Cait POV
So far wala naman akong mga pinaglilihian initially akala ko lahat nakakaexperience nun. This is a whole new experience for me and I can say na worth it yung sacrifice na magpause na muna ko sa volleyball career ko para makabuo kami ni Bea. I felt na mas pinatibay kami ng pagbubuntis ko. Pag nakikinita na namin na magiging tatlo na kami kitang kita ko yung pagkasabik at saya sa mukha niya and it makes me happier.
We both love reading and watching stuff about pregnancy I'm so glad na in tune kami pareho sa ganun. Imbis na movie bonding ang ginagawa namin sa free time manood together ng mother shows. Kaaliw nga e. Napakacute niya pag hinahalik halikan niya ang tummy ko at tinatawag na baby peanut. I just knew in my heart that she will be a great mom and dad sa baby namin.
Everything was going great until that fateful day. I was almost entering my second trimester when I noticed na napapadalas ang sakit ng puson ko at nakikita kong may spotting ako at times. Di ko alam pero nakaramdam ako ng takot magsabi kay Bea ayoko siya madisappoint or malungkot. And then one day I experienced an intense pain on my abdomen tapos wala pa si Bea sa bahay dali dali napatawag ako dito.
"Baby please come home sobrang sakit ng tiyan ko."
After a lil while dumating na din ito and I didn't have the strength to move I was just lying in our bed and could only cry about our misfortune.
I felt Bea covered my lower half and took me in her arms.
"Andito lang ako mahal ko." As she softly kissed my forehead and rushed towards her car.
Bea POV
I was panic stricken when I received a call from my wife. She sounded so distraught. Kaya nagmamadali akong makauwi sa kanya, I was so worried what could have happened to her.
Pagpasok ko ng room namin I found her lying on the bed clutching her tummy in a fetal position. And the sheets were soaked red around her bottom half. Kinoveran ko ito agad at pinagbaunan ng mga spare clothing then binuhat ko na ito at sinakay sa kotse papuntang ospital.
Parang di pa din nagsisink in sakin lahat. Di ko alam ano mararamdaman ko sa ngayon mas nagwoworry ako kay Cait.
"I'm sorry ma'am but your wife just had a miscarriage. We have to evacuate all remnants of your baby so that she won't continue to bleed."
"Please do what you have to do to make my wife feel better. She means a lot to me." Tumalima naman ang doctor at umalis na din.
Kasalukuyan kaming nasa private room. Inadmit nila si Cait para mamonitor lang for a day dahil sa heavy bleeding na naexperience niya.
Di ko namalayan nakatulog na pala ko na nakaupo at nakayuko lamang sa bed niya. Naalimpungatan lang ako ng tinapik ako ni Mommy Tin.
"Anak magpahinga ka na muna kami na muna magbabantay kay Nani."