Chapter 2

166 10 0
                                    


Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama sa loob ng aking kwarto. Nakatingala lamang ako sa puting kisame.

Gusto ko lumabas at mag gala ngunit baka maunahan nanaman ako ni ate Lily makauwi rito sa bahay at mapagalitan nanaman ako.

I know I want her mad pero dapat siguro palipas muna ng ilang araw. Ayoko namang sagarin ang pasensya niya at baka ma high blood pa iyon.

Nakakatuwa lang talaga siya pag nagagalit. Minsan hindi ko alam kung galit ba talaga siya or nag papanggap lang, pero madalas talaga muka siyang galit lalo na pag hindi na ito nakangiti.

Pero gusto ko talaga lumabas. Walang magawa rito sa loob ng bahay, ang tagal naman kasi ng pasukan. Second semester na sa pasukan, ilang months nalang ay 4th year na ako sa kursong Bachelor of Science in Computer Engineering.

Bumangon ako at nag lakad palabas saaking kwarto.

Alam ko na ang aking gagawin..

Dire diretso ako sa art room. Magpipinta na lamang ako.

Actually ay nag cocomision ako maraming nagpapapinta saakin, madalas ay mga schoolmate ko na may project about art, then mga businessman na gustong mag pagawa ng family pictures.

Alam lahat ito ni ate Lily, sa katotohanan nga ay ayaw niya ang aking ginagawa dahil she can give me all her money naman raw kung may kailangan ako bilhin, hindi ko na raw kailangan maghanap ng pera. Pero hindi naman dahil sa pera ito, isa lamang itong hobby ko lalo na pag wala akong magawa talaga namang nagpipinta ako.

Tumatanggap ako ng mga commission lalo na pag wala naman akong ginagawa, pero pag alam ko namang maraming ganap sa unibersidad ay tinatanggihan ko ang mga ito.

Marami ring may gustong magpa pinta saakin ng kanilang hubad na larawan, at karamihan sa mga iyon ay babae. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon, marahil ay gusto nilang idisplay sa kanilang kwarto o kaya naman makita ang kanilang sarili na walang kasuotan. Hindi ko alam basta wala pa akong napipinta na ganun kahit marami na ang nag re-request nun, kahit pa sabihin nilang titriplihin nila ang bayad.

Hindi naman sa tumatanggi ako sadyang nagkakataon lang na marami akong ginagawa. Pero kung meron mang pag papapinta ng ganun ngayon ay hindi ko ito tatanggihan.

Umupo na ako sa isang mataas na wooden chair, sa harap ko ay isang malinis na canvas.

Ate Lily made this whole room just for me. Puno ito ng art materials, lahat rin ng mga gawa ko ay maayos na nakadisplay rito sa loob. Nakalagay sa tamang lagayan ang mga materials, malinis, ni wala kang makikitang kalat sa sahig.

Nag umpisa na akong mag pinta. Iniisip ko kung ano nga ba ang aking ipipinta ngunit wala pa akong naiisip ay kusa naman ng gumalaw ang aking kamayat bumuo ng imahe sa puting canvas.

Para akong nasa ibang dimensiyon dahil nasa iginuguhit ko na ang buong atensyon ko, ganito ako lagi tuwing nakakahawak ng paint brush. Para bang nawawala ako sa sarili at dire diretso lamang ang kumpas ng mga kamay.

Kadalasan ay hindi ko alam na may mga tao na palang nanonood saakin minsan tuwing nagpipinta ako lalo na sa unibersidad. Kaya mas gusto ko na dito lang magpinta sa art room dahil solo ko ang silid and I also have privacy here.

Patapos na ako sa igunuguhit ng marinig ko ang pag ring ng aking cellphone sa gilid ko kung saan nakapatong ito sa maliit na lamesa.

Tiningnan ko lamang ito at binalewala.

Malapit naman na akong matapos, makakapag hintay naman siguro yan.

Napahigpit ang hawak sa aking paint brush nang sunod sunod pa rin ang pag ring, ang ingay. Hindi ako makapag concentrate.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Viel Imperium 1: TWISTED AFFECTION Where stories live. Discover now