Huling Pag-Ibig

184 12 0
                                    

Sa paaralan tayo'y nagkakilala

Sa tulong ng barkada tayo'y nagkasama

lungkot sa aking mata'y kapalit nito ay saya

pagkat ang iyong maamong mukha ay laging may tuwa.

Sa sandaling ako'y taimtim na nananalangin

na sana'y kaawaan ng panginoong mahabagin

na sa muling pagkakataong ako'y muling umibig

sana sa tapat na puso ako'y patahimikin.

Sa mga kasawiang naranasa'y kay sakit isipin

sa bahagi ng lupa luha ko'y ililibing

pagkat dumating ka sa aking piling

mundo kong madilim ay nagkaroon ng ningning.

Huli ka mang dumating sa aking piling

ngunit sa aki'y kay sarap kang ibigin

ngunit hiling ko lang..

Huling Pag-ibig Sana ako'y pakamahalin at huwag na sana ulit paluluhain.

FRIENDSHIP,LOVE, INSPIRATION, HEARTACHES, PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon