Chapter 1

70 1 0
                                    

Author Yuk: Si Fox yung nasa picture :D Siya rin yung nasa dp ko.

_ _

Vixen's POV

"Ow! Ang sakit naman ate!"

Eksaktong April na ng taong 2010, medyo mainit, pero hindi ako nagising dun. Nagising ako sa tili nitong kapatid kong parang inipit na ewan. Una naman nun nararamdaman ko lang na parang may kumikiliting insekto sa paa ko. Edi syempre kung ikaw iyon, sisipa ka or kahit imove mo lang ng konti yung paa mo para tanggal kiliti. E kaso brutal ako, sisipain ko kahit insekto. Pagsipa kong ganun, may tinamaan akong malambot na matigas,ok ano yun? Sabay kasunod nun ang pagtili nitong kapatid ko.

Bumangon ako pero nakapikit pa rin. Ang sakit ng ulo ko.

Siguro dahil na rin sa ginabi ako kagabi. Kasama ko si Spicy sa bahay nila. Maswerte ako eh, mayaman bestfriend ko. Sabay lang naman kasi kaming nanood ng comeback music video ng 4minute. Igoogle nyu na lang kung di nyu alam yang 4minute.

Basta naalala ko kagabi, grabe yung tili ko. Ang gaganda ng mga bebe ko :"">

Lalo na yung bias ko na si Jihyun. Si Spicy naman cheer ng cheer para sa Hyuna niya. Ewan ko, fangirl thing yun pasensya kung hindi kayo nakakarelate.

Ibang klase kami kung tutuusin. Babae tinitilian namin e, hindi lalaki. As if.

Pero NO. Hindi ako tomboy, lesbian, tibo o kahit ano pang itawag niyo. NO, I repeat. Lalong hindi rin tomtom yung si Spicy. Napakaarte kaya nun.

"Bunso! Ang aga aga binibwiset mo'ko. Suntukan na lang oh?" sinigaw ko ng malakas.

Eksaktong pagmulat ko ng mata ko, nakita ko ang kapatid kong hinihimas yung ilong niya. Ilong lang ang hinimas niya, wag kayo.

"Ate naman kasi, ginigising lang kita e."

Sabihin mo, pinaglalaruan mo na naman ang ate mong tulog. "Eh ba't mo ba ako ginigising? Anong problema mo sa'kin?"

Tumayo siya hawak pa rin yung ilong niya. Yung mata niya nanlilisik. Nakakatakot pa naman kasi medyo malaki. Daig niya pa best actor ng Pinas.

Nakatalikod na siya nung sumagot siya sa akin, ang bastos niya ring kapatid ano? "Eh di ba kagabi bago ka matulog sinabihan mo'kong gisingin kita ng maaga ngayon? Ang labo mo lola."

Naglakad na siya paalis sa kwarto naming binagyo. Nabibigatan ata sa paa niya at naririnig ko bawat footsteps.

Pero teka? Oo nga ano? Sinabihan ko nga pala siyang gisingin ako ng maaga ngayon. Nakalimutan ko na naman. May job interview pala ako ngayon, eksaktong 10:00 yun ng umaga. Anong oras na ba?

Lumabas ako ng kwarto. Paglabas ko sa sala, tinitigan ko muna yung wall clock. Ang sabi 9:00 na raw ng umaga. Edi syempre 9:00 na tapos 10:00 yung interview ko...

WHAT!?

Dayuuuuum.

"Fox! Magtutuos pa tayo mamaya! Ginising mo pa ako ah? Salamat!"

Sinigaw ko para at least marinig ng kapatid kong engot. Sabi ko maaga akong gisingin hindi yung halos magtatanghali na tsaka niya pa ako ginising. Hindi ako si Flash para makaya tong pagra-rush pero magpapakaFlash ako ngayon.

Tumakbo ako sa kwarto sabay hablot sa towel ko sa taas ng cabinet.

BLAG!

Aray naman, ang sakit nun.

Di ko na pinansin kung ano ba yung nahulog sa ulo ko. Dire-diretso na ako sa C.R. namin at naku naman, mag-aapply pa lang ako. Paano ako matatanggap kung ngayon pa lang male-late na ako.

What A Girl WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon