CHAPTER 10

2 1 0
                                    

Pagmulat ko ng mata ay ang boses agad ni Mama ang narinig ko.

"Gising na ang Prinsesa." Ngumisi lang ako sa kaniya at nagsimulang magligpit.

Pagkatapos ay agad ko kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Ryu.

@samara.ze
Good morning :)

Kumain ako ng tinapay na nakahain sa lamesa at uminom ng gatas na pinaghanda sa akin ni Mama. Wala si Papa, maaga itong bumyahe.

At dahil sabado ngayon at wala akong magawa ay naisipan ko na magluto ng bananaque pagdating ng tanghalian. Tinulungan ako ni Jason na maghiwa ng mga saging. Si Kai ay nahimik lang kami pinapanood.

Wala si Papa dahil nagtrabaho na 'to. Tricycle Driver si Papa at si Mama naman ay nagta-trabaho bilang isang taga luto sa isang kainan, malapit sa school ng mga kapatid ko. Pang-gabi si Mama, 4:00 pm hanggang 11:00 pm.

Mamaya pa papasok si Mama kaya pinaglutuan ko sya ng saging.

Natapos 'yon kaya tinawagan na ni Mama na umuwi saglit si Papa para kumain.

"Saging, saging. Papaya, Papaya." Napalingon kami sa pinto nang kumakantang boses ni Papa agad ang narinig namin. May dalang papaya kaya napakanta din ito.

Ibinigay nya 'yon kay Mama pagkatapos nyang hugasan at hatiin.

"Ey! Tinalo mo na si Zayn sa ganda ng boses mo, Pa!" Natatawang hinampas ko si Jason dahil sa sinabi nya. Natawa na lang din si Mama.

Habang kumakain ay biglang may baliw na nangaroling.

"Pwede po bang pahingi ng saging?" Napairap ako na marinig ang boses ni Kairo matapos kantahin nito ang isang linya ng kanta ni Ariana Grande pero iniba nya ang lyrics at ginawang 'Santa, tell me if Samara is really here'.

Nawala sa isip ko na sa iisang lugar lang kami nakatira. Lakad lang ang layo ng bahay namin sa bahay nila.

"Bakit ka andito? Bawal ka dito!"

"Hoy, tsk!" Bigla akong kinutusan ng sarili kong Tatay. Aba! "Halika, pasok Kairo. Huwag mo pansinin 'tong bata na 'to." Napairap ako na kinampihan nya pa si Kairo.

"Ano ba yan? Dagdag palamunin!" Natawa si Jason sa sinabi ko samantala si Papa ay pinanlakihan lang ako ng mata kaya mas lalo ako napairap.

Yung baliw ay presentable na naupo sa tabi ko, itinaas pa ang isang paa saka tumusok sa gawa kong saging.

"Sino nagluto? Ikaw Samara?" Tanong pa niya. Ngumunguya pa. "Uy, papaya. Pahingi ako Tita ah?" Tumango si Mama at inilapit ang pinggan sa kaniya.

"Hindi, kapitbahay namin." Inirapan ko 'to sa inis.

Lagi na nga lang sya pa-epal sa tuwing magkasama kami ni Ryu pati ba naman dito sa bahay ay pa-epal sya? Aba, sumusubra naman na ata sya!

Pagkatapos namin kumain ay inutusan ko 'to na maghugas ng pinggan. Sinabi ko 'yon sa kaniya ng makaalis na si Papa at si Mama ay naliligo.

"Yes, boss." Sumaludo pa 'to sa akin. Lalo nang-aasar.

Minsan napapaisip ako kung magkambal ba sila ni Amora.

Tinignan ko muna ang cellphone ko kung may reply ba sa akin si Ryu. Na makitang wala ay lumabas na lang ako.

Sama sama namin si Kai. Ang bata ay nakipag piggy ride pa kay Kairo. Buti nga sa kaniya, medyo mabigat pa naman si Kai.

"Laki na pala ni Kai 'no?" Napabaling ako sa kaniya.

Andito kami sa lugar namin, hindi na medyo mainit kaya naglalakad kami.

Zacarias Series #1: 1:43 of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon