They said that having someone who can truly understand and handle you as your worst self is rare. Maybe, yes. But I am grateful because I've finally found mine. And she is my best friend—Brianna.
We were ten-year-old that time when my family decided to live near Brianna's house. At first I thought it was just because of my Dad's business. But then I found out that my Mom and Brianna's Mom were friends.
Aware ako noon na palagi akong maiiwan mag-isa sa bahay dahil busy ang mga parents ko. Si Mommy ay sa mga kaibigan niya at si Dad ay hindi ko alam. Palagi na kasi silang nag-aaway ni Mommy simula nang lumipat kami. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-aawayan nila noon dahil lagi nila akong kinukulong sa kuwarto ko kapag aawayin na ni Mommy si Daddy.
Pero isang beses ay naalimpungatan ako para sana uminom ng tubig sa kusina. Iyon din ang unang beses na narinig ko ang pinag-aawayan nila. Hindi ko pa man naiintindihan ang lahat, pero tumatak na iyon sa isipan ko.
“Stop pointing fingers at me, Zel! Stop blaming me! That was an accident! Kailan mo ba matatanggap 'yon? Hindi ko ginusto na mangyari 'yon, okay?”
“Kasalanan mo! You careless old man!” sigaw ni Mommy.
Naupo ako sa unang baitang ng hagdan at niyakap ang sarili. Nag-aaway na naman sila. Kung magsigawan sila ay para silang hindi mag-asawa. Hindi sila ganito kapag nasa harapan ko kaya nakaramdam ako ng takot.
“I'm so tired of this, Zel...” nanghihinang sabi ni Dad. Parang kinurot ang puso ko dahil sa narinig. Sobrang close ako kay Daddy kaya parang ang sakit na marinig siyang nanghihina.
“Talaga ba, Amir? Tired? Bakit? May ginawa ka manlang ba para mahanap siya? Wala! Puro ka trabaho at lamyerda kung saan-saan!” sigaw muli ni Mommy.
Mahanap? Sino? Lalo akong naguluhan.
“Wala kang alam!” Biglang sigaw pabalik ni Dad na nag echo sa buong bahay. Napasinghap ako at si Mommy dahil sa gulat. Bibihirang sumigaw si Dad at iyon ay kapag galit na galit lamang siya.
“Ano bang alam mo? Wala! Nakikita mo ang pag-alis ko pero hindi mo nakikita ang mga bagay na ginagawa mo na wala rin namang kwenta!” saad ni Dad. Natigilan si Mommy. Tila napahiya sa narinig pero nagtuloy si Daddy. “Ako, gumagawa ako ng paraan para mahanap siya habang nagtatrabaho para sa pamilya natin. Tapos ano? Dadatnan lamang kita araw-araw na lasing at sisisihin ako sa bagay na hindi ko rin naman ginusto?” Parang naiiyak na si Dad pero nauna pang tumulo ang luha ko.
Nasasaktan ako para kay Daddy. Nagagalit ako kay Mommy dahil tama naman si Dad.
“Pagod na pagod na ako, Zel. Pagod na akong tanggapin lahat ng galit at paninisi mo. Pero kahit ganoon ay hindi kita sinukuan. Hindi ko sinukuan ang pamilya natin dahil may Amirah pa ako na naghihintay sa akin. Hindi lang ikaw ang nawalan, Zel. Kami rin. Kung nasasaktan ka, ganoon din ako. Pero sana hindi natin kalimutan na may Amirah pa tayo...”
Sobra akong naiyak at naguluhan nang gabing iyon. Ibang-iba si Daddy nang gabing iyon. Sa tuwing magkakasama naman kami ay masayahin siya at palaging malakas. Kaya nakakadurog ng puso na marinig ang lahat ng iyon sa kaniya.
Simula rin noon ay naging tahimik na sa isa't-isa sina Mommy. Iyon ang una't huling away na nasaksihan ko sa mga parents ko.
Kinabukasan ay malungkot akong naglakad-lakad sa subdivision. Natigilan ako nang makita ang kumpol ng mga batang halos kaedad ko lang din.
“Feeling close!”
“Arti arti akala mo siya lang mayaman dito!”
“Ayaw namin sayo!”
“Yabang!”
Ito ang kaliwa't kanan na narinig ko sa mga ito. Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng pag-iyak. Iyak ng isang boses babae.
“Iyakin pa! Ano ba yan!”
Lumapit ako sa mga ito.
“Hoy!” Tawag ko sa mga ito at lahat sila ay nilingon ako. Tatlong babae at dalawang lalaki. Nakataas ang kilay ng mga babae at maarti akong tinignan mula ulo hanggang paa.
“Sino ka naman?” tanong ng isang babaeng may mahabang buhok.
“Wala kanang pake kung sino ako. Wala rin naman akong pake kung sino kayo,” sagot ko. Napatingin ako sa batang babae na nakaupo habang yakap ang kaniyang mga tuhod. Panay ang angat ng balikat nito na para bang sinisinok na sa pag-iyak.
“Aba! Mayabang ka rin ah!” sabi ng kasama nilang lalaki. Sa tingin ko ay ahead lamang sila sa akin ng isa o dalawang taon.
Hindi ko na sila pinansin at agad nilapitan ang umiiyak na bata.
“Hey... Are you okay?” I asked her. Dahan-dahan itong tumunghay para tignan ako.
A girl filled with tears on her electric blue eyes, pinkish chubby cheeks, heart-shaped thin lips, and a small pointed nose, looked at me. “N-No...” she answered.
“Sinaktan ka ba nila?” Umiling naman ito kaya nakahinga ako nang maluwag.
Tumayo ako at tinignan ang mga nasa harapan namin.
“Kung ayaw niyo sa kaniya, pwede niyo naman sabihin nang maayos. Hindi yung kung ano-ano pa sasabihin niyo sa kaniya.”
“Mapilit siya. Pinipilit niya ang sarili niya sa group namin, e, ayaw nga namin sa kaniya.” Maarting sagot nang isang babae na may hawak na teddy bear.
“Hindi na niya ipipilit ang sarili niya sa inyo kaya makakaalis na kayo.”
“Tss. Pabida ka naman pala!” sabi ng lalaki.
“Maikli lang ang pasensya ko. At kapag nauubos ay nakakapagpadugo ako ng nguso. Gusto mo bang subukan?” Humakbang pa ako ng isang beses palapit pero umatras naman ang mga ito. Mukha silang natakot kaya naghilahan na sila paalis. “Tss. Mga takot naman pala!”
“T-Thank you...”
Napalingon ako sa likuran ko. Nagpupunas na ng kaniyang mukha ang batang babae. Agaw pansin sa akin ang maganda nitong mga mata. Bagay na bagay sa kaniya. Maganda rin ang kutis nito na medyo namumula kapag naiinitan.
“Okay ka lang? Sigurado ka bang hindi ka nila sinaktan?”
“Yeah. Okay lang ako. I just want to have friends. But they hate me.” Nakangiti ngunit malungkot niyang sabi. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung ano ang inayawan nila sa kaniya, e, mukha naman siyang mabait. Oo, mukha siyang mayaman dahil sa ganda niya, sa kutis at pananamit. Ganoon din sa kaniyang pananalita. Pero sa lambing ng kaniyang boses, sa tingin ko ay mabait naman siya.
“You don't need those kinds of friends. You don't need a lot of fake friends.”
“What do you mean?”
“I'm here now. I can be your best friend. Isa lang ako pero promise... I will never leave you. I will protect you as long as I am breathing...”
BINABASA MO ANG
The Waves Of Chaos
General FictionShe is a selfless, powerful, and independent kind of woman. Amirah is a woman who will do anything for the person she loves but who will never experience the kind of love she truly deserves. She would experience various kinds of pain and get through...