4

0 0 0
                                    

"Via? Black?"

Sunod-sunod na pagkatok ang pumukaw sa atensyon namin. "Si Marco?"

"Via? It's me. Pinapababa na muna tayong lahat ni Ms. Tina," dagdag niya.

Nagkatinginan kami bago sabay na inayos ang sarili. "Sige, palabas na kami!"

"Alright! Proceed na kayo sa hall, nandoon na yung iba pa nating classmates!" aniya bago namin narinig ang unti-unting paglayo ng mga yabag.

Nagmamadali kaming lumabas ng kwarto at naabutan pang naglalagay ng kolorete sa mukha sina Lyka. Hindi sila mapakali kung ano ang uunahin dahil naririnig na namin ang pagsigaw ni Ms. Tina mula sa baba.

"Argh! Wait a minute! We're still busy fixing ourselves!"

"Mamaya ka na maglagay ng eyeliner, mag-mascara ka na muna."

"Hell, no! Ang pangit kaya kung hindi complete ang make-up! Ano pang purpose noon kung hindi rin naman ako mapapansin ni Marco?"

"Light na lang ang gawin mo tapos bumalik na lang tayo ulit mamaya. Baka pagalitan tayo ni Ma'am Tina."

"Fine! Fine! Bilis na, Sky! Nasaan ba 'yang partner mo? Halika na!"

Napapailing kaming bumaba sa ground floor kung saan naroon ang venue ng event. Nang makarating kami roon ay halos puno na ang hall ng mga estudyante at mga gamit nila.

"Everyone, listen! Pumila kayo nang naaayon sa inyong section. Ang inyong presidente at bise presidente ay pupuwesto sa harap bilang representatives. Pumila na rin kayo kasama ang inyong mga partner," anunsyo ni Ms. Delilah, ang adviser ng kabilang section.

"Via! Black! Dito kayo pumila!" sigaw ni Marco dahil masyadong maingay ang buong hall.

"Makikilagay na muna ng mga gamit ninyo sa gilid para hindi nakaharang. Pagsama-samahin niyo na rin para hindi mawala!"

Nagmistulang palengke ang buong ground floor. Kaliwa't kanan ang tunog ng mga gulong ng maleta at ang kabi-kabilang boses. Napapalunok akong kumapit sa braso ni Black dahil nahihirapan akong huminga.

"Via, ayos ka lang?" tanong niya.

Pumikit ako nang mariin at pinilit ang sarili na kumalma. "Okay lang ako. Medyo nahihilo lang ako dahil sa rami ng tao."

"Stay ka lang diyan, huwag ka na munang gumalaw. Bakit ba kasi magsisimula kaagad sila? Hindi ba pwedeng pagligpitin muna ng mga bagahe 'tong taga-ibang section? Excited lang?" sumbat niya.

"Anong nangyari?" Kahit hindi ako dumilat ay alam kong ang boses iyon ni May-may.

"Ah, nahihilo raw si Via. Ang dami kasing tao," sagot ni Black.

Sandaling siyang natahimik. "Posibleng nakadagdag din sa pananakit ng ulo niya ang liwanag. Wala kasing bintana ang buong lugar, baka nasisilaw siya dahil ang lahat ng ilaw ay bukas ngayon."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata nang mawala ang ingay. Nakaharap silang lahat sa isang maliit na entablado kung saan nakatayo ang tatlong adviser. "Alright, students. Maaari na kayong bumalik sa mga pila ng inyong section. Hangga't maaari sana ay huwag na kayong gumawa pa ng ingay."

Nagmamadali silang sumunod sa mga guro at pumila na. Gumitna si Sir Arvin at kinuha ang mikropono. "Habang nag-aayos kayo ng pila ay ilalatag na namin ang mga patakaran na kailangan ninyong sundin. Ang iba naman siguro ay naipaliwanag na sa inyo kanina, hindi ba?"

"Una, bawal ang masyadong maingay sa loob ng venue. Kung kaya niyong pahinain ang mga boses niyo, mas ayos. Kung hindi naman importante ang sasabihin ninyo, itikom na lamang ang bibig. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iingay lalo na kung gabi na dahil nakakaistorbo na sa iba pang estudyante."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BOAT IS SINKINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon