Pagkagising ko ay ramdam ko parin ang sakit ng aking likod .Masyadong malakas ang ulan ,tanaw ko sa bintana ng kwarto ni Yanna ,tabi kami natulog kagabi ngunit pag gising ko ay ako nalang mag isa sa kwarto nya.Agad kong kinuha ang aking telepono at binuksan ito .Ng makita kong 10:30 na pala ay dali-dali akong bumangon .Dahil din sa lamig at lakas ng ulan ay hindi mo din masasabi kong anong oras na.
"Good morning Aru, kain kana hindi na kita ginising at ang himbing ng tulog mo ". nakangiting sabi ni Yanna habang nakahigang balot na balot ng kumot sa sofa at nanunuod ng tv.
"Good morning din hindi ko napansin ang oras".walang ganang sabi ko at nag tungo sa kusina.
"Arunagh kain kana anak". nakangiting sabi ni tita Christy at agad nya naman akong kinunan ng plato at nilagyan naman ito ng kanin.
"tita ako na po".sabi ko at kinuha ang plato.
"ansarap naman ng ulam". nakangiting sabi ko ng makita ko Ang Noodles at tuyo sa mesa kaya nag kamay nako sa pag kain .Talagang paborito ko ang tuyo lalo na sa umaga.
"May bagyo daw ngayon kaya pala ang lakas ng ulan kagabi, nga pala buti hindi ka sinipon na ulanan kapa naman" .sabi ni Yanna at umupo sa harap ko.
"Tumahimik ka at gutom ako ngayon". seryosong sabi ko agad naman syang tumawa.
"so ano nga yong kwento ,baka naman ay mabahagi mo sa pinsan mo". mapangasar na sabi nya.
"Nagkataon lang na sabay kaming bumalik ng lalaking yon dito". walang ganang sabi ko .
"at parihas kayong nag pa ulan what a coincidence".natatawang sabi nya.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy lang sa pag kain .
"so ano nga nangyari".naiinis nyang sabi na nag hihintay sa sagot ko.
Bakit nga ba tanong ng tanong tong babaeng to. Baka nga ay nobyo nya yong lalaking yon at napag kamalan pa akong nanlandi.
"C'mon Yannezah kong ano mang meron sa inyo nong lalaking yon ,wala kaming ginawang masama nag ka sabay lang talaga kami at isa pa wala akong interes sa mga lalaki". walang ganang sabi ko na agad naman syang humalakhak.
"God Arunagh ,yes talagang gwapo ang isang yon ,at sa tatlong yon ay sya talaga ang habulin ng mga babae but not me we're just friends, nag tataka lang ako at mag kasama kayo ,Callie is the kind of guy who doesn't easily talk to anyone, especially those he's not close to. It took us a long time to become friends, and you, on the other hand, don't seem interested in anything and avoid talking to anyone. I was just surprised to see you both together."natatawang sabi nya.
hindi ko nalang sya pinansin at nag pa tuloy lang sa pag kain kaya bumalik ito sa sala. Ilang minuto pa ay natapos na ako sa pagkain at agad na nag ligpit at nag hugas ng pinag kainan.
Pagkatapos kong mag sipilyo ay agad akong bumalik sa sala. May toothbrush ako dito maging tsinilas at kunting gamit ,maging si Yanna ay ganon din sa bahay. Kong wala mn ako sa bahay ay andito ako sa kanila at si Yanna naman ay kong wala sya dito ay andoon din sa bahay.
Agad akong umupo at nakinuod nadin ng balita. Ayon dito ay ang bagyo ngayong araw ay talagang malakas .Dinig din sa labas ang malakas na ihip ng hangin na may kasamang malakas na ulan.
"normal na bagyo lang yan gaya ng kadalasang nangyayari taon-taon". Sabi ni kuya Benz at tumayo sabay tungo sa kwarto nya.
"mas mabuti ng maging handa tayo at baka ay talagang mas may ilalakas pa ito".nag aalalang sabi ni Tita Christy ng biglang tumunog ang telepono nya.
"Arunagh nag text ang mama mo hindi ka raw nya ma contact kaya sakin nalang sya nag text wag ka na raw munang umuwi at malakas na nag hangin at ulan at baka mapano kapa ,dito kanalang muna at wa mo silang alalahanin lumikas na sila ,mabuti naman at marami panamang puno ang nakapaligid sa bahay nyo ".nag aalalang sabi ni tita at tumango nalang ako .
YOU ARE READING
Serendipitous Hearts: Love's Unforeseen Encounter
De TodoIn the aftermath of a tumultuous storm, two hearts collided in the most unexpected ways. Arunagh, with her walls built high and heart guarded, had vowed never to fall in love again. Her past had taught her the pain of vulnerability, and she was dete...