2

1 0 0
                                    

"First rule, gaya ng sabi ko kanina ay magkakaroon kayo ng partner. Siya ang magiging buddy ninyo hanggang sa matapos ang event na ito at hanggang sa makabalik tayo sa school. Kayo ang responsable sa magiging partner niyo. Kailangan ay palagi kayong magkasama, kahit sa kwarto niyo ay ganoon din. Kung sakaling mawala o may mangyari sa partner ninyo ay kayo ang mananagot."

Napalunok ako at saglit na bumaling kay Black. Medyo makulit pa naman ang isang 'to lalo na at hindi pamilyar sa amin ang lugar. For sure ay lagpas ng langit ang excitement niya ngayon at nagpipigil lang.

"Second, hindi pwede ang binanggit kanina ni Lyka. Ang magiging buddy ninyo ay babae sa babae, lalaki sa lalaki. Syempre, hindi pa rin namin kayo pwedeng payagan dahil kami naman ang mananagot kay Dean kapag nagkataon."

Agad nagsipag-reklamo ang ilan sa amin, karamihan ay iyong magkakaibigan talaga o 'di kaya ay iyong magkasintahan. Panay ang lingon nila sa iba para maghanap ng magiging panibagong partner.

"Pangatlo, bago tayo pumasok sa loob ay kailangan kong kuhanin ang mga cellphone ninyo pati na rin ang iba pang gadgets na dala. Bawal ang camera, tablets, laptops sa loob. Mahigpit din na pinagbabawal ang pagkuha at pagrecord ng mga litrato at video. Kung ano man ang mangyayari sa event na ito ay mananatili lang dito."

Sinuyod ng tingin ni Ms. Tina ang mga kaklase ko hanggang sa makita ang class president namin. "Marco, pakikuha na lahat."

May inabot na itim na bag si Ms. Tina kay Marco kung saan ilalagay ang mga device namin. "I suggest na i-power off ninyo ang mga 'yan para hindi masayang ang battery. Baka kasi magkaroon kayo ng emergency at tumawag ang parents niyo. Huwag na rin kayong mag-abala na itago ang cellphone niyo dahil wala rin namang WIFI at signal sa loob."

"Argh! It's starting to get worse!" komento ni Lyka.

Tumayo na rin si Quentin na siyang Bise Presidente ng klase at tinulungan si Marco sa pagkuha. Nakasimangot na inabot ni Black ang dalang cellphone at camera sa dalawa.

"Ang KJ naman masyado," bulong niya.

Siniko ko siya bago ko inilagay sa bag ang cellphone at laptop ko. Maging ang airpods ay inilagay ko na rin sa loob.

"Hi."

Nag-angat ako ng tingin kay Marco nang magsalita siya. "You okay?"

Pasimple akong tumango at ngumiti sa kaniya. Muli akong umayos sa pagkakaupo matapos noon.

"Haba ng hair mo, ah?" pang-aasar ni Black at sinundot ako sa tagiliran.

Umingos ako. "Ewan ko sa'yo. Assumera ka talaga ng taon."

"Ang fourth rule natin ay tungkol sa magiging kwarto ninyo. Napag-usapan namin na ang boys ay mapupunta sa third at fourth floor habang ang girls naman ay sa fifth at sixth. At dahil tatlong section kayo na kailangang maghati-hati sa room ay posibleng may makasama kayo na taga-ibang section."

"Bakit hindi na lang per section ang hatian? It's so inconvenient and uncomfortable kaya na matutulog ka sa isang kwarto tapos hindi mo personally close," punto ni Lyka.

Tumango ang ilan sa amin. Sa tingin ko ay may sense rin naman ang komento niya. Hindi rin kasi kami malapit sa ibang mga section. Kahit yata ako ay mahihirapan na makatulog kung sakali man na makakasama namin sila.

"Medyo creepy nga sa part na kasama natin sila sa kwarto. Baka masakal ko sila kung mga loko-loko," ani Black.

"You came here to interact with other people, to make friends. Parte na rin ito para ma-hone ang inyong communication skills. Iyon ang pinaka-objective ng event na ito, Lyka. Now, if hindi mo gusto na may kasama kang iba sa kama, pwede ka namang mauna pabalik."

Naglakad si Marco pabalik kay Ms. Tina habang si Quentin naman ay muling naupo sa tabi ko. "Here, pinabibigay ni Marco."

Inabot niya sa akin ang isang piraso ng papel at agad ko naman iyong binuklat. I'm sorry, Via.

Nagtataka man ay hindi ko na pinansin pa ang sinulat niya. Nanatili ang tingin ko kay Ms. Tina na nagpapatuloy sa pagsasalita.

"Siguro naman ay wala na kayong reklamo tungkol sa mga kwarto? Kaming mga teacher ninyo ay mananatili sa second floor. Pwede niyo kaming puntahan if you have any concerns."

Tumayo na ang guro namin. "Sige na, pwede niyo nang kunin ang mga gamit niyo. Mamaya ko na lang din idi-discuss ang iba pang rules kapag nakapasok na tayo sa loob."

Agad kaming nagsikilos at kinuha na ang mga dala namin. Isa-isa kaming bumaba sa bus at nagpunta sa kaniya-kaniya naming partner.

"Apat na araw lang naman tayo rito pero bakit dalawang malets ang dala ni Lyka? Pupunta ba siya ng event o maglalayas?" sarkastikong bulong ni Black.

Tumabi sa akin si Quentin na kasunod naman ni Marco dahil sila ang naging partner. "You know Lyka. The first luggage is full of her clothes, and the second one is for her make-up, bags, and shoes. She's kinda cool, isn't she?"

Dinuro ni Black ang bise. "Hoy, Quentin! May gusto ka ba roon? Ang pangit ng type mo kung ganoon."

"What? Saang lupalop ng mundo mo naman nasabi na may gusto ako sa kaniya?"

Ihinarang ni Black ang isa niya kamay dahilan para matigil siya sa pagsasalita. "Hep! Hep! Alam kong nagugulat ka sa mga isinisiwalat ko ngayon pero huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na ipagsabi 'yon, 'no! Pake ko ba sa inyo?"

"The hell? Are you an addict or something? Lakas ng amats mo, 'tol."

"Heh! Alam ko na 'yang mga ganiysng pakulo ng mga lalaki! Kunwari hindi raw gusto tapos sa susunod, nagliligawan na! Style niyo, bulok!"

Tinapik ko na ang mga braso nila para manahimik. "Naririndi ako sa inyong dalawa."

"Bleh!" pang-aasar pa ni Black bago nauna sa paglalakad.

"Loko talaga yung kaibigan mo. Mapapahamak pa 'ko sa pinagsasabi niya, eh. Assumera lang?"

Natawa ako. "Sinabi ko nga rin 'yon sa kaniya kanina."

Lumapit kaming lahat sa gate at hinintay iyong bumukas. "Make sure na wala kayong naiwan sa bus, ha? Babalik kasi ang mga 'yon sa school at pagkatapos na ulit ng event pupunta rito. Paki-double check na ngayon ang mga bagahe niyo."

Nagbaba ako ng tingin sa mga gamit ko. Mukhang kumpleto naman lahat.

"Ay, hala! Wait lang po, ma'am! Naiwan ko yung unan ko," sigaw ni Black saka nagmamadaling iniwan ang maleta niya para bumalik sa bus.

"Deserve. Inuna pa kasing mang-asar bago isipin yung mga gamit niya," ani Quentin.

Napailing na lang kami ni Marco. Hindi talaga matapos-tapos ang bangayan nilang dalawa. Ikaw na lang din mismo ang magsasawa, eh.

"Ito talagang si Black, oh," naiiling na sagot ni Ms. Tina. "Kumpleto ba ang mga gamit niyo? Baka kasi may mawala, hindi iyan magiging sagutin ng school. Maging responsible kayo sa mga dala niyo, understood?"

THE BOAT IS SINKINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon