Chapter 1

8 2 0
                                    

Chapter 1: The neglected child.



I grew up alone. Well, not literally. Hindi ko lang talaga maramdaman yung presence ng mga magulang ko. Yung pakiramdam na solong anak ako, pero ni kahit minsan hindi nila ako nabigyan ng kahit na katiting na atensyon. 

I do understand them tho, nagtatrabaho sila pareho para mabigyan ako ng magandang kinabukasan, binibigay anumang bagay ang gustuhin ko. Pero hindi iyon sapat para maramdaman ko na mahal nila ako.

Lumaki talaga akong mag-isa, I learned how to handle myself because no one can't do it for me. Sinubukan nilang maghire ng kung sino-sinong tao para mag-alaga sakin pero maski isa sa kanila walang tumagal. Lahat sila napagod, sumuko at umalis. And before they leave, kung ano ano pang masasakit na salita ang iiwan nila sakin.

"Wala talagang magmamahal at mananatili sayo dahil ang sama ng ugali mo!"

Upon hearing those words, my heart shattered into pieces.

And because of that tinanim ko na sa puso at utak ko na wala akong ibang kakampi at dapat pagkatiwalaan kung di sarili ko lang. 



I became rebellious. Party here, hang ups there. Getting fucked by every man I met on the bar. Being a home wrecker, but not a drug user. Nah uh never. 

Hmm, pumapasok pa naman ako sa school...kung kelan ko nga lang gustuhin. 

At sa tuwing papasok ako sa school, kulang na lang sampahan ako ng kaso ng mga estudyanteng binully ko. 

Yes, all of that and I'm not really proud of it. Ganon lang talaga naging takbo ng buhay ko.

And you know what's funny? Everytime na pagagalitan ako ng mga magulang ko I felt genuinely happy. Dun ko lang kasi nararamdaman na may pakealam pala sila sakin. That's my own way of begging for my parents attention.

Kung wala akong gagawing katarantaduhan hindi nila ako mapapansin.

Well doing those things saved me from death. Nagseself harm kasi ako everytime na ikukulong nila ako sa bahay. Kaya hinahayaan nila ako maglagalag sa kahit saan ko man gustuhin. As long as hindi ako uuwi ng bangkay. At kahit ano namang aberya gawin ko nalulusutan ko lahat well I'm still a minor anyway.



"For Pete's sake Alice! Kailan ka ba magbabago?!" dad shouted at me.

I was just comfortably sitting on the couch and starring at him like an innocent child.

"Ilang eskwelahan pa ba ang magbibigay sayo ng expulsion bago ka tumino?"

"Dad di ko naman kasalanan na tatanga tanga yung babaeng yon kaya sya nalunod."

"ALICIANNA!"

"What? Kung nag aral lang sana sya lumangoy before kahit itulak ko pa sya sa pinaka malalim na dagat hindi sya malulunod. Hello, all people must know how to swim kaya! So it's not my fault OA lang talag---"



"Enough. I cannot handle you anymore!..You know what?..You deserve a good punishment." he pointed his finger on me.

'Punishment my ass.'

"Pack all of your things. Sa probinsya ka na muna mag-aaral."

"WHAT? NO WAY!"

"You'll gonna stay in your lola's house. Whether you like it or not." 

Anong gagawin ko don? Magtatanim ng palay?

Are you serious? 





____________





 "Wala ka na ba nakalimutan?" I ignored him at tsaka diretsyong sumakay sa kotse.

"Wag ka mag-alala, sigurado ako magugustuhan mo sa bahay ng lola mo." mom smiled.

Tuwang-tuwa siguro silang mag-asawa dahil mawawalan na sila ng perwisyong anak sa bahay.

Tahimik lang ako the entire trip. Kung wala ako dito baka nasa BGC ako ngayon gumigimik at nakikipag one night stand sa mga poging koreano.

Ilang minuto pa ang nakalipas at naramdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

______



Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nandito na kami sa tapat ng bahay ni lola.



***

Sunrise Serenade (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon