CHAPTER 6

9 10 0
                                    

Masaya akong naglalakad habang pinagmamasdan ang hawak kong coffee cup pot na gawa ni Ryu. Dalawa 'yon. Pa-heart shape ang isa. Ang isa naman ay pa-flower. May color yellow pa pala siyang yarn na nakatago sa bulsa at white.

Maganda ang pagkagawa nya.

"Ang saya natin ah?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Amora.

"Amora!" Napatalon akong humakbang papalapit sa kanila at kinikilig pa ako.

"Kilig na kilig sya o!" Natawa si Hazel sa naging kilos ko.

"Kasi e'." Mas lalo natawa sila ng nagpabebe ako sa harap nila at pulang pula ang pisngi.

Si Jill ay kahit walang reaksyon sa mukha, medyo nakataas ang labi nito, nangingiti at kita ko ang saya sa mata nito habang pinagmamasdan ako.

"Huwag mo na i-kwento. Nakita namin." Natawa ako sa sinabi ni Jill.

"May bagong lock screen wallpaper ka na." Napalingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Shiloh. Nakita ko sina Shiloh at Noah.

Si Shiloh ay nakangiti habang may pinagmamasdan sa hawak nitong camera. Canon EOS R7 'yon. Nakasabit ito sa leeg nya.

Ipinakita nya sa akin ang picture at halos mamangha ako. Pero medyo nagtaka ako ng makitang na focus ako sa pagtingin sa paggawa ni Ryu sa crochet. Kumikinang pa ang mata ko. Pero si Ryu ay nakangiting nakatingin sa akin. Medyo kakaiba ang ngiti nito. Puno ng saya at mas kumikinang pa ang mata nito kesa sa mga bituin sa langit tuwing gabi nang nakatingin sa akin.

"Uy, mukhang inlove sa 'yo si Ryu ah." Namula ako sa pang-aasar ni Hazel ng makita ang picture.

"H-ha." Nautal pa ako.

"OMY! Baka may gusto din sa 'yo si Ryu!" Pinagtulakan ako ni Amora.

Kainis! Mas lalo tuloy ako namula sa pangbobola ng mga kabigan ko. Baka umasa ako nito ah!

Tinignan ko si Jill na seryoso lang na nakatingin sa picture at sa akin. Napanguso ako ng magtama ang tingin namin.

"Jill oh, inaasar nila ako. Baka umasa ako dahil sa kanila." Para akong bata na nagsusumbong.

Nag-asaran pa kami doon ng ilang minuto ng mapansin na malapit na ang break time.

"Na-enjoy ka ata sa pagsusuot ng uniform ko." Ani Noah ng makalabas ako mula sa CR.

Ngumisi lang ako sa kaniya at binelatan.

"Akin na, hindi mo ba ibabalik?" Taas kilay tanong ni Noah.

Inirapan ko sya.

"Bukas ko na ibalik, lalabhan ko pa." Akmang hahablutin nya ang paper bag ng inilayo ko 'to sa kaniya.

"Ako na. Ako na ang bahala dyan."

"Huwag ka ngang epal." Pagmamaldita ko sa kaniya at inirapan. "Ako na! Mabuti pa at magpahinga ka pag-uwi mo." Namewang ako sa harapan nya. "Baka naman nilulunod mo na naman ang sarili mo sa pagtatrabaho sa bahay nyo?" Inirapan ako nito.

"Aba, ha! Sino mas nakakatanda? Ikaw o ako?" Inirapan ko sya.

Iyan kasi lagi ang panglaban nya sa akin sa tuwing gusto ko syang sermonan.

Hindi ko na sya pinansin at pinuntahan na ang mga kaibigan namin.

Andon na si Eowyn. Medyo nakanguso ito. Ngayon lang kasi nagpakita. Galing ito sa faculty ng guro nya. Sya ang nagcheck at nagrecord ng mga quiz nila kaya ngayon lang nakapag break.

Mas kinilig pa ata ito sa akin ng ipinakita ni Shiloh ang picture namin ni Ryu at ng marinig ang kwento mula kina Amora at Hazel. Andon na din ang mga mukong na dalawa. Sina Spencer at Kairo. Si Asher na matino ay tahimik na namang nakikinig. Natatawa naman ito sa tuwing may nakakatawang sinasabi sina Shiloh.

Zacarias Series #1: 1:43 of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon