Chapter 11

613 15 13
                                    


Bea POV


Nakatanggap ako ng message kay Kate na andito daw silang tatlo sa room ng tigre.


Bumili lang ako ng mga iinumin at kakainin namin tapos nagdoorbell na ko.


"Surprise." Bati ko pagbukas ni Cait ng pinto.


"Sinong nag-invite dito?" Sabay tingin nito sa mga kasama. Patawa tawa lang at nagtatago si Kate.


"Grabe ka naman neighbor buti pa yung mga teammates mo gusto ko makasama." Umacting pa kong nahurt sabay hawak sa dibdib. Tumatawa lang yung tatlo bago lumapit si Kate.


"Hehe ako ate Cait. May bitbit naman si idol e. Kaya sayo ko ate Bei e." Umapir naman ako agad dito matapos niya kunin yung dala ko at hinatid na sa table.


"Santiago. Ikaw bahay mo ba to kung sino sino iniinvite mo."


"Grabe naman maka kung sino sino. Neighbor mo kaya ako."


"Onga naman ate Cait minsan lang naman. Hayaan mo na." Wala ng nagawa yung masungit kungdi magpaunlak.


Chill lang ang usapan nung una hanggang sa nilabas ko na yung alak. At unti unti nang nagsibulagtaan sila Kate, Trisha at Rizza. Hanggang sa kaming dalawa na lang ni Caitlin yung natirang magkausap.



Caitlin POV


"Cait bakit ba laging mainit ulo mo sakin?" Pansin ko marami rami natong nainom at nagiging madrama na.


"Wala di ko lang mapigilan. Di ko rin alam kung bakit you always get on my nerves."


Napaurong ako ng bahagya nung bigla siyang lumapit sa akin as in yung mukha niya sobrang lapit bigla kong kinabahan. "Is it the way I look? Saka bakit di ka masyadong umiinom?"


"Like I said di ko din nga alam kung bakit eventhough I don't hate you naman. Wag ka ng magtampo diyan. Yaan mo I will try my best na di na masyado magsungit sayo. Pero di ko mapapromise. Saka di talaga ko masyado iinom dahil alam ko na ending ng inuman na to."


Marami pa kaming napagkwentuhan at medyo nanibago ako makita yung may pagkaseryoso siya madalas kasi inaasar lang ako nito or nagbibiro siya. Marami din pala siyang hugot sa buhay at masarap kausap kasi medyo brainy siya. I wonder ano tinapos niyang course at ano ba talaga ang ginagawa niya for a living at sobrang hawak niya ang oras niya mamaya smuggler pala siya or doing something illegal joke.


Tumayo ito para magcr at napansin ko nga na medyo gumigewang na ito maglakad kaya inabangan ko muna siyang makabalik para masigurong safe siya. Nakita ko humiga na siya sa couch. "Teka neighbor medyo nahihilo ako. 5 minutes tas tuloy natin yung tagay."


"Sige tignan natin yang 5 minutes mo." True enough wala pang 5 minutes nakapikit na to. Kumuha na ko ng mga kumot para ilagay sa tatlo at dito sa pasimuno ng inuman pero knockout din naman.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now