3

186 7 1
                                    

Lumabas na ako ng kotse at hinintay
na makaalis ito bago pumasok ng
apartment.

(⁠๑⁠♡⁠⌓⁠♡⁠๑⁠) (⁠๑⁠♡⁠⌓⁠♡⁠๑⁠)

3

Dumiretso ako sa kwarto ni mama ay
binuksan ng dahan-dahan ang pinto
nito at napansin kung tulog parin ito.

Nilapag ko ang siopao na dala ko at sa
side table at nagtungo muna ako sa
kwarto.

Nilapag ko na ang bag ko at tinanggal ang damit saka dinampot ang twalya para itapis sa katawan para
makaligo.

Dahan-dahan akong lumabas ng
kwarto ko para hindi magising si mama sa kabila at tinungo ko ba ang banyo.

Kailangan kung maligo dahil sa
nanlalagkit ang parteng ibaba ko na
parang may nagdikit-dikit na buhok
sa bandang mga pinong balahibo sa
pagitan ng bayag at hita.

Nasa ilalim na ako ng shower stall
at ninanamnam ang katamtamang
lamig ng tubig habang sinasabon ang
katawan.

Sumagi sa isip ko si Elijah tungkol sa
pupuntahan namin sa Baguio.

Alam kung mapera s'ya at kaya n'ya
akong tustusan pero hindi yon sapat
para samanatalahin ko ang lahat ng pagkakataon.

Alam kong malubha na si mama at
napansin ko ang malaking pagbabago
sa katawan nito.

Pumayat s'ya ng bahagya at nagbago
ang kulay ng balat nito na parang
nangingitim.

Tanda ko pa noong una s'yang nadala
sa ospital ay umabot sa kwarenta mil
ang gastos namin sa dalawang araw.

Nabaon kami sa utang ng dahil doon at hanggang ngayon ay pautay-utay ko parin binabayaran.

Pinatay ko na ang shower at hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pag-iisip.

Dinampot ko na ang twalya at
nagpunas na ng katawan at tinungo ko na ang direksyon patungo sa kwarto ko.

Nagbihis na ako ng pambahay at
pinuntahan ko na ang ina.

Nadatnan ko na ito na nakamulat ang
mata at nakatingin sa kisame.

"Oh andito kana pala anak" wika nito.

"opo ma, kumain kana at dala po na
ang pasalubong sa'yo" wika ko.

Dinampot ko ang plastic na may
lamang siopao at hindi na mainit.

Sabay kami kumain at nagkwentuhan.

"kumusta lakad mo anak?" wika nito

"okay naman po ma, saka ayon sa susunod kasama ko punta ng Baguio" wika ko.

"at saka pala ma, may magbabantay
sa'yo pag umalis ako kasama s'ya,

nurse yun dapat sumunod ka ma sa
sasabihin n'ya po ah!" dagdag ko

"Ilang araw ba anak kang mawawala?" wika n'ya.

"Mga tatlong araw lang ma" wika ko.

"Ah ganun ba? basta mag-ingat ka
doon ha" wika nito

"oo naman ma, para sayo... dapat nga
ikaw yung magpagaling d'yan na at
para naman maigala kita sa beach"
wika ko.

"oo anak, pag gumaling ako,
magbebeach tayo" wika nito.

Sa totoo lang ang bigat ng pakiramdam ko na parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.

Alam ko pili ko parin pinapaniwala
ang sarili ko sa hindi kailanman
mangyayari.

The Hottie Massager | BXB |  (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon