PAG-IBIG NGA NAMAN...

424 17 2
                                    

Paano ba magmahal ng isang taong hindi ka naman mahal?

Tama bang mahalin mo pa siya?

Ang pagmamahal ay isang damdaming nararanasan ng bawat nilalang,

Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan.

Marami ang nagdurusa g dahil lamang sa pag-ibig

At marami rin naman ang dumaranas ng kaligayahan dahil ditto.

May kanya kanyang interpretasyon ang bawat tao tungkol sa kuna ano ang pag-ibig o pagmamahal.

Tulad na lamang nito;

Nagmamahal ka sa isang taong hindi ka naman mahal at may mahal ng iba,

Samantalang mayroon naming isang tao diyan na nagmamahal sayo ng lubusan

Ngunit hindi mo man lang siya pinapansin.

-----Sino ba ang dapat piliin sa kanila?

Kung magiging praktikal ang tao mas mabuting mahalin nalang ang taong mahal ka

 kahit wala ka naming nararamdaman para sa kanya .

Ngunit ang tanong,

Maaari ba?

Kaya mo bang makasakit ng damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng iyong pandaraya?

---Pandaraya sa damdamin mo?

Hindi diba?

Kung ang pipiliin mo naman ay yung taong mahal mo

Ngunit, hindi ka naman mahal nito,

Isa kang malaking

“TANGA”,

“MARTIR”

At

“ESTUPIDA”

Nang dahil lamang sa pag-ibig nagpapakababa ka?

My goodness mag-isip ka!

Kung may Isip ka pang natitira!

Hindi man isatinig ng iba, hindi sila pabor sa bagay na iyan.

Sasabihin nila kesyo siya ang napapasaya sa akin,

Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay, na kung wala siya’y ikamamatay ko.

Di bale na, ang mahalaga mahal ko siya kahit di nya ako mahal.

Pero tama naman diba?

Kung isaalang- alang natin an gating pansariling damdamin talagang sasabihin mng di bale na.

Marami na talagang tanga sa mundo ng dahil lamang sa Pag-ibig.

Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig!

Kung maaari lang nating turuanang ating mga Puso na

“Uy, siya nalang ang piliin mo”

Ngunit hindi talaga maaari.

Ang pag-ibig ay tulad ng isang magnanakaw na darating na lamang ng hindi mo inaasahan.

Kaylan ba naman nagpaalam ang isang magnanakaw?

Sana kung maaari  lang nating sabihin sa ating puso na

“HUWAG MUNA”

“HUWAG SIYA”.

FRIENDSHIP,LOVE, INSPIRATION, HEARTACHES, PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon