CHAPTER 3

13 10 0
                                    

Pagkadating sa harap ng room ay buti na lamang ay wala pang guro.

"San ka galing?" Natatarantang tanong ni Hazel na makitang hinihingal akong pumasok sa room at naupo sa tabi nito. "Hinanap ka ni Sir Norman!" Napatampal ako sa noo ng marinig ang pangalan ng guro namin sa Filipino.

"Anong sabi nyo?" Lumingon sa akin si Amora.

Ngiti pa lang nya ay kinakabahan na ako.

"Nakipaglandian sa crush nya!" Napangiwi ako sa sinabi nito.

Tiningnan ko si Jill na katabi nito. Lumingon lang sya sa akin at tumango bago ipinagpatuloy ang pagre-review nya sa notebook.

"Hala." Napabuntong hininga ako at kinabahan. Mabait ang guro namin sa Filipino pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.

Hindi ko alam na ilang oras na pala ang lumipas. Bakit ang bilis naman? Parang saglit lang kami nag-usap. At isa pa, sina Kairo at Archer ay nasa cafeteria pa.

"May ginawa ba kayo?" Tanong ko ulit.

Binigyan ako ni Hazel ng tubig at ininom 'yon. Tinapat naman sa akin ni Amora ang electricfan.

"Bakit ka ba tumakbo? Alam mong bawal kang tumakbo! Hingalin ka!" Napangiwi ako dahil imbis na sagutin nila ang tanong ko ay pinagalitan pa ako. Si Hazel 'yon habang pinupunasan ang pawis na namuo sa noo at likod ko gamit ang panyo na binigay ni Jill.

"Kapag 'yan nalaman nila Noah at Eowyn, yari ka!" Nang-aasar na nagsumbong sign itong si Amora. "Alam mo grabe mag-aalala sayo si Shiloh pati." Dagdag pa nito.

"Nakakahinga naman ako ng maayos, huwag kayo mag-alala." Pagpapagaan ng loob ko sa kanila.

Kahit na inaasar ako ni Amora ay halata sa mukha nito ang pag-alala.

"Mag assignment. Turuan kita mamaya." Napatango ako kay Jill.

"Salamat."

Dumating na ang last subject namin at nagsimula itong magturo. Pagkatapos ay bigla itong nag pa recitation. Alam mong gaganahan ang buong klase kapag may recitation chips na binibigay ang guro at isa na ako doon.

"Ma'am Lera! Ako Ma'am!" Pero hindi ako natawag, ang isa naming kaklase ang natawag.

Nakaluhod akong nakatayo sa upuan ko at itinaas ang dalawang kamay para mapansin ako ni Ma'am.

"Oh, Ma'am! Dalawa na 'to! Baka 'di mo pa makita!" Pagbibiro ko.

"Huwag na 'yan si Samara, Ma'am!" Rinig kong sigaw ni Amora.

"Hoy! Manahimik!" Inirapan ko sya.

"Ma'am ako naman!" Si Hazel 'yon at napapatalon na sa kinauupuan.

"Ma'am, kanina pa si Jill nag re-recite ah!" Rinig namin sigaw ng isa naming lalaking kaklase, si Francis.

Nakita ko na napakunot ng noo si Jill sa narinig. Natawa kami ni Amora dahil punong puno nga ng recitation chips ang likod ng notebook ni Jill. About sa cooking at bake ang itinuturo ni Ma'am Lera na teacher namin sa TLE.

Masaya ako sa tuwing subject ni Ma'am dahil ang pagluluto at pagbake ang isa sa mga paborito kong gawin lalo na si Amora.

Kalahating oras na halos magrambulan ang buong klase dahil sa recitation ng guro. Sa buong building ng Grade 9 ay ang room namin ang pinakamaingay kahit gabi na.

"Madaya, 30 points lang nakuha ko!" Si Amora 'yon.

Nagwawalis na 'to ng sahig dahil cleaners.

"Pano naman ako, 10 points." Natawa si Hazel habang pinapakita ang dalawang chips na may nakalagay na tag-5 points at pirma ng guro.

Zacarias Series #1: 1:43 of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon