CHAPTER 11

0 0 0
                                    

Lunes na ngayon. May pasok na naman. Lagi talaga ako nanghihina kapag papasok pero hindi na ngayon. Napagpasyahan ko kasi na pumuntang library ngayong umaga nang malaman kay Ryu na papasok sya ng maaga para gumawa ng isa sa mga activity na ibinigay ng guro nya at magsimulang gumawa ng reviewer nya.

"Good morning po!" Bati ko sa librarian na nakaupo sa lamesa sa bungad ng pintoan.

"Good morning din iha."

Tahimik akong pumasok at naglakad papuntang dulo ng library. Naalala ko tuloy nong gumagawa ako ng tula at nakapagsimula ako sa pagsulat ng bigla syang naupo sa harapang lamesa. Hindi man sa iisang lamesa kami naupo pero sapat na 'yon para masilayan ko sya.

Nakita ko sya doon. Doon pa rin sya naupo sa gitnang lamesa. May tatlong hilera ng lamesa. Naupo ako sa unahang lamesa, sa tabi ng bintana banda at naupo paharap sa kaniya.

Hindi pa nya ako napapansin kaya nagkunwari na lang akong tumayo at kumuha ng libro. May nakita ako doon na kwentong pambata kaya kinuha ko 'yon at inilapag sa lamesa.

Nagkunwari akong nagbasa habang pasulyap sulyap sa kaniya.

Ilang minuto pa iniangat nya ang kaniyang paningin at napatingin sa akin. Agad ako umayos ng upo at nagkunwari ulit na magbasa.

Sumilip ako sa kaniya at nakita na nakatingin ito sa akin. Hindi sya umiwas ng magtama ang paningin namin.

Umayos ako ng upo at tiningnan din sya. Ngumiti ako sa kaniya at halos matunaw naman ako sa kinauupuan ng makitang may maliit na ngiti ang gumuhit sa labi nito. Dumagdag pa ang mata nitong nakakalunod. Kailan ay hindi ako nagsawang pamasdan ang mata nya.

Maganda at malinis ang buong mukha nya at gayun din ang gupit ng kaniyang buhok. Nalaman ko na center part mullet ang gupit nya. Sakto lang ang kapal ng kilay. Mahabang pilik mata at kulay itim na mata. Ang labi nito na na maganda. Matangos nitong ilong at moreno.

Nahihiyang ngumiti sa kaniya at yumuko sa hawak kong libro na pambata. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi. Tinakpan ko tuloy ang mukha gamit ang libro.

Napasulyap uli ako ng tingin ng may narinig akong pamilyar na boses.

"Azrael, andito ka pala."

Si Carol. Kasama si Luke. Parehas silang may dalang notebook.

"Assignment? Physcie?" Tanong nya.

Napakurap na lang ako nang tinatanong sya ni Carol ay hindi nya inalis ang tingin sa akin.

Napalingon din sa akin ang dalawa. Nahiya ako ng makitang nakangising nakatingin sa akin si Luke samantala si Carol ay nakatitig sa akin. Lumingon sya kay Ryu.

"Kaya pala andito ka kasi andito sya, tss." Napakurap ako sa narinig. Matabang ang pagkakasabi nya.

"Selos ka naman?" Natatawang ani Luke.

"Manahimik ka nga, Luke!" Naiinis na sinabi ni Carol. "At anong pakielam mo ba kung nagseselos ako? Mang-aagaw kasi!" Nagulat ako sa narinig at hindi maiwasan na masaktan.

Ako ba ang tinutukoy nya?

Napakagat ako ng labi at pinagkatitigan ang libro. May gusto kaya si Carol kay Ryu? Sa tingin ko, oo. Sa mga salita na lumabas sa bibig ay hint na 'yon na may gusto sya kay Ryu. Halata din na nagseselos sya gaya ng sinabi ni Luke.

Bigla tuloy akong nag overthink. Papaano kapag may gusto din si Ryu kay Carol? Edi wala na! Wala na akong pag-asa na maging boyfriend sya! Akala ko pa naman ay may pag-asa ako. Itong puso ko ay umiiyak na ngayon. Anong gagawin ko?

Isang linggo pa nga lang akong naging malapit sa kaniya ay mawawala na agad. Pero kung sabagay ay magkabatch mate sila. Pareho Grade 11 at HUMSS student. Ako? Grade 9. Baka nasa isip ni Ryu ay bata pa ako. Kung sabagay tama sya don.

Zacarias Series #1: 1:43 of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon