Dedicated sa isa sa mga mahahalagang tao at tinuturing ko din na best friend. :) Dear Shai, ito na ang bunga ng possibility sa inyo ni Marco. Sows, alam mo naman na kalalabasan neto. Btw, basahin mo! Two days ko ata to pinagpuyatan. hahahaha. Loveyou!
PS: Please listen to the song as you read. Thanks ^_^
A D e c i s i o n
"Aalis ka?" malungkot na tanong ni Marco sakin, napalunok ako. Hindi ko siya magawang tignan.
"Shaira, sabihin mo, aalis ka ba?" tanong niya ulit medyo nag-crack na ang boses niya, umiiyak siya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya.
"Marco, I'm sorry. Sorry." yun lang ang nasabi ko, niyakap niya ako ng mahigpit. Parang takot siya na wala ako.
"Naiintindihan ko. Matagal mo na din naman gusto makasama ang daddy mo di ba?" umiyak lang ako.
"Babalik ako Marco.. Hintayin mo ako. Tyaka uso naman facebook di ba?" tumawa ako ng pilit para mawala ang mabigat ng hangin samin, ngumiti siya.
Si Marco at ako, hindi kami tulad ng ibang couple, hindi nga ata kami couple. Wala kasi kaming number. Pero alam ko, mahal namin ang isa't-isa. Nag-aaway kami, para nga lang kaming magbestfriend, pero nagmamahalan kami. Hindi din kami PDA, ayoko kasi nun, nakakahiya, tyaka para saan pa mag-PDA kung pwede naman na mag-usap lang kami ng normal di ba?
Hindi ganun katangkad si Marco, hindi din naman ganun kagwapo. Pero mapagmahal siya, at para sakin.. sapat na yun.
~~~
Limang taon din akong nasa Canada, pero araw-araw kaming nag-uusap ni Marco. Kababalik ko lang noong isang buwan. Hindi naman ganun kadami ang nagbago, ay mali, halos lahat pala nagbago.
Maliban sa pagmamahal ko sa kanya, pero mukhang nagbago na din ang nararamdaman niya para sakin. Hindi din naman kasi ako magtatagal sa Pilipinas, three months lang ako dito. Pero kung sasabihin niya, hindi na ako aalis. Kung pipigilan niya ako.
"Sorry Shaira, but I don't think this is gonna work out anymore." mahinang sinabi ni Marco, habang nakatingin sa kape niya.
"Bakit Marco, hindi mo na ba ako mahal? Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na? Sabihin mo sakin Marco.. sabihin mo!" tinanong ko sakanya, tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ko na makontrol ang luha ko, nagsisikip na ang dibdib ko, hindi na ako makahinga.
"Hindi yun. Hindi mo naiintindihan Shaira." mariing sinabi ni Marco hindi pa rin siya nakatingin sakin. Pero may mga luhang tumutulo sa mata niya.
"Ehdi ipaintindi mo sakin! Marco maiintindihan naman kita. Kaya nga tayo diba? Para suportahan ang isa't-isa. May problema ba? Sabihin mo sakin? Tungkol ba to sa pagbalik ko sa Canada? Marco, para sayo hindi na ako aalis."
"I made a decision. Isang desisiyon na magbabago sa buhay ko. Magbabago sa lahat ng bagay sa paligid ko. Kasama na tayo dun. Kailangan ko itong gawin. Kailangan ko." nakatingin na siya sakin ngayon. Bakas na bakas sa mata niya ang sakit.
"Anong desisyon? Sabihin mo sakin. 'Cause I won't let you go if you don't give a concrete reason why I have to. Mahal na mahal kita Marco.." nahihirapan na akong huminga, hindi na rin ako makapagsalita. Patuloy ako sa pag-iyak at paghikbi, pero kailangan ko ituloy ang sinasabi ko.
"Marco.. ang sakit sakit para sakin na gusto mo ng tapusin ang lahat sa atin na parang wala lang. Marco, nakaya nga natin ng five years nung nasa Canada pa ako.. bakit ngayon pa? Ngayon pa na nandito na ako?" Tumayo si Marco at hinila ako.
Paglabas namin sa coffee shop. Bigla niya akong hinalikan. At pakiramdam ko sinasabi na niya ang lahat sa halik na ito. Lalo akong naiyak, at alam ko umiiyak na din siya. Para bang ito na ang huling halik niya.
(Marco's POV)
I kissed her like for the last time. Yes. She's my first kiss... and will definitely be my last.
Si Shaira ang una at huling babaeng mamahalin ko. Siya ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay. Masaya ako na nakasama ko siya. Masaya ako na minahal din niya ako.. kahit sa maikling panahon lamang.
Sa halik ko, dito ko pinaparamdam sa kanya ang lahat. Nararamdaman ko ang luha niyang hindi pa rin tumitigil sa pag-agos. Ang luhang habang buhay niyang pagsisihan hanggang sa huli niyang hininga.
Tinigil ko ang paghalik sa kanya, at pinunasan ang luhang walang tigil sa pagtulo sa kanyang mga mata.
I kissed her forehead. Her nose. Her cheeks. At sa huling pagkakataon... ang labi niya. Gusto kong maalala ang lahat ng ito. Ang pakiramdam ng mahalikan siya. At niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit na ayoko na siyang pakawalan.
Siya lang ang babaeng mamahalin ko. Siya lang.
Tuluyan ng lumabas ang mga luhang tinago ko sa loob ng ilang taon simula ng umalis siya. Lahat ng sakit at pangungulilang tiniis ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Pero kailangan ko itong gawin. Ito ang mas makakabuti. Ito ang tama..
(Shaira's POV)
"Mahal kita Marco." sinabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Ayokong pakawalan ang lalaking nakayakap sakin ngayon, sa puso ko. Siya ang una at huli ko.
Noon pa man, pinangako ko na sa sarili ko na wala akong ibang mamahalin kundi siya. Siya lang. Si Marco lang. Gusto ko siyang alagaan hanggang sa tumanda na kami. Siya ang gusto kong maging ama ng magiging anak ko.
Kaya sobrang sakit sakin kung bakit kailangan niya tong gawin. Mahal niya ako, pero bakit kailangan niyang tapusin ang lahat. Hindi ko maintindihan/
"Mahal din kita. Ikaw lang." naramdaman kong lalong humigpit ang yakap niya sakin. Pero di nagtagal unti-unti siyang bumitaw, hanggang sa ako na lang ang nakayakap.
"I'm sorry Shaira..." yun na lang ang huli kong narinig bago siya tumalikod sakin. Bawat hakbang na ginagawa niya, pakiramdam ko hindi ko na siya makikita pang muli.
Napaluhod ako sa sobrang sakit at bigat na aking nararamdaman. Ang lalaking minahal ko ng ilang taon.. wala na.. Umalis na.. Tinapos na niya ang lahat sa amin.
~
(Marco's POV again)
Lumingon ako sa kanya nung alam kong hindi na niya ako nakikita.
Nakaluhod siya at umiiyak, habang dumadaan ang madaming tao. Napasuntok na lang ako sa dingding ng malakas. Tumutulo ang dugo sa kamao ko, pero wala pa ito sa sugat na ginawa ko sa kanya.
Gusto kong bumalik sa kanya at yakapin siya ng mahigpit, pero hindi pwede. Gumawa na ako ng desisyon. Para sa ikabubuti ko, at niya.
Hindi ako ang tamang lalaki para sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang best friend ko.
"Hello?" sagot niya.
"Jonel, alagaan mo si Shaira." yun lang ang sinabi ko bago ko pinutol ang tawag at tuluyan ng naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
A Decision
Teen FictionSometimes you have to hurt the one you love for a better cause