag na saktan ka nila..

So please... Faith, can we start all over again? Mahal pa din kita 'gang ngayon"
Dagdag pa ni Paul.

"P-paul..." sa wakas me nasabi din ako.

"Hayaan mo muna ako..
Hayaan mo muna ako maging okay..."
Sabi ko.

"P-peroo Faith..."

"Please Paul, i will let you know my status..
Maguusap ulit tayo pag okay na ko..."
Pinilit kong mag-smile sa harap ni Paul.

Syempre! Hindi ko pwedeng isisi ke Paul ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Parehas lang kaming biktima, nagsakripisyo sya para hindi makanti ng magulang nya ang pamilya ko at pati na rin ako.
Mahal ka talaga ni Paul...
He will do anything and everything for you..
Tama mahal niya ko kaya nagtiis sya.

"Okay, i will leave na
pero promise me na kokontakin mo
ko kapag okay kana... promise?"
Nag-aalala nyang tanong sabay abot ng
Calling card nya sa kamay ko.

"Promise...."
sagot ko. Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa knya.

Nagpaalam na si Paul sakin, hindi ko sya nilingon habang papaalis sya.
Naiwan akong nagiisip at tulala na nakaupo pa rin sa ilalim ng puno ng duhat.

Tumulo muli ang mga luha ko,
Natutuwa ako na makita ulit si Paul pero nagdadalamhati ang puso ko dahil sa magulang niya. Against pala sa relasyon nmin ni Paul ang mga magulang nya.
Akala ko totoo ang mga pinapakita nila sakin nun, isa lang palang malaking kaplastikan yon!

Sheemayyy! Ayoko munang isipin yun.
Ang dapat kong isipin ay nagbalik na sya..
Ano ng mangyayari?
Nagbalik na si Paul, anong gagawin ko?
Mahal ko pa kaya siya? Parang oo.. kasi..
Gustong gusto ko sya yakapin kanina ng mahigpit na mahigpit. Namiss ko sya sobra,
mahal mo pa sya teh, magkakalovelife kana ulit.. haha!

DEAR DIARY : Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon