Chapter 3

11.4K 149 2
                                    

Zyra

Araw ng linggo ngayon, mabuti nalang hindi ko makikita ang pagmumukha ng mayabang na Attorney yun. Binyag ngayon ng anak ni Ate Susana kaya pupunta ako sa simbahan. Isa ako sa mga ninang na napili ni Ate. Binuksan ko ang drawer, may dress naman ako susuotin kaya ito nalang. Medyo bago pa kasi dalawa beses ko lang ito sinuot, yun Fifteen years anniversary ni Nanay at Tatay at yun birthday ni Patrick na kumain kami sa Mandarin Restaurant.

Malinis naman kaya pinaplantsahan ko agad. Pumasok ako sa banyo para maligo. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya na bigay sakin ni Tita Gloria galing abroad. Kaunti lipstick lang ang pinahid ko sa labi ko at kaunti pulbos. Sinuklay ko ang buhok ko, bago nilagay ang Hairclip.

Humarap ako sa salamin, Outfit check, Napansin ko lang nag-iba ang hitsura ko kapag inaayos ko ang sarili ko.'I'm so inlove' ang pangalan ng pabango ko binili ko pa sa Bench, nag spray ako para naman mabango ako.

"Wow bihis na bihis ka ate! Saan lakad mo?"tanong ni Patrick.

"Ano kaba hindi mo alam binyag ngayon ng anak ni Ate susan, si Joey" sabi ko sa kaniya.

"Oh talaga ate, bakit hindi mo sinabi para naman alam ko. Ate umalis kana kaya baka mamaya mahuli ka sa simbahan" Saad niya.

Kinagat ko ang labi ko mas madiin pa.

"Sige alis na ako. Bahala kana dito ah. Yun mga labahan ko mamaya ko na haharapin yan. Bye Patrick" sabi ko sa kaniya.

"Mag-iingat ka ate" Umalingawngaw ang boses niya.

"Ikaw din, huwag mo kalimutan mag lock ng Pintuan" sabi ko sa kaniya. Lumabas ako sa bahay, sakto paakyat na ako sa hagdanan palabas sa Eskinita namin ay nakita ko ang sasakyan ni Keiro Gail Montenegro, wait ano ginagawa niya dito sa Barangay namin.

"Y-Yeah right, mukha bihis na bihis ka, saan punta mo?" Tanong niya, nakasandig siya sa sasakyan sabay tumingin sakin.

"Bakit ba nandito ka? Wag muna tanungin kung saan ako pupunta, sawa kana ba makipag landian sa mga babae mo kaya ako ang nakikita mo?" Prangka sabi ko.

Ngumisi siya sabay umangat ang isang kilay niya.

"Baka nakakalimutan mo Zyra Gomez may kasunduan tayo, hanggat hindi mo nababayaran ang tires ko, sa akin ka" sabi niya.

"Ano naman ba pinagsasabi mo Kiero, Pwede ba linggo ngayon, huwag mo sirain ang araw ko dahil good mood ako ngayon" sabi ko sa kaniya.

"Cancel mo yan lakad mo. Kailangan kita ngayon sa Opisina ko" Napabulalas na sabi niya.

"Ano! Kiero naman linggo ngayon oh, day off ko sayo. Bakit sawa kana ba kasama ang mga babae mo?" Sabi ko.

"Wala na ako babae, pwede ba tigilan mo ako Zyra. Sige na pumasok ka ngayon araw sakin kahit linggo, baka nakakalimutan mo ilan araw ka palang sakin, hindi kapa bayad sa atraso mo sakin" Saad niya.

Napabuga ako ng hangin sa kawalan.

"Okay! Okay fine!" Inirapan ko siya.

Padabog ako sumakay sa kotse niya. Hindi na ako makakatuloy sa binyag sa anak ni Ate susan dahil sa peste lalaki ito. Kainis.

Hanggang sa makarating kami sa opisina niya hindi ko siya kinakausap, okay lang sa akin mapanis ang laway ko basta ayaw ko lang makausap ang lalaki ito. Alam ko na ang mga gagawin dito sa Opisina niya kaya ginagawa ko kahit na niya ako inuutusan. Nandoon siya sa lamesa, nag dutdot sa Laptop niya.

Kainis.

Sana ngayon nasa simbahan ako dahil ninang pa naman ako ng anak ni Ate Susan. Sayang!

Pinunasan ko ang window glass at winalisan ko ang sahig. Wala ako pakialam kung nandiyan sa loob.

MB Series #3 Catch me,Attorney (R-18)Complete Where stories live. Discover now