"WHAT?!"
Hinila ko si Spicy pababa para umupo ulit at medyo napalakas ata ang boses niya. Nagtinginan ang mga tao eh. "Hinaan mo boses mo, impakta ka."
Binulong ko lang. Mahinahon pa ako eh.
Umupo naman siya at medyo namula nung nakita niyang halos lahat ng tao sa coffee shop nakatingin sa kanya. Uh oh. Not a good image for the daughter of the brilliant owner of Joson Tops. HAHA. English yun.
"Napalakas ba boses ko?" bulong niya.
"Ay hindi. Ang hina-hina pa nga nun eh. May ilalakas pa yun for sure." sabi ko sabay make face.
Nasa labas kami ng office niya. Parang customers lang, may mga coffee rin sa lamesa at cake sa platito. Sa di kalayuan na table, nandun naman si Mr. Kunot. Tahimik na umiinom ng coffee at kinakain yung piece of cake niya. Pangmayaman yung mga gestures niya. Bukod pa run, parang may iniisip siya.
"Sinabi niya talaga yun?"
Nabalik naman yung tingin ko kay Spicy, halatang kabado ang bestfriend ko.
Ngumiti naman ako kahit naiilang. "Oo. Sabi niya 1 week daw. Pepede naman sayo diba?"
"HA?" sabi niya at medyo napalakas na naman yung boses niya pero this time, aware na siya. Tinakpan niya yung bibig niya at nag-slight bow sa mga tumingin sa kanya.
"Aatakihin ata ako bestfriend. Hindi pede si Mr. Handsome sa bahay namin. Kilala mo parents ko. At ang pinakaayaw nila, yung magdadala ako ng lalaki sa bahay namin. Dibale na lang daw na ako yung dalhin sa bahay ng lalaki, wag lang daw talaga ako ang magdala." sabi niya sabay tingin ulit kay Mr. Kunot na pinangalanan niya namang Mr. Handsome.
"Baliw talaga parents mo. Pero paano na yan? Diba may pinapipili sayo ang parents mo na condo unit? Bilisan mo na kaya ang pagpili at doon mo muna siya patirahin." suggest ko. Naalala ko pa yung kwento niya sa akin eh.
Napakagat naman ng kuko si Spicy. "Alam mo pede naman yun. Kaso syempre aabutin yung ng mga ilang araw. Saan titira si Mr. Handsome sa mga araw na yun?"
Napakamot naman ako ng ulo. May point nga si Spicy dun. Ang laki talaga ng gulo na dinala nung lalaking yun. Naiinis na ako. "Di ko alam Spice, san ba pede?"
Napatingin ako sa mukha ni Spicy. Nakangiti siya. Yung wagas na wagas. May kasamang pataas at pababa pa ng kilay niya. Di ko gusto tong nasa isip ng kaibigan ko. (╥﹏╥)
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Mr. Kunot slash Handsome na nasa back seat ng sasakyan.
Nasa front seat naman ako habang si Spicy yung nagda-drive.
Tumingin ako sa likod at tiningnan siya ng masama. Kampante pa ang loko. "Wala kang pake. Ikaw na nga makikitira may gana ka pang magtanong?"
Kumunot naman yung noo niya. As usual. "Naninigurado lang ako. Saan nga?"
Nilingon ko na naman ulit siya. Pinantayan ko yung pagkakunot ng noo niya. "Tumahimik ka nga diyan. Dadalhin ka namin sa impyerno."
Mas lalo naman kumunot yung noo niya at kasama na dun yung pagsalubong ng kilay niya. "Wag ka ngang umastang parang ang laki ng kasalanan ko sayo."
"O bakit, hindi ba?" sagot ko ng mabilis.
"Aba itatapon kita palabas ng kotse."
Nakita kong parang naiinis na talaga siya. Nagbibiro lang naman ako eh. "O bakit sayo tong kotse?"
"Di ko pa nakakalimutang sinuntok mo ako. Baka time na para ako naman ang makabawi." sabi niya sabay suntok nung isang kamay niya sa palad ng isa niya pang kamay.