Kabanata 5

78 2 0
                                    

Kabanata 5




Good night





Nang matapos kaming kumain ay nagkwentuhan pa kami. Ilang minuto pa ang nilabi namin sa lugar bago napagpasyahan na umuwi.

Tatlo kami na babae ang nakaupo sa gitna. Si Kyst ang nagmamaneho at si Nevan naman sa passenger seat. Panghuli at sa likod ay si Fred.

"Iisa lang pala kayo ng way ni Nevan. Magkakilala kayo, Saf?" tanong ni Elaina.

Kanina ko lang rin malaman. I thought they were just some people who Lola pays to help us.

"I work on their land." sabat ni Nevan.

I can't see his reaction but somehow napatingin ako sa gawi niya. Umahon si Fred sa likod namin at bigla na lang lumabas ang ulo sa may balikat ko.

"Talaga? Kung ganoon ay mayaman ka pala Saf."

Siguro dati..but not anymore.

"Hindi naman sa amin 'yon. It's my grandma's property actually."

Si Lola lang ang mayaman. Nakikitira lang kami.

"Kung nagtatrabaho si Nevan sa lupain ng Lola mo. So ibig sabihin magkakilala na rin kayo?"

Lumingon ako sa lalaki at tanging batok lang nito ang humarap sa akin.

I don't know him at all. Iniisip ko kung nagkita na ba kami noon dahil parang pamilyar siya sa akin pero wala akong maalala. I think I just really know him now.

"We just recently moved to Altamonte so.."

"Ay! Oo nga pala. Naikwento mo nga noong una natin magkita!" si Gaia.

"So that means ngayon lang talaga kayo nagkita? You don't know each other eversince?" hirit pa talaga ni Fred.

Ang kulit naman ng isang to. Nakatanggap tuloy siya ng pitik sa noo kay Elaina.

Tumawa ako ng bahagya to ease the situation. Nakatingin sila sa akin naghihintay ng sagot ko.

"Actually, we already saw each other."

"Huh? Kailan?" Fred asked.

Sumulyap ako sa dalawa sa harap wala naman silang kibo. I look back at Fred pareho lang silang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

"Nang naglilipat kasi kami sa bahay ng Lola ko Nevan and Kyst help us."

"Silang dalawa tumulong sa inyo? Maintindihan ko pa kung si Nevan kasi nagtatrabaho siya sa Lola mo pero si Kyst?" Fred look at Kyst.

"What are you doing in Nevan's place, Kyst. The great Kyst with ten housemaids nagbubuhat." tiningnan pa siya ni Elaina.

Is that means? Tiningnan ko si Kyst mula sa rearview mirror sinalubong niya ako ng ngisi.

"Nevan owes me some favor. And when the time comes I will claim that favor." Kyst said with a smirking face.

Tumango si Fred at bumalik na sa upuan nito.

Mahigit ilang minuto siguro ang byahe namin bago kami nakarating sa bahay. Bumaba ako sa sasakyan at nagpasalamat.

"Thanks for the ride. Mag-ingat kayo."

"Memessage kita mamaya, Saf. Check your phone." sabi ni Gaia.

Tumango at kumaway sa kanila. Bumusina ang sasakyan bago ito tuluyan ng umalis para ihatid si Nevan.

Ngiting ngiti ako habang paakyat ng bahay. I feel happy and excited. Para lang akong bata na nagmamadali umuwi para ibalita sa magulang kung ano ang nangyari sa first day ko. I feel so happy and delightful that I gain friends today. Take note hindi lang isa, but more than one.

Love Against The StratumWhere stories live. Discover now