Chapter 4

6 2 0
                                    

Chapter 4: Knight In Shining Armor


"Lola what's Paraiso?"


"Ah yun ba? Aba e talon yon apo, napakaganda sa lugar na iyon. Malinaw ang kulay asul na tubig at napaliligiran ng napakaraming puno na hitik sa bunga."


"So it's like err---tourist spot?"

"Maari, pero iilan lang ang nakakaalam ng Paraiso, tanging mga taga dito lang ang madalas na pumaroroon. Hanggat maari kasi hindi namin talaga pinapayagang bumisita ang mga taga labas sa lugar na yon, nang sa gayon ay mapanatili namin ang ganda at ayos nito."


When I'm talking to her, pakiramdam ko talaga nakikipag-usap ako sa sinaunang tao.


------


It was 11:47 pm already, siguro naman ay tulog na si lola sa mga oras na ito.


Hindi ko talaga kayang magtiis at mabulok lang dito sa kwarto.

Tsk. Anong sabi nila kanina? Hindi ako papapasukin sa bar or discohan whatsoever? Hello, excuse me this is Alicianna Acosta, I can do everything, anything I wanted and no one can stop me.

So...

It's time to party!!!

---

Nagpalit ako ng damit, I am wearing a blue tube dress na isang dangkal ang ikli mula sa tuhod.

Hindi na safe kung sa main door ako dadaan baka magising si lola ano, edi napurnada gimik ko, kaya mas minabuti ko na lang sa bintana dumaan.


Okay lang yan wala naman ibang makakakita ano!


Dahan dahan akong bumaba, medyo mataas din pala ang bintana ni lola pero ayos lang, hassler na ako pagdating sa pagtakas.



A victorious smile flashed on my lips nang tuluyan na akong makababa.


"See? So easy." I said to myself.




Lumabas na ako ng gate pero halos mabingi ako sa katahimik ng paligid.


Hindi ako sanay!



Dati once na lumabas ako ng bahay, kung ano anong klase ng ingay ang sumasalubong sakin. But here, it feels like, I'm in a horror film.

Malamig din ang simoy ng hangin, grabe tumatagos talaga sa buto. It's so different from the place I used to live.



Hindi ko na napansin, malapit na pala ako sa discohan na sinasabi ni lola Celia kanina.



"Bawal bata dito miss."


"Excuse me, sorry to pop your bubble but I'm not a kid anymore."


"May ID ka ba?" oh, so bar here and there has the same policy.


"How much?"


Pinagtaasan nya ko ng kilay.


"Magkano ba kailangan mo para papasukin ako? Name the price come on, I have money naman. Kaya ko nga bilhin buhay mo if I wanted to."




"Sorry miss, ginagawa ko lang trabaho ko. Bawal talaga menor de edad dito. Mabuti pa umuwi ka na."


"Why so madamot? E, I used to party naman sa Manila! Would you know wala pang bar na tumatanggi sakin since then! What's wrong with you?!"



"Kung sa Manila nakakalusot ka, ibahin mo dito neng."




"Kuya may ibon!" napatingin naman sya sa tinuro ko dahilan para makatakbo ako papasok sa loob ng bar.



"Hoy! Miss bumalik ka dito!"



Tatawa tawa akong nakihalo sa mga tao sa loob para di nya na ako mahanap.



See? Kaya kong lusutan kahit ano pa yan.




"Ganda mo naman miss." I was frozed when someone who looks like a sanggano grabbed my butt.



"You pervert!"


"Arte mo naman, nakikipag friends lang e."


"Shut up! Ang asim mo!" this jerk, buti sana kung pogi e mukha namang pusher!



"Arte mo ah, ano kaya mo ba ako?" hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso at marahas na hinila hila.



"Let go of me!"



"Sasama ka sakin, sa ayaw at gusto mo!"



"The hell with you?!"



"Tara!"



"No! Bitiwan mo ko! Ano---ba!" gigil kong wika habang nagpupumiglas sa kanya.



"Wag ka na kasing pakipot! Sumama ka na lang para di ka masaktan!"



"Ayoko nga sabi!! Bitiwan mo ko!!" pinilit ko kumawala sa kanya pero masyado itong malakas.



I was so shocked when someone grab his arm and punch him hard.

Sa isang iglap lang natumba na ang lalaking mukhang sanggano at nawalan ng malay.



Napabaling ang tingin ko sa lalaking sumuntok sa kanya. Winisik wisik pa nito ang kamay na animoy nasaktan ang kamao.


"Shet. Tigas ng mukha."


Hindi manlang nya ako tinapunan ng tingin at naglakad na ito papalayo.



Parang familiar yung lalaking yon.

Saan ko nga ba sya nakita?


.....



****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunrise Serenade (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon