Chapter 6

10.7K 124 4
                                    

Zyra

Bagsakan ng mga bagong-bago mga bulaklak ngayon sa Dangwa dahil araw ng linggo. Maaga kami pumunta ni Patrick para umangkat ng mga bulaklak na galing sa Baguio. Malakas ang bentahan ngayon dahil malapit na ang araw ng puso. Marami kami binili mga bulaklak. Nakakapag benta ako ng marami nito mamaya.

Nag puwesto ako sa dating puwesto namin ng kapatid ko.

"Miss, bawal mag tinda diyan, May nakalagay na nga ng Malaki karatula na bawal mag benta sa Lugar na yan, hindi mo ba nakikita yan. No vendors allowed, oh sadya nagbulag-bulagan ka lang!" Saad ng lalaki sa harapan ko ngayon.

Araw ng linggo pa naman ngayon sinisira ang araw ko! Bweset.

Umarko ang kilay ko sabay tinignan ko siya ng masama!

"S-Sawa kana ba sa buhay mo kaya ako ang nakikita mo?" Prangka sabi ko.

"Bawal mag tinda dito miss" Saad niya.

"F-For your information, matagal na ako nag titinda dito. Nakalagay na ang karatula na yan, Puwede, Tigil-tigilan mo ako kung ayaw mo tamaan ka sakin" Nakaka-irita ang lalaki ito.

"Isusumbong kita sa City Goverment, lagot ka"Pananakot niya sakin.

Aba sinusubukan talaga ako ng lalaki ito.

"Gawin mo. Diyan ka naman masaya diba. Gawin mo nalang kaya kaysa sa panay ang kuda-kud----------" Natigilan ako ng makita ko siya.

"Anong nangyayare dito?" Bigla umalis ang lalaki ng makita niya si Kiero. Ano ba ginagawa niya dito?

Tumingin siya sakin. Nilapitan niya ako. Umiwas ako ng tingin dahil na alala ko kahapon kung paano niya ako halikan sa labi.

"Kiero"

"D-Dont worry Zyra, You're free today, hindi ako pumunta dito para mag trabaho sa Opisina ko." Saad niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Gusto sana makita Zyra, Gusto ko lang mag sorry sayo sa nangyare kahapon sa Opisina ko, I admit, This is my fault Zyra,I'm so sorry again" Saad niya.

"Okay lang sakin Attorney."

"Pwede ba magsimula tayo ulit. Wala galit sa isat-isa, hindi kita iiwasan, huwag mo ako iwasan" Saad niya.

"Gusto mo maging mag Kaibigan tayo, yun ba ang ibig sabihin mo Attorney?' Tanong ko.

"Yeah" Saad niya.

"Okay wala naman problema sakin e" sabi ko.

Ngayon ko lang nakita Ngumiti si Kiero. Masaya ang mukha niya ngayon. Ano kaya nakain ng lalaki ito bakit gusto makipag kaibigan sakin? Hindi kaya?

Nevermind.

"Magkano ito mga Flowers Zyra?" Tanong niya habang nakatingin sa mga bulaklak na tinda ko.

"Bakit mo naitanong?" Sabi ko.

"Answer me first, magkano lahat ito?" Na intriga tanong niya.

"B-Bakit may balak ka pakyawin ang mga Paninda ko bulaklak?"

"Oo"

"Eight thousand pesos lahat yan, binilang ko na kasi Yan kanina pumunta ako sa Dangwa" sabi ko.

"Okay" Dinukot niya ang wallet sa bulsa at binigay niya sakin ang pera. Hindi siya nagbibiro at binili niya ang lahat ng bulaklak. Ang dami nito ah, kanino niya kaya ito ibibigay.

"Kiero ano gagawin mo sa mga bulaklak na yan? Halos pinakyaw mo na lahat?" Tanong ko sa kaniya.

"For you Zyra" Nagulat ako sa sinabi niya.

MB Series #3 Catch me,Attorney (R-18)Complete Where stories live. Discover now