Ten Years Later

95 8 9
  • Dedicated kay RomaLyne Jung
                                    

At dahil dito ka lalabas horsey, ay joke... Roma pala, hahahaha. :*** I dedicate this for you! :"> Yiiie kasali si Wu Yi Fan <3

Ten years later...

(Third Person's POV)

"Ano ba Shai, kahit ngayon lang ngumiti ka naman." sinabi ni Roma habang inaayos ang buhok ni Shaira.

"Roma naman, paano ako ngingiti sa oras na ito? Ayokong lokohin ang sarili ko. Paano ako ngingiti kung pakiramdam ko mamamatay ako?" sagot ng babae habang nakatingin sa salaman, sa kaibigan niya.

"Shunga, hindi ka mamamatay. Matatali ka lang sa kanya, pwede pa. Ikakasal ka lang, hindi ka mamamatay." bulong ni Abby at tyaka umupo sa couch ng hotel room kung saan nag-aayos si Shaira.

"Oo nga. Ikakasal na ako, sa lalaking hindi ko naman minahal. Para akong mamatay. Mali, patay na pala ako.. sampung taon na." Umiling na lang si Roma at Abby.

Sampung taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang paghihiwalay ni Shaira at Marco. Mabilis din na nalaman ng mga kaibigan nila ang tungkol dito at nagulat sila. Mahal na mahal ni Marco si Shaira, pero paano nangyari ang mga yun?

Sa loob ng sampung taon, isang tao lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan ni Marco. Ito ay ang mapapangasawa ni Shaira. Si Jonel, ang matalik na kaibigan ni Marco. 

Alam ni Marco ang nararamdaman ni Jonel para kay Shaira, kaya ito ang lalaking pinili niya na alagaan ang babaeng mahal niya. Limang taong sinuyo ni Jonel si Shaira, pero kahit ngayon na ikakasal na sila, hindi pa rin magawang mahalin ng babae ng lubos si Jonel.

Dahil hanggang ngayon, isang lalaki pa rin ang may hawak ng puso niya.. si Marco.

"Miss Abby, Miss Roma, Miss Shaira, nandito po sa labas si Mr. Kris, papasukin ko po ba?" tanong ng isang personnel.

"Sige."

Pumasok sa kwarto ang isang gwapo at matangkad na lalaki, si Kris. Matagal na silang magkakaibigan nila Shaira, at si Kris ay boyfriend ni Roma. Isa din siya sa matatalik na kaibigan ni Shaira. Kaya ng nalaman niya ang tungkol dito, kinausap niya agad si Marco, pero ayaw siya nitong harapin. Hanggang sa isang araw... nawala na lang na parang bula si Marco. Hindi nila macontact, at hindi nila alam kung nasaan.

"Ang ganda mo ngayon Shaira, swerte talaga ni Jonel, kung makikita lang ngayon ni Marco, magsisisi yun." katahimikan ang nabalot sa kanila, at kinurot agad ni Roma si Kris, dahil halata naman na nagbago ang ekspresyon ni Shaira sa pagbanggit ng pangalan ni Marco.

"Sorry sorry. Ngumiti ka na, hindi bagay sa isang katulad mo ang ganyang ekspresyon."

"Hahaha, salamat Kris. Ang gwapo mo din ngayon." pilit lang ang ngiti ni Shaira, alam yun ng lahat, pero wala silang magagawa.

"Kahit ano naman ang suotin ko gwapo ako. Di ba babe?" tinitigan naman ng masama ni Roma si Kris. 

"Ang yabang yabang mo talaga Kris. Alam mo ba na para sa isang babae, ang kasal ay sobrang mahalaga. Pangarap yun ng lahat ng babae." nakapameywang na sinabi ni Roma.

"Teka teka. Una sa lahat, hindi natin to kasal. Pangalawa, pangarap lang ito ng babae kung mahal talaga nila ang mapapangasawa ni-" pinutol agad ni Roma ang sasabihin ni Kris.

"Sige magsalita ka pa Wu Yi Fan, at hinding hindi mo mararamdaman ang tamis ng kasal. Gusto mo?" nakataas ang kilay ni Roma, at kinakabahang tumawa si Kris.

A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon