Kabanata 20

17 4 8
                                    

Kabanata 20

Judgment and consequences

[ECLIPSEUS, Enigmatic deity]

Sa isang shield na kung saan pabilog sa tuktok nito ang tanging promoprotekta sa amin dahil sa ginawa ni Zephyrus.

Kitang-kita ang galit sa kaniya, nagliliwanag ang kaniyang mga na tila isang kidlat. Gamit ang kaniyang espada ay tila bumubuo ito ng isang buhawi dahil iniikot niya ito.

“Paiiralin mo na lang ba ang galit mo, Zephyrus?!” Sigaw ko sa kaniya kaya bumaling ito sa kinaroroonan namin.

Ibang-iba ang itsura at klase ng pangangatawan nito kumpara sa normal na siya. “Seryoso ka ba diyan?” Sarkastikong tanong niya. “Bakit tila ang kinakampihan mo ay ang mga makasalanang diyos?” Mapagmanipulang sabi niya kaya nanindig ang balahibo ng marinig ang tono ng pananalita niya.

Kahit si Nocturna ay nagulat rin sa inasal niya. “Zephyrus, huwag mong punuin ng galit ang puso mo,” payo ni Nocturna.

Tumindig siya ng seryoso. “Kinunsinte niyo mga makasalanang diyos na ‘yan!” Galit niyang sigaw sabay turo sa direksyon nila Terramore at Erebos.

Kinabahan kami ni Nocturna sa mga sinasabi niya. “Wala kaming kinukunsinte, Zephyrus,” mahinahong tugon ni Nocturna.“They're going to take consequences for what they have done.”

Dagdag pa niya at sa mga nakikita ko sa mga ekspresyon nito na sinusubukan niyang pakalmahin ang sitwasyon.

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Zephyrus, “You should make sure of that,” he coldly said, his eyes evidently filled with rage.

We thought Terramore was stronger than him before, but we are all wrong because the strongest god is Zephyrus, the god of the gentle breeze. Terramore was just marked as God's leader since he was the earth's guardian.

Nanginig bigla si Nocturna at tila ako ay natakot rin sa tono ng pananalita niya kaya parehas kaming dalawa na halos hindi makagalaw sa kinatatayuan namin.

Inalis na ni Nocturna ang shield at napansin naming nawala bigla sa paningin namin si Zephyrus. “Nasaan na siya?” Tanong ni Nocturna habang hinahagod niya ng tingin ang paligid.

Isang malakas na kidlat ang nanggaling sa hilagang direksyon. Hindi agad namin iyon napansin, natamaan sina Erebos at Terramore ng isang malakas ngunit mabagsik na kidlat. “Makapangyarihang diyos nga talaga siya,” gulat kong komento.

Napansin kong nagbago bigla ang ekspresyon ng earth guardian at diyos ng mga anino‘t mga bangungot. Kayang-kaya niyang ikulong ang sinumang diyos o nilalang sa mga sarili nilang bangungot pero iba si Zephyrus dahil tila hindi niya ito kayang labanan gamit ang mga patibong nito.

Wala kaming nagawang dalawa ni Nocturna ng muling nag-alab ang galit nila sa isat-isa at sumiklab ang laban sa pagitan nila.

Malalakas na tunog ng kidlat, mga kalabog tuwing bumabagsak sila sa lupa o may binabagsak silang mabigat na bagay. Umaangat ang mga purong buhangin sa paligid, gusto man namin silang pigilan ngunit tila walang makakapigil sa kanila.

Tila mga tunog ng buhawi ang naririnig namin dahil sa malakas na pagpakawala nila ng kani-kanilang kapangyarihan nila.

“Terramore!” Malamig na sigaw ni Zephyrus. “Humanda ka dahil baka ‘di ka n mabuhay pa!” May bahid na ng gallt ang kaniyang tono ng pananalita.

“Zephyrus, tama na!” Sigaw sa kaniya ni Nocturna, binalingan lang niya ito pero hindi niya pinakinggan.

Lumipad papunta sa kaniya si Nocturna pero biglang naglaho ito bigla sa harapan niya kaya nagulat siya. “Teleportation ability,” nakaawang ang bibig niyang sambit.

Red RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon