10

56 4 2
                                    

Nang makasakay na kami ng tricycle ay sa likod ako ni manong at sa loob ang dalawa.

Nag-uusap ang dalawa at nakikinig na lamang ako sa kanila pinag-uusapan

Base sa akin na naririnig ng dalawa ay mukhang nagkalabuan na ang dalawa at "EX" na ang pagkakasabi ni Luis ukol sa kanila ni Diego

Narinig kong huli ay parang may iba ata si Diego.

Naku naman kasi, pag straight guy hindi mo rin talaga
mapagkakatiwalaang loyal.

I mean it.

Totoo naman kasi.

Even me, dati pag may natipuhan
ako at parang lalaban ay hindi ko pinapalagpas.

Pero sa sitwasyon ng dalawa ay hindi ko akalaing ipagpapalit pa talaga si Luis.

I can't see wrong with him.

Siya nga yung tipon dapat iniingatan sa isang relasyon.

Sa sitwasyon nila ngayon ay tagilid kami.

Baka kami pagbuntungan niya ng galit.

Ilang minuto ring biyahe bago kami makarating sa lugar na pinagdalhan sa amin ni Dylan.

Nagpatingin ako sa loko at mukhang alas-siete na.

Maliwanag ang lugar at tanging mga street lights ang nagpapaliwanag ng buong lugar.

Sabayan mo pa ng mga taong pauwi na galing trabaho.

Napunta kami sa Galvan St. At maraming kainan dito.

May mga nag-iinuman at videoke pa.

Nakalabas ang mga lamesa sa gilid ng kalsada at parang napakasaya ng lahat.

May tawanan, hiyawan, at mga sari-saring tunog ng mga magkakasabay na videoke.

Pumunta kami kakain na medyo konti ang mga tao.

Na maupo kami ay pang apatan na lamesa.

Since tatlo lang kami ay bakante ang isa upuan.

Nagselfie picture kami at phone ko ang gamit namin.

Sa pagkakataong ito ay marami ako larawan na ipapakita kay Senior.

Kailangan kong maging maingat sa lahat ng aking gagawing plano.

Ayoko makasira sa pagitan ng mag-ama at dapat nga ako ako ang maging tulay sa dalawa.

Magkatabi kami ni dylan at bakante ang upuan naman sa kaliwa ni Luis.

Si Dylan ang nag-order pero ako ang taya sa aming kakainin.

"Kuya, ano pong order niyo?" Wika na binatang lumapit sa amin.

"ah, apat na kanin at extra rice na rin, family size na cook at best selling na ulam niya na pigar-pigar" wika ni dylan.

Nagkatingin ng kami ni Luis sa
narinig na "Pigar-Pigar".

"Ano yun buddy?" wika ko.

Ito ba yung ito sa akin at nagsalita.

"yong Pigar-pigar?" wika ko.

"beef yun na hiniwa ng maninipis at niluto sa mantika at kasama ng mga rekado" paliwanag niya.

"Ah, mukhang masarap" wika ko na lamang.

"Kung ganito kasarap ang makakain dito ay dapat mapadalas tayo dito buddy" wika ko.

"Basta may time at saka treat mo ah" wika niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hottie Massager | BXB |  (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon