3

0 0 0
                                    

"Ang tagal mo naman," bungad ko kay Black nang makabalik siya.

Nagpeace sign siya. "Sorry naman, hehe. Yung driver kasi, kung ano-ano pa pinagsasabi sa akin. Kesyo mag-ingat daw tayo. Like hello? Sino namang aatake sa atin dito? Sobrang secluded nga nung place, eh."

"Baka sa'yo kami pinag-iingat, lalo na yung makakasama mo sa kwarto. Baka mamaya, bigla mo na lang sakalin habang natutulog," singit ni Quentin.

"Hoy, Quen! Nanahimik na 'ko rito, ha? Ikaw kaya ang unahin ko, gusto mo?" banta ni Black at umamba ng suntok sa bise.

"Tigilan niyo na 'yan, baka makita pa kayo ni Ms. Tina. Magagalit na naman 'yan, damay pa ang buong section natin," saway ni Marco.

Tumingin ako sa harap at pinanood ang mga kaklase kong hindi mapalagay sa kakalingon sa paligid. Ang iba ay namamangha, ang iba ay nagtataka. Marahil ay punong-puno na sila ng tanong sa isip kung bakit ganito ang style ng lugar.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng hall. Bukod sa mataas at malapad na gate ng entrance ay nakapaligid ang nasa limang metrong taas ng pader. Sa tuktok naman noon ay napapaligiran ng barbed wires.

"Ang exciting lalo! This is gonna be fun, for sure!" Napapalakpak pa sa galak si Lyka.

"Sayang, hindi natin makukuhanan ng pics. More chika about fashion and cosmetics talaga ang goal natin for this event!" tugon ni Sky.

Pairap na sumingit si Cecille. "Excuse me, applicable lang ang maraming kwento kung kayo ang magpartner. Unfortunately, hindi ikaw ang bestie ni Lyka, so..."

Tinaasan ni Sky ng kilay ang kaibigan. "Duh? As if namang pipiliin ka ni Lyka if she have a choice naman. Nauna ka lang naman 'yang sabihan, pero it doesn't mean na gusto ka niya talagang kasama."

"Babe, tama na 'yan. Magagalit na naman si Ma'am Tina kapag nakita kayo," ani Justin sa kasintahan.

Nilingon kami ni Ms. Tina. "Ano na namang meron diyan? May problema ba? Bakit kayo nagkukumpulan?"

Agad na umiling si Lyka. "Wala po, ma'am. We're just wondering po kung bakit ganito yung place. It's kind of... weird."

Tumango si Ms. Tina at akmang sasagot nang tawagin ang pangalan niya ng security guard na nasa gate. "Sige po, ma'am. Pwede na po kayong pumasok sa loob. Bali kayo pa lang po kasi ang dumadating kaya akala po namin ay hindi na kayo matutuloy."

"Ganoon ba? Baka na-traffic lang iyong dalawang bus, Kuya. Tatawagan ko na lang din mamaya yung mga adviser na kasama nila to inform them," sagot ni Ms. Tina.

Binuksan ng guard ang napalaking gate para makapasok kaming lahat. Namangha ang lahat nang tuluyan naming nakita ang kabuaan sa loob.

Ang disenyo ng lugar ay parang isang malaking mansiyon na napapanood sa mga pelikula, ngunit hall ang itsura noon kung papasok ka sa loob. Mayroon ding nakapalawak sa hardin sa labas na nasa gilid ng hall at isang malaking fountain na nasa gitnang bahagi.

Ang kaibahan nga lang nito ay ang kalumaan na napaglipasan na ng panahon. Para kasing itinayo ang hall na ito noon pang panahon ng kastila at ilang beses nang dumaan sa renovation kung kaya't halo-halo na rin ang itsura nito. Marami ring mga estatwa na matatagpuan sa labas ng hall.

"Woah! It's so beautiful!"

"OMG! My excitement is coming back now!"

"Tara na sa loob, dali! Gusto ko nang maglibot!"

Itinaas ni Ms. Tina ang kamay at sinenyasan kaming pumunta na sa loob. Isa-isa naming hinila ang maleta na dala at pinanood na unti-unting isara ng security guard ang napalaking gate.

"Mauna na tayo sa loob para makapagpahinga pa kayo. Gaya ng sabi ko kanina, mananatili ang mga boys sa third at fourth floor. Ang girls naman ay sa fifth at sixth. Kami namang mga guro ninyo ay sa second floor," saad ng aming guro habang naglalakad.

Nang makapasok kami ay tama nga ang hinala ko. Luma na ang lugar at parang pinipilit na lang itong salbahin sa pamamagitan ng pagsasa-ayos. Para itong mga makalumang retreat house na pinupuntahan ng mga college students.

Nilibot ko ang paningin pero iisa lang ang pinaka-umagaw sa atensyon ko. Tumingala rin ako at sinubukang tanawin ang iba pang bahagi ng lugar pero mukhang ganoon talaga ito.

"Walang bintana rito?" bulong ko.

"Ha?" tanong ni Quentin. "Yeah. Parang wala nga. Maybe mas gusto lang din nilang maging maaliwalas ang ambiance ng hall kaya hindi na sila naglagay."

"Medyo creepy talaga siya, ha," ani Black. "Tignan mo, oh. Ang daming mga ulo ng hayop sa pader. 'Di ba, iyan yung mga hinahunting? Yung mga wild animal sa gubat or something?"

Tumango si Quentin. "Oo nga, 'no. Ano kaya kung ulo mo ang isunod kong ilagay riyan?"

"Ayan na naman kayo," singit ni Marco. May sasabihin pa sana siya pero tinawag siya ng adviser namin.

Hindi namin dinig ang usapan ng dalawa dahil medyo malayo ang distansya nila, pero nakikita ko ang paulit-ulit na pagtango ni Marco. Mamaya pa ay biglang umalis si Ms. Tina at naglakad muli palabas.

Bumalik ulit ang presidente at pumwesto sa harap naming lahat. "Okay, guys. Listen up! Ang sabi ni Ms. Tina, lalabas lang daw siya saglit para tawagan ang iba pang section. But for now, pwede na tayong umakyat sa kaniya-kaniya nating mga kwarto. Yung boys, ituturo sa inyo ni Quentin ang mga kwarto niyo, tapos yung girls naman, sumunod kayo sa akin."

Agad kaming nagsikilos at pahirapang inakyat ang mga gamit namin. "Lyka at Cecille, sa 501 na kayo. Sky at Abrielle naman sa 502. Krizza and Nicole for 503 tapos sila Lory at Sabrina sa tabi niyo. Sa last naman na kwarto ay sina Via at Black. And then the rest, sa sixth floor na kayo."

"Let's go, girls!" ani Lyka at nauna na kaming talikuran.

Humarap ako sa pinto ng 505 at pinihit pabukas ang siradura. Parang ordinaryong kwarto lang ito ng isang dorm. Hindi ganoon kalakihan ang espasyo at sasapat lang para sa kagaya naming estudyante. Mayroong dalawang double-decker na kama sa magkabilang gilid at isang mesita sa gitna.

"Oh!" gulat na ani ni Black. "Buti na lang at may banyo na rito sa loob ng room. Hindi na natin kailangang lumabas kapag gabi."

Nilingon ko ang isa pang pinto kung saan siya nakatingin. "Saan mo pala balak pumwesto? Dito sa kanan o sa kaliwa? Pero ikaw na lang ang matulog dito sa taas, baka mahulog ako."

Natawa siya. "May harang naman, ah! Ang sabihin mo, nalulula ka lang din kapag mataas na lugar. Pero sa kanan na lang siguro tayo para mas malapit sa banyo. Nasa gilid ko lang din ang aircon para malamig mamaya."

Sinarado namin ang pinto at inilagay ang mga maleta namin sa gilid ng kama. "Sino kayang makakasama natin sa kwarto? Saang section kaya sila galing?"

THE BOAT IS SINKINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon