AYOKO NA.

93 0 0
                                    

ANG SAKIT ISIPIN NA WALA KANA PERO

YUN ANG TOTOO AT KAILANGAN KONG TANGGAPIN

OO MINAHAL KITA NG SOBRA

KUNG PINAHALAGAHAN MO LANG SANA ANG MGA

ORAS NA MAGKASAMA TAYONG DALAWA DI SANA

NANGYARI AT UMABOT SA HIWALAYAN

ANG SAKIT ISIPIN NA AKO YUNG SOBRANG NASAKTAN

!

Nakakapagod din pala Magmahal..

Ibang-iba ka sa lahat ng taong nilikha

Sa ugali, sa galaw, sa hilig at maging

ang mundong iyong kinalakihan

Lahat ng mga ito’y sadyang kakaiba.

Sa mundo mo’y parang ikaw lang ang naroon

Mag-isang gumagalaw at nabubuhay,

animo’y sarili lang ang nakikita

Sadyang kayhirap parin kalimutan ang nakaraan

Nakaraan na ayaw kang pakawalan,

Mula sa pagkakakulong sa sobrang poot

at lungkot na nararamdaman

Nakaraan mo na pilit sumisira sa buhay mo

At nakaraang tuluyang nagpapahina sa puso mo.

Pagkatapos ng matinding unos na iyong naranasan

Pilit kang nagbitiw ng pangako sa sariling kagustuhan

Pangakong kahit papaano’y kayang ibsan ang nararamdaman

Mga bagay na gusto mong ibaon sa limot

At ito ang muling magtiwala’t magmahal.

Pero darating yung puntong magmamahal ka ulit

Sa tipong taong sa tingin mo’y babaguhin

ang buhay mo sa isang saglit

Ngunit sa di sinasadya sa huli masasaktan ka

At ang dating sayang naibigay niya sa’yo

Ngayo’y parang bula nalang na tuluyan ng naglaho

Ngayo’y di mo alam kung kaya mo pang magtiwala’t magmahal

At sa dating pangako muli’t muli iyong binalikan

Ang mundong tila dati iyo ng nakagawian

Ngunit ‘di mo alam kung kailan mo ito iiwan.

FRIENDSHIP,LOVE, INSPIRATION, HEARTACHES, PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon