Hay... Pag-ibig nga naman.. Shit Happens.. :) :D

99 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba yung huling beses ka umiyak?? Yung huling beses ka nasaktan?? Ako? Di na masyado… I mean naaalala ko maraming beses yun, sa sobrang dami nga di ko na maalala kung kailan ang mga yun. Di na ko sigurado kung kailan yung una o yung pangalawa o yung panghuli…hahaha I’ve never been really good with remembering dates!

Anyways…dati di naman ako naniniwala sa fairytale o sa happy ever after. Ni hindi ko pinangarap mainlove…kaya lang nangyari, nahulog ako, nagmahal at nasaktan. 

Nakakatawa no? Alam mo yung may mga bagay kang hindi hiniling pero nangyayari sa’yo…mga bagay na di mo inaasahan pero dumarating…pero bakit pag may isang bagay kang gustung-gusto yun ang ipinagkakait sa’yo? Tulad na lang nung nakilala ko Siya. Unang beses sa buhay ko naniwala ako sa fairytale…umasa akong may happy ever after, yun pala wala naman..hehe. Akala ko pag gustung-gusto mo ang isang bagay tapos pinagdasal mo ng taimtim sa taas pakikinggan ka niya…pero di pala ganun…di pala ganun kadali yun. Ang hirap! Nakakaasar! Bakit? Kasi kung kailan may isang bagay akong ginusto, yung sobrang gusto, na minsa'y binigay sayo pero sa isang iglap nawala din at inagaw sayo ng iba..

Ilang beses ko nga ba iniyakan ang kasawian kong yun? Ilang beses ko nga bang sinubukan magmove on? Di ko na maalala..basta maraming beses yun. Sobrang daming beses na bigla na lang tutulo luha ko kasi nalaman ko na may iba pa siya siguro habang-buhay ko ng dadalhin ang frustration na to. Pero at least di naman ako nagsisisi. Sabi nila “time heals all wounds” pero mas naniniwala ako sa “time does not heal our wounds it just dulls the pain”. Kasi the more na pinipigilan mo ang damdamin mo, the more na pilitin mong kalimutan ang isang tao, the more na sisiksik lang siya sa utak mo…the more na maiisip mo syang lalo…trust me mapafrustrate ka lang lalo. Kaya ako? Nung magsawa ako sa kakaiwas at kakapigil, hinayaan ko na lang lahat. Hinayaan kong lumipas ang panahon na wala akong ginagawa.

Capital S-A-Y-A-N-G.. Ano ba ang nasayang? yung mga oras na nagugol ko dahil lang sa walang kwentang tao, yung effort ko, yung pagmamahal na dapat sana nailaan ko sa tamang tao, hindi sa taong sisira lang ng buhay ko.. tsk. tsk. tsk. sayang talaga Well, aaminin ko mahal ko pa rin siya until now…pero yung pain? Wala na…unti-unti ko na kasi akong nasasanay na wala siya at mag isa…unti-unti akong nasanay sa katotohanang may iba siya…at unti-unti kong natanggap na hinding-hindi mangyayaring maging kami pa…so the point is..ang pagmomove on di pinipilit…di minamadali…di nabibigyan ng petsa…keysa maging miserable ka bakit di mo subukang sumabay sa agos…magpatangay ka muna sa daloy ng mga pangyayari…hayaan mong ang panahon ang umayos sa gulong nilikha nito. Trust me…magigising ka na lang isang araw wala ka ng nararamdaman..matatawa ka na lang…as in! tapos maisasambulat mo nalang ang SANA DI NALANG..

FRIENDSHIP,LOVE, INSPIRATION, HEARTACHES, PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon