Chapter 2

35 1 1
                                    

Bukod sa nakalabas ako ng buhay sa building, may nakaimprentang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko maexplain kung natutuwa ba ako o naeexcite o naiihi. AHAHA.

Pero syempre malaki pasasalamat ko at tinanggap ako.

YES.

Tinanggap ko na po yung trabaho. Nung nag-iisip kasi ako kanina, nagflashback lahat-lahat. I mean yung naputulan na kami ng tubig. May notice na kami sa Meralco at baka next week eh wala na rin kaming ilaw. Di ko naman matitiis na ganun na lang yung buhay namin. Isa ata akong Dakila.

Nakatayo na ako sa labas. Ang init-init na talaga. Summer na summer ang dating. Buti na lang at ang laki ng anino nitong building. Nasa shaded part ako.

Kinuha ko muna yung cellphone ko at sa sobrang pagiging excited ko, nakalimutan kong icontact si Spicy.

"Hello?" sabi ko na ang boses yung nagpipigil na sumigaw. Yung parang nanggigigil.

"Oh hello, Vixen. Ano na nanyare? Tapos na ba interview?"

Tumango ako ng maraming beses. As if nakikita ako ni Spicy. Para lang akong tanga pero syempre excited akong ibalita eh. "Oo, yes. Tapos na interview. Dali, sunduin mo na ako at magkwentuhan tayo."

"Right. Sige. I'm on my way na."

Binaba ko na ang cellphone pero yung excitement andun pa rin. Di ko alam pero hindi naman ako natutuwa na Dancer ako. Gusto ko talaga singer pero syempre gagayahin ko yung mga sayaw ni Jihyun. Idol ko ata yun.

 Nilingon ko yung right side para tingnan kung andiyan na ba sasakyan ni Spicy kaso wala. Yun nga lang may napansin akong iba. 

May lalaking nakatayo sa right side ko. Di naman kalayuan. Ewan ko nga lang kung bakit ko ba siya in-acknowledge. Mukhang mayaman kahit nakajacket lang. May kausap siya sa phone niya. Yung phone niya rin mukhang pangmayaman. Nahiya naman ako sa phone ko.

Bukod pa dun, mukha siyang problemado. Ganun pa man, cute pa rin yung aura niya. Kahit halos nagsalubong na ang kilay niya, di pa rin nun natalo kung gaano siya kagwapo tingnan sa suot niyang jacket with peach poloshirt sa loob. Tapos maputi pa siya.

Pepede rin pala akong maattract sa lalaki ano? HAHA.

Pero syempre hanggang tingin lang ako. Buti na lang nadistract ako ng kotse ni Spicy. Takbo agad ako papunta doon.

"Yo!" bati ko habang binababa niya yung bintana.

"Sakay na! May imemeet pa ako."

Tumango na lang ako pero bago pa man ako nakapasok sa kotse niya, tumili ang kerengkeng kong bestfriend.

"EMEGEHD. Naghahallucinate lang ba ako, o billboard lang talaga yun ng 4minute?"

Hindi pa ako interested nun, pero nung narinig ko yung "4minute", napatili na rin ako. "HOMAYGASH. Saan?"

Bumaba ng kotse si Spicy at nagtatatakbo. Sumunod naman ako sa pagtakbo.

"Ayun! Tama nga ako? OMG!" sabi niya habang nagtatatalon at nakaturo ang kamay sa itaas.

Sinundan ko na lang yung kamay niya at di ko na kinaya. Napasigaw at talon na rin ako. Billboard nga ng 4minute. Pero kailan pa yan nandiyan? Thettt.

"Ba't wala akong alam na may billboard sila dito?"

Binatukan ko siya. Pero hindi masyado malakas. "Hindi ko rin alam. Pantay lang tayo."

Nagtawanan kami pero syempre hindi naman pedeng buong maghapon kaming magtatatalon doon at magsisisigaw kaya bumalik na rin kami sa kotse. Pawisan kaming dalawa. Halos natanggal na nga yung make-up ko e. Ganun rin yung kay Spicy.

What A Girl WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon