Chapter 3

6 2 0
                                    

Chapter 3: Pangalan

Kinaumagahan, agad din bumyahe sina mom and dad pabalik sa manila. Syempre priority nila ang trabaho ano.

Tuluyan na nga nila akong iniwan dito sa bahay ni lola.

Tsk anong gagawin ko dito?

"Sya nga pala apo, nailakad ko na ang mga papeles at dokumentong kakailanganin mo sa paglipat sa bago mong eskwelahan."

Seryoso ba? Dito ako mag-aaral?

"Wag ka mag-alala maayos naman ang turo at magagaling ang mga guro dito."


"Whatever." napahagikgik na naman sya.

What's wrong with her? Sa tuwing tatarayan at susungitan ko sya lagi nya ako tinatawanan. Diba dapat galit at inis ang normal nyang maging reaksyon?



"Siguro ay nabuburyo ka na dito sa bahay ano? hayaan mo at isasama kita mamaya, pupunta kasi ako kanila Celia. At ng makapaglibot libot ka naman."

______________


Inis akong napapakamot sa binti dahil tumutusok sa balat ko ang mga damong nadadaanan namin ni Lola.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna ng palayan. Hindi pa naman ako sanay dumaan sa mga gantong klaseng lugar.


"Malapit na tayo apo." My eyes rolled for the nth time.


"Mareng Celia!"

"Aba e mareng Luz! Anong atin??"

"Pinapasyal ko lamang ang aking apo, e matagal tagal rin syang mananatili dito sa baryo natin. Maige nang maging pamilyar na sya sa lugar at sa mga tao dito satin."


"Aba e kagandang bata! Anong pangalan mo iha?" the old woman asked.


"Alice."


"Alicianna Acosta ang buong pangalan nya. Sinunod ng anak ko, sa pangalan ko at ng kanyang ina."

Oh really? Ngayon ko lang nalaman ang bagay na yon. My mother's name was Allisson and my grandma's name was Luciana, also known as Lola Luz, therefore I was named Alicianna. Ang witty ni Dad sa part na yon.



"Sya sya, tuloy kayo at ng makapag meryenda tayo. Archie! Archie apo, narito ang mamay Luz mo, bumili ka nga muna ng maiinom may bisita tayo! Nasaan na ba ang batang iyon?" nakapamewang nyang usal.



"Crystal, apo nasaan ang kuya mo?"


"Hindi ko po alam lola e baka nangunguha na naman ng aratilis sa paraiso."


"Ganon ba o sya, pwede bang ikaw na lang muna ang bumili.


"Sige po la."


Nagkatinginan muna kami ni crystal bago sya naglakad paalis.

Parang hindi nagkakalayo ang edad naming dalwa.


"Iyon ang aking apo na si Crystal, dalwa silang magkapatid kaya lang ay wala dito ngayon ang aking panganay."


"So tatlo lang ho kayong nakatira dito?"

"Ganon na nga."


"Where are they're parents?"

"Matagal nang hiwalay ang mga magulang ng mga batang yan. Sakin sila iniwan dahil may kanya kanyang pamilya na ang mama at papa nila."

That's even worst kumpara sa pamilyang meron ako.

"Tinalikuran nila pareho ang responsibilidad dahil lang ayaw na daw nila sa isa't isa. Matigas rin kasi ang puso ng anak kong babae. May sariling desisyon sa buhay."

Saddening.



"Sya nga pala iha, para hindi ka mabagot mamaya meron kami ritong magandang pasyalan sa may di kalayuan na kung tawagin ay paraiso. Hitik sa mga puno at bulaklak ang lugar na iyon at mayroong napakataas at napakagandang talon. Maari mo iyong puntahan."


Sound's exciting. But no thanks.


"Bar. Meron ho kayo ditong malapit na bar? Club? Anything?"


"Discohan ba kamo?" grabe ang tanders ng term ha.


"Sort of."

"Meron naman kaya lang ay hindi ka papapasukin dahil bawal pa ang menor de edad."

"I can handle it anyway. Thanks for the info lola Celia."


"Alice apo, kahit magpumilit ka hindi ka talaga papayagan roon ibahin mo ang mga tao dito at sa lugar na nakasanayan mo."


"Whatever lola."


Nagpatuloy lang ang aming kwentuhan hanggang sa di na namin namalayan na kumagat na ang dilim.



"O sya mareng Celia kami ay paroroon na. Salamat nga pala sa pa meryenda, pakisabi na lang kay Archie na dumaan kami dito."


"Nako walang anuman, ingat kayo pauwi ha, madilim na. Hay nako wala pa rin ang batang yon. Saan na naman kaya nagsusuot yon aba e kanina pa hindi umuuwi."


"Wag ka mag alala at panigurado maya maya lang nariyan na yon."

"Sige mare salamat."

"Kami ay tutuloy na."



***

Sunrise Serenade (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon