Caitlin POV
After training routine as usual, may kinuha ako sa room ko at meron na naman nagdoorbell sa pintuan. Pagkalabas ko si tangkad na naman. Ano na naman kaya kailangan nito? Medyo di rin makagets tong taong to na hindi ako mahilig makipagsocialize.
"Hi neighbor, busy ka?"
"Hindi naman kauuwi lang from training." Yup Bea medyo pagod ako kaya makaramdam ka. Kinoclose ko na ang door unti unti para magets niya pero manhid ata talaga tong taong to. Idinantay pa ang braso sa pintuan.
"Di mo man lang ba ako papapasukin para makapagbonding tayo ng maayos? Promise di naman ako masamang tao."
"Bea di naman kita masyadong kilala. I hope you understand."
"I do Cait. Anyway, mukhang di ka naman interesado maging friends with me. I'll go ahead then sorry to keep bothering you. Hayaan mo I won't na." Lumakad na ito pabalik ng room niya na ang bigat ng aura bigla naman ako nakaramdam ng guilt.
"Bea lika na magbonding na tayo." Ewan ko ba sa taong to babaw ng kaligayahan parang bata na inabutan ng candy. Lumapit ito at pumasok sa room ko na anlaki ng ngiti sa mukha.
"Wow you have a very minimalist room" Baka ibig sabihin nito walang kalaman laman ang bahay ko. Di naman din ako madalas nasa condo bakit ko naman need magspend masyado sa furnitures. Dumiretso agad siya sa sofa at hinanap ang remote at nagtitingin ng kung ano ano "Ooh you have netflix cool."
Maya maya pa ay dumiretso na to sa kitchen ko, sobrang feel at home ang taong to. "Cait may S &R malapit sa condo if you want samahan kita maggrocery minsan." Ayos din talaga tong si tangkad ayaw pa kong diretsahin na walang laman ang fridge ko. Dumampot naman siya ng dalawang drinks at nakahanap ng chichirya sa cupboard sabay dinala sa living room. Tinapik tapik ang upuan katabi niya waring sumesenyas na tumabi ako sa kanya.
"Gusto ko sana nood tayo ng netflix pero after na lang yun. Mas ok if magget to know muna tayo para sa susunod di na ganyan tingin mo sakin like a complete stranger." Technically stranger naman siya talaga na medyo makulit.
Nung una siya lang ang panay tanong sakin pero kalaunan nakipagbatuhan na din ako ng tanong sa kanya after all di naman to basta lalayas sa kabila. Need ko siya pakisamahan at some point. Napag-alaman ko na business minded pala parents niya at laging busy kaya madalas siya mag-isa. Baka kaya ganito siya kasabik magkaroon ng kaibigan. After ng q and a ay nanood na kami ng movie.
Nagising ako nasa kama na pala ako. Hala pano ako napunta dito. Lumingon ako sa paligid pero di ko na kasama si Bea. Napansin ko na may white piece of paper sa table ko.
Neighbor,
Tinulugan mo ko while we were watching. I took the liberty of bringing you to your bed para makasleep ka ng maayos. I cooked food na rin pala and kept it in your fridge warm mo na lang paggising mo.
Your cute neighbor,
Bea
Di ata uso humility sa taong to. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon na ko at tinikman ang adobong luto ni Bea. In fairness masarap siya magluto, kung may free meal ba naman madalas sige welcome siya lagi sa bahay ko at di ko namalayan naubos ko na pala ang niluto niya.
==========================================
AN: Sorry for the delay in update. Matagal na nasulat sa notepad ko di ko lang alam ano mas nanaig yung tinatamad magtype o pagod lang sa work lolz. Nasulat ko na din ibang chapters at may upcoming exam uli ako so asa uli tayo sa swerteng hatid ng Caitbea hahaha or sadyang miss ko din sila. Nga pala if you guys get the time pls send positive messages to Caitlin by tagging her on x or whichever social media she has. She got a lot of flak during yesterday's game from some people. She doesn't deserve the bashing. As a player we all got those days, sobrang binawi niya naman sa defense and we all know di naman siya ibababad sa set 2 if hindi naging ok yung nilaro niya. Cait actually reminds me of PJ Simon from purefoods. He is called supersub. He played majority of his PBA career as a sub to James Yap. And never fails to provide quality minutes, hence the monicker. The same can be said of Caitlin, she brings instant impact and has embraced this role really well.