Kabanata 2

74 2 0
                                    

Kabanata 2




Move




I wake up early cause I didn't sleep well. My mind is clogging with some thoughts regarding on what happened to dad. Hindi nakauwi si dad kagabi at si mom naman ay madaling araw na dumating.

Naligo lamang ako at nag ayos. I let my wet hair down and apply my skincare. Diretso narin ako pababa para makapagluto.

“Ay, hala! Ma'am Safiyaa, ang aga niyo po ata nagising.” bungad ni Ate Michelle sa akin na nagkakape sa kusina.

“I'm going to cook, Ate Michelle.” sagot ko at tiningnan ang laman ng ref. “Ano po ba dapat lulutuin niyo ngayon?”

“Sinigang po ma'am, dadalhan po ng mommy niyo si Sir Reginald.”

I raise my hand. “Ako na magluluto!”

“Po? Seryoso ka ma'am?” gulat pa na tanong ni Ate Michelle.

Ako na magluluto dahil mamaya sasama ako kay mommy. I want to visit dad and just by cooking the food it's the only thing I can help.

“Kape po muna kayo ma'am.” Ate Michelle offered.

Tinulungan ako ni Ate Michelle maghanda ng lulutuin ko. I wear my apron and start my cooking session. Madali lang naman ang sinigang especially that I also learn to cook. Ilang minuto lang ay natapos ko agad at si Ate Michelle na ang naglagay sa tupperware.

Nagsandok naman ako ng para sa amin at naghahanda na rin sa dining area. I hope mom likes what I prepare for her. Despite all those problems she's facing right now at least she can have a good meal. Nasa huling baso na ang nilapag ko ng makarinig ng may nagdoorbell.

“Ako na Ate Michelle.”

Lumabas ako ng bahay at nakita ang dalawang lalaki na naka corporate attire at parehong nakatayo sa may gate namin.

“Sino po sila?” tanong ko pareho sa kanila.

“Good morning ma'am, we are from the bank. Nandito po kami para sabihin sa inyo na kailangan niyo na ng umalis sa bahay na to ngayon.” sagot ng isang lalaki na may hawak na itim na bag.

Anong sinasabi nila. Some just came the other day at sabi nila may one week pa kami.

“What?! I thought we had a week!”

“Ma'am sorry po pero ito po ang utos ng banko. According daw po sa meeting nila kahapon the schedule of taking this house is moved.” may nag abot ng papel sa akin na sa tingin ko ay abogado.

Anger starting to boil in my system. Binasa ko ang nakasulat sa papel at nakasaad nga doon na ngayon dapat kami umalis ng bahay. It’s signed by the boards at ng banko.

Why the hell are they doing this to us. Maayos ang usapan namin kahapon na bibigyan nila kami ng panahon and they give us a week tapos ngayon babaguhin nila.

Ginagago ba nila kami!

Nalukot ang papel sa kamay ko ay sinamaan ng tingin ang dalawang nakatayo sa harap ko.

“What's that Safiyaa!”

Napalingon ako sa likod ng lumabas si mom sa bahay kasunod ni Ate Michelle. Ganon parin ang suot niya at mukhang stress na stress siya.

“Good Morning ma'am, galing po ka-”

“Ikaw ba si Safiyaa?” I scowl at the man.

Mukhang natakot ito dahil napaatras siya. Talagang ginigipit nila kami. I know dad did something wrong but this is too much.

“It's a notice from the bank. Yesterday they went here to give us a notice saying that they will give us a week to leave the house. But today, they are giving another one saying that we should leave right now.”

Love Against The StratumWhere stories live. Discover now