Hi friend. I’m Vixen and this is my way of thinking:
Kahit babae ako, hindi ako vain.
Hindi ko naman kasi kailangan tumingin sa salamin at icheck ang mukha ko every minute. Kahit magpacute pa ako dun, hindi ako pupuriin ng salamin.
Kahit babae ako, hindi ko kailangang gayahin ang pananamit ni ate Anne. Hindi ko pa naman siya kalevel eh. Sa sunod na, tsaka allergic ako sa mga damit na ganun.
Kahit babae ako, hindi ko kailangang magsuot ng pantalon na sa sobrang sikip, hatak, tulak at batak ang muscle ng pwet ko (tsaka wala akong pwet HAHA).
Hindi ko rin kailangan ng make-up, allergic rin ako dun.
Simpleng t-shirt lang ayos na.
Oh ano?
AARTE PA?
Mahirap ako eh. Walang pakielamanan mga tol. XD
Karamihan sa mga babae, matatalino at magaling mag-english. Kaso paano ba yan, hindi ako kasali sa karamihan eh. Pero syempre marunong rin naman ako kahit papaano. Nakapagtapos naman ako ng high school e.
At least hindi ako yung tipong matalino nga, tanga naman. Tanga pagdating sa lalaki. Ginagawa niyo kasi silang mga buhay niyo. Wag naman ganun. OA na yun.
At tsaka kahit babae ka, dapat yung marunong kang makipaglaban.
Kagaya ko, kahit magnanakaw hindi ko aatrasan.
Rambulan na lang kami sa kanto. HAHA.
Wag nyu na akong piliting maging katulad ng ibang mga babae diyan. Ayos na ako sa ganito. Ganitong-ganito na ako since birth. Wala namang masama diba?
Tsaka mahal ko ang sarili ko.
Mas gugustuhin ko na lang maging ganito.