Chapter 2

6 2 0
                                    


Chapter 2: Eroplano Papel

"Aba e dalaga na ang apo ko! Ikaw na ba si Alice?" magiliw na bungad sakin ni lola.

"Magbigay galang ka naman sa lola mo, magmano ka." pinandilatan ako ng mata ni Dad.

"Ay nako kahit wag na, nakakatanda naman e, beso na lang." pabirong wika ni lola.

Lumapit sakin si lola at niyakap ako.

May kung ano akong bagay na naramdaman sa yakap nya. Bagay na di ko pa kailanman naramdaman.

"O sya sya, halina't pumasok na tayo sa loob. Naghanda ako ng masarap na hapunan."

Magaan ang pakiramdam ko dito sa lugar na ito. Kahit ngayon na lang ulit ako nakapunta. Nung bata pa ako madalas kami dito magbakasyon, yun ay nung buhay pa ang lolo. Ngunit balo na si lola kaya mag-isa na lang syang naninirahan dito.

Sobrang nostalgic pa rin ng design ng bahay, akalain mo yon napreserve ni lola ang dating ayos nito. Mula noon hanggang ngayon. Pang sinauna pa rin ang disensyo.

Creepy part nga lang kapag aakyat ka sa hagdan dahil may mga parte na rin na iba na ang tunog dahil gawa ito sa kahoy at rumurupok na.

"Akin na ang mga gamit mo iha at dadalhin na natin sa magiging kwarto mo." sumunod lang ako sa kanya habang nililibot ang paningin sa bawat sulok ng bahay.

"Ito ang magiging kwarto mo anak." umupo ako sa gilid ng kama at nagtungo naman sya sa may bintana upang hawiin ang kurtina.

"Masarap ang simoy ng hangin dito tuwing hapon at umaga. Kwarto ito ng papa mo noon. Palagi sya dito nagkakape."

"You don't have to pretend you want me here, I'm sure wala pang tatlong araw ibabalik mo na ako ulit samin."

Narinig ko ang mahinang paghagikgik nya saka naglakad at tumabi sakin.

"Naiintindihan kita apo. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan nyan." sabay turo sa dibdib ko.

"O sya magbihis ka na, ayusin mo na gamit mo at nang makakain na tayo." Nakangiti nitong bilin saka lumabas ng kwarto.

Sus pakitang tao. Ngayon lang naman sya ganyan kasi bago pa lang. Baka bukas makalawa palayasin na nya ako bigla dito.

Nagulat ako ng biglang may nagshoot na eroplanong papel sa bintana.

Agad ko iyong pinulot at sinilip kung saan nanggaling.

Nahagip ng mata ko ang isang moreno at matangkad na lalaki na nakatayo sa bakuran ni lola.

Nakatingin din ito sakin.

"Hoy!"sigaw ko. Napalingon pa sya sa paligid nya at tinuro ang kanyang sarili.

"Sayo ba 'to?" hindi sya sumagot kaya pinalipad ko pabalik sa kanya yung eroplanong papel. Tinamaan pa sya sa noo.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina.

"Halika na apo maupo ka na rito."

Nagsimula na kaming kumain di ko namamalayan na napaparami na pala ang kain ko dahilan para mapansin iyon ni lola.

"Aba e paborito mo pala ang adobo?" magiliw nyang tanong.

Di ko sya sinagot dahil ninanamnam ko pa yung nasa bibig ko.

"I thought hindi ka nakain nyan Alice." mom hesitatedly asked.

"Pano nyo malalaman e palagi kayong wala." wika ko habang may laman ang bibig.

"Alicia." Maotoridad na sita ni Dad.

"Infairness, masarap. Thanks for the food anyway." uminom na ako ng tubig saka tumayo at umakyat muli sa kwarto.

"Where are you going?! We're not yet done! Alicia wag kang bastos!"

"Hayaan mo na muna anak, hayaan na muna natin sya." narinig kong wika ni lola.

Pabagsak kong hiniga ang aking sarili sa kama. Grabe pati kama ang nostalgic din tingnan. Daig ko pa si Maria Clara.

Since walang wifi here, hindi ko rin magagamit ang phone ko. Kung mag s-stay ako dito ng matagal baka mamatay ako sa boredom.

Kasalanan kasi talaga 'to nung babae, kung marunong lang syang lumangoy edi sana di sya malulunod, edi sana wala ako dito sa probinsya ngayon!

***

Sunrise Serenade (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon